"I love you mhine ko!"
"Tayong dalawa lang forever."
"Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?"
'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal nila.
May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin nyo naman ng bonggang-bongga yang mga jowa nyo!
Pero totoo, tama naman ako diba? Ganyang ganyan naman tayo, nagkaiba-iba lang sa variation ng tawagan. Mayroong 'bhe ko', 'mahal', 'baby', 'babe', 'hon', 'sweetheart', sweetiepie', 'honeypie', 'sugarpie', PAMAYPAY! Pati nga ang walang malay na buko at bayabas ay ginawa na ring tawagan! At kung anu-ano pang out of this world na mga endearment ang maririnig mo sa kanila. Pero aminin natin, baduy man sa pandinig ng iba, sweet pa din naman diba?
Pero gaano man katamis na tipong lalanggamin na ang relasyon ninyo, o gaano man katagal ang pinagsamahan niyo, hindi pa rin maiiwasan na 'yung iba ay nauuwi sa hiwalayan. Masakit diba? Wala kang ibang magagawa kundi tanggapin na lang na 'yung katotohanan na walang permanente sa mundo. Maging tao, bagay, o hayop. Walang kahit anong permanente sa mundo.
May umaalis. May dumarating.
May nasasaktan. May nananakit.
May natatapos. May nagsisimula.
*******
Guyyysss... another story. Please do read and support. Thanks
Love,
PenAxisDate started: October 6, 2015
BINABASA MO ANG
My Break-Up Diary
Teen Fiction"I love you mhine ko!" "Tayong dalawa lang forever." "Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?" 'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin n...