CHAPTER 5

50 0 0
                                    


~~~~~****~~~~~

You have to hurt in order to know,
fall in order to grow, and love in order to gain.
Because most of life's lessons are learned in pain...
Age is just numbers!

~~~~~****~~~~~

Bakit nga ba ganoon na lang ang galit ni Martinna sa pag-ibig? Ano ang lihim ng kanyang buhay?

Si Marty ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae. Ang kanilang panganay na kapatid na si Macky ay sa London na naninirahan kasama ang asawa nito at isang anak na babae. Si Anne ang kanilang bunso. Hiwalay ito sa asawa at may dalawang anak na teenagers na babae. Si Marty, si Anne at dalawa nitong mga anak na babae ang kasama ng mama nila sa bahay. Matagal ng namayapa ang kanilang ama.

Si Anne ay namamahala ng sarili niyang business - isang malaking computer shop sa loob ng kanilang subdivision. May 30 computers siya at lahat ay fully updated and top of the line. Mabibilis ang processors at malalaki ang capacity ng memory ng mga computers niya. Palibhasa wala siyang kakumpetensiya sa ganoong business, nagsosolo ang computer shop niya sa kanilang lugar at talaga namang masasabing malakas ang business niya. May dalawa na siyang pasuwelduhang staff at kung minsan ay tumutulong din magbantay ng shop ang kanyang dalawang anak kapag weekends at bakasyon.

Siguro naiisip ninyo, kung si Anne ang bunso sa tatlong magkakapatid at ito ay may mga anak ng teenagers, then ilang taon na si Marty na mas matanda kay Anne?

Si Marty, kung titingnan ng kahit sino, malayuan man o malapitan ay mukhang batang-bata. Lagi siyang napagkakamalang 25 years old lang or minsan ay mas bata pa, depende sa kanyang ayos at suot. Kapag naka-make-up siya ay nadadagdagan lang ng 2 taon ang itsura niya. Ang lakas niyang makabulag, sabi nga ni Anne, kasi nga mukhang mas matanda pa si Anne sa kanya.

Kung meron mang mga tao sa mundong ginagalawan natin na sadyang nabiyayaan ng mga katawang slim at sexy kahit na gaano pa karami ang mga kinakain nila at walang kaproble-problema na tataba sila pag sila ay lumafang ng sobra sa nararapat, si Marty naman ay nabiyayaan ng katawan at lalo na ng mukha na sadyang mukhang bata at hindi tumatanda. Sa wari ay ipinanganak siyang may dalang sariling fountain of youth. Para siyang galing sa lahi ng mga bampira na hindi tumatanda kailanman. Aside from that, talaga namang napakaganda niya. Kaya marami ang sa kanya ay nanliligaw, bata man o matanda sa kanya.

Sa maniwala kayo o sa hindi, sa edad na 45, oo 45, si Marty ay mukha lang talagang 25. Kapag may nagtatanong ng kanyang edad at sasabihin niya ang totoo, walang may gustong maniwala. Lagi nilang iniisip na binibiro lang sila ni Marty at ito ay sadyang nagpapatanda lang ng edad. Pero iyon ang katotohanan. Siya ay certified matandang dalaga at the age of 45!

At dahil sa wala namang naniniwala sa tunay niyang edad, hindi na lang niya sinasabi ang totoo kapag ito ay napag-uusapan. Sa office nila, tanging ang big boss lang nila ang nakakaalam ng tunay niyang edad. Ang alam ng lahat ng mga officemates niya ay twenty plus lang siya at napakabata pang talaga para maging HR and Admin. Manager nila. Marahil ito rin ang dahilan kung kaya't si Shaira na Executive Assistant niya ay hindi siya gaanong nirerespeto dahil sa tingin nito ay magkasing-edad lang sila.

At ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit lagi niyang sinasabi sa mga nanliligaw sa kanya na may mga edad na 20 at pataas, na siya ay hindi bagay sa kanila. Eh kasi nga, ang laki ng tanda niya sa mga manliligaw niya! Kahit pa sabihing mukhang bata pa siya, sa isip at puso niya ay alam niyang matanda na siya at nakakaasiwang isipin na ang mga nanliligaw sa kanya ay halos parang mga anak na lang niya kung pagbabasehan ang mga edad.

Kinikilabutan siyang isipin na baka mapagbintangan pa siya ng lipunan na isa siyang cradle snatcher or isang certified cougar, 'yung mga may edad ng babae na mahilig sa mga young men. In short, Matrona, with a capital M! Mamasang, with a capital M again! Hindi rin nawawala sa isip niya na baka ang mga batang nanliligaw sa kanya ay naghahanap lang ng sugar mommy or naghahanap ng mga girlfriend na mother figure.

Pero isa lang ang edad sa mga dahilan kung bakit bitter siya sa buhay. Actually, kung walang makakaalam ay okay lang na magpanggap siyang bata at kasing edad nila. Nguni't hindi naman siya pinalaking sinungaling at sadyang mabait na tao itong si Marty kaya hindi niya maatim sa sarili ang magkunwari or magpanggap kahit pa sabihing edad lang naman ang ipagkukunwari niya.

Ang pangalawang dahilan kung bakit bitter siya sa buhay ay - love! Usaping pang-puso. Ayaw na niya magmahal at para siyang napapaso kapag ito ay napag-uusapan. Tama naman ang sinabi niya kina Onyx, Paul at Chester na dati na rin siyang nagmahal at halos ito ay perpektong pag-iibigan. Kaya lang, bigla itong nagwakas at siya ay naiwang punung-puno ng pighati at sama ng loob.

Hindi siya niloko or sinaktan ng kanyang ex-boyfriend. Si Benjo Singson ang larawan ng isang perfect boyfriend. Mapagmahal ito, mabait, maalalahanin, maasikaso, maalaga, maunawain, sweet, romantic and thoughtful. Kung meron pang ibang positive traits ng isang lover na hindi nabanggit dito, si Benjo pa rin iyon. Kaya nga almost perfect. Not to mention na talagang gwapo ito at matikas ang tindig. Dahil nga nasa kanya na ang lahat, talagang wala ng hahanapin pa.

~~~~~******~~~~~

MINSAN PA (TAGALOG LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon