CHAPTER 2

115 0 0
                                    

~~~~~****~~~~~

"What is meant to be will always find a way..."

~~~~~****~~~~~


Tunog ng ambulansiya...mga kamay at bisig na bumubuhat sa isang taong sugatan at puno ng dugo...umaandar...gumugulong...

Sa nanlalabong paningin at nanghihinang kamalayan ng pasyente ay nakikita niya ang kisame habang siya ay tila nakahiga sa umaandar na kama. Mabilis nguni't maingat.

Rumaragasang mga paa...nagmamadaling mga kilos...nagkakaingay na mga tao sa paligid...

"Paging Dr. Robles, please proceed to ER...paging Dr. Robles, please proceed to ER..."

Kisame...malalabong mukha...biglang dumilim at para siyang tinangay ng kawalan...

Maya-maya, kisame ulit...may bilog na ilaw...kapagdaka'y nilamon na naman siya ng dilim at kawalan...

Liwanag....dilim....liwanag...dilim...ang kasalukuyan....ang kawalan...paulit-ulit at papalit-palit...

Lumalayo at lumiliit ang mga tunog ng boses at ingay sa paligid....masakit...masakit...hindi siya makagalaw...

Makalipas ang ilang sandaling pag-aagawan ng kawalan at kamalayan....katahimikan.

Malalim at mahimbing na tulog...parang nakalutang sa alapaap...magaan na pakiramdam...

~~~~~*****~~~~~

Maganda at mabilis na musika ang maririnig sa loob ng TV network na iyon.  Naghihiyawan ang mga fans na nasa loob at nakabibingi ang kanilang reaction sa artistang nasa gitna ng stage na siyang umaawit at sumasayaw kasabay ng mga dancers sa background. Halos magiba ang studio ng noontime show na iyon dahil sa hiyawan ng mga fans.

Gwapo ang artistang ito na nagsisimula ng gumawa ng sarili niyang pangalan at tatak sa larangan ng showbiz.  Isa itong total performer and entertainer. Magaling siyang umarte, kumanta, sumayaw at mag-host kaya naman kabi-kabila na rin ang kanyang mga product endorsements. Sikat na sikat ito at kahit saan ito pumunta ay dinudumog ng mga fans. Not to mention na kabilang siya ngayon sa isang teleserye na number one trending at talaga namang bukod sa pinag-uusapan ng lahat ay inaabangan pa gabi-gabi dahil sa napakagandang story nito na tungkol sa nakaraang panahon. Bukod sa gwapo at matangkad, mabait ding tao ang artistang ito. Napakabait sa mga fans at napakagalang sa mga matatanda. Sadyang kinagigiliwan siya ng lahat ng mga taong makadaupang palad niya.

"Ayan, guys, once again, tawagin nating muli para makasama pa natin ng matagal ang kailan lang ay pinarangalan at binansagang Pambansang Heartthrob ng Philippine Show Business. Saimon Rafaell!!!" excited na sabi ng isa sa mga hosts ng noontime show na iyon.

Makikita namang muli itong lalabas ng stage at kumakaway pa sa mga fans niyang nagkakagulo at naghihiyawan sa loob ng studio.

Sa TV ay makikita pang nagpa-flying kiss at kumakaway ito sa kanyang mga tagahanga sa loob ng studio at pati na rin sa mga nanonood sa kani-kanilang telebisyon sa mga sandaling iyon.

"Eeeeeeeeeee!!!! Ang gwapo! Ang gwapu-gwapo talaga!!!! Eeeeeeeeee!!!!" tili ni Cassie na panganay na anak ni Anne. Halos maglupasay ito sa sahig.

"Ate, jowa ko na 'yan. Huwag ka ng makipag-agawan pa sa akin tutal mas matanda ka kaya dapat pagbigyan mo na ako. Akin 'yan. Humanap ka na lang ng iba. Doon sa kabilang network, maraming gwapo." Sabi naman ng kapatid na bunso ni Cassie na si Carrie.

Sabay pang nagtilian ulit ang magkapatid dahil sa TV ng hospital suite na ito ay makikitang ini-interview ang super gwapong artista at habang sumasagot sa mga tanong ay nakangiti ito ng ubod tamis na halos ikawala ng kanyang mga singkit pero expressive na mata na lalo pang nagpapagwapo sa gwapo na niyang mukha.

MINSAN PA (TAGALOG LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon