Chapter 10
Black & WhiteInayos ko ang bag na nakasabit sa balikat ko. Nandito na ako ngayon sa hallway at naglalakad papunta sa first class ko. Kung curious kayo kung natuloy ba akong ihatid ni Justin sa bahay kahapon, hindi ang sagot. Bigla kasing dumating sila ate, kuya Tristan at ate Che kahapon. Kaya ayun, isinabay na nila ako dahil pauwi na din naman daw sila. Although magkakalayo pero iisang way lang kasi yung mga bahay namin.
Halos mahulog yung shoulder bag na nakasabit sa balikat ko dahil sa gulat nang may biglang humila sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa gilid ng canteen.
"Sino ka ba? Ano bang problema mo?" Inis na sigaw ko dito. Hinimas himas ko yung braso ko dahil sumakit sa pagkakahawak ng tampalasan na nasa harapan ko. Namumula mula iyon at talaga namang bumakat pa yung kamay nya dito.
Lumingon ito sa akin at ganoon nalang ang gulat ko nang makilala ko kung sino iyon. Lalo tuloy akong naiinis. Ano na naman bang problema nang isang to? Nakakainis ha.
"Ba't ka ba nanghihila?" Inis na tanong ko.
"Ano bang problema mo?" inis na tanong din nito. Napakunot ang noo ko. Ano bang tinira ng loko na'to? Sya pa may ganang maiinis eh sya nga itong agad nalang nanghila sakin.
"Baliw ka ba? Ikaw nanghila tapos ako tatanungin mo kung anong problema ko?" Lumakad ito palapit sa akin.
"Nagpahatid ka talaga dun sa Justin na'yon?" napanganga ako sa tanong nito.
"Ha?"
"Ako na boyfriend mo, hindi mo pinapayagang ihatid ka tapos yung gagong yun, hindi mo naman kaanu-ano pinayagan mo?" galit na tanong nito. Ano bang problema nang isang ito? Hindi naman ako hinatid ni Justin kahapon, hindi natuloy diba? Kaya anong kalokohan ang pinagsasabi nang isang ito? Hindi ba nya nakita? At anong boyfriend?
I composed myself.
"Ano bang pakialam mo? At para sabihin ko sayo Ron, hindi na kita boyfriend!" naiinis na wika ko. Napakakapal talaganang mukha nito.
Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa akin.
"Anong hindi? Bakit nagbreak na ba tayo?"
Natawa ako at the same time nabwisit. Paano nya nasasabi ang mga ganitong bagay sa harap ko? Hindi ba talaga sya nahihiya sa akin? Wala ba talaga syang pakialam sa nararamdaman ko?
"Hindi kita boyfriend! Wala akong boyfriend na gago at manloloko!" bigla itong humawak sa balikat ko at pinisil iyom. Napadaing ako dahil sa sakit. I look at him. He looks so mad at this moment. At gusto ko nang umiyak dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko, hindi sa puso kundi sakit dahil sa pagpisil na ginagawa nito sa balikat ko.
"Hindi tayo nagbreak Sarah! Kaya akin ka pa din!" may diing sabi nito.
Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Sinalubong ko ang mga mata nito. Wala akong pakialam kung makita nitong naluluha na ako. "Ang kapal ng mukha mo eh noh?" binitiwan ko yung shoulder bag na hawak ko. It fell on the floor, bahala ng madumihan. "Napakawala mong kwenta Ron alam mo ba iyon? Sasabihin mong hindi tayo break? Na iyo ako? Ang galing mo. Ang galing galing mo!" naramdaman kong nabasa yung pisngi ko. Buong lakas kong hinawi ang kamay nitong nasa balikat ko. Nabitawan nya iyon at agad kong pinahid ang luhang umaagos sa pisngi ko. "Ano si Kristel? Hindi ba girlfriend mo sya? Ilang buwan na nga kayo? Dalawa? Tatlo? Ron, bakasyon palang niloloko mo na ako. Tinaymer mo ako! Tapos ngayon ang lakas ng loob mong angkinin ako? Anong gusto mo dalawa kami? Para kapag sawa ka na sa isa, lilipat ka naman dun sa isa?" tuloy tuloy ang luha na umaagos sa pisngi ko. I try to wiped it out pero ayaw pa rin tumigil. "Hindi na Ron. Maling mali talaga ako na pumatol ako sayo."
Nagulat ako ng bigla akong itulak nito at isinandal sa pader.
"Kapag sinabi kong---"
"Pare, nasasaktan na yung babae." umiiyak akong napalingon sa nagsalita. I can't see him clearly dahil nahihilam na ako ng mga luha ko.
"Wag kang makialam dito Carlo!"
"Okay." sabi nito at lumapit sa kinaroroonan namin. "As long as you let that girl go." kalmadong sabi nito.
Inis akong binitawan ni Ron at hinarap yung lalaking bagong dating na sa tingin ko ay Carlo ang pangalan.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw? Anong problema mo at nananakit ka nang babae?" lumingon si Carlo sa akin bago magpatuloy sa pagsasalita. "Nasisiraan ka na yata."
"Tsk."
"Kung ako sayo, ititigil ko na yan. Hindi magandang tingnan eh. Nakakababa." hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni Carlo pero napaalis nito si Ron nang walang salisalita.
Napaupo ako sa sahig at doon umiyak ng umiyak. I don't care if this guy sees me in this kind of situation. Nanghihina ako. Parang nawalan ako ng lakas na makatayo pa. I felt relieve nang umalis si Ron. Natatakot talaga ako.
Nakita kong pinulot nito yung bag ko at pinagpagan. Pagkatapos ay lumapit ito sa akin. He even bent down para magkapantay kami.
"Okay ka lang ba?" tanong nito. Pinahid ko ang luha ko para makita ang mukha nito.
"O-oo." he looks familiar. Parang nakita ko na sya dati hindi ko lang matandaan.
"Kaya mo bang tumayo?" tumango ako at sumubok na tumayo pero hindi pa man ako nakakahuma ay bigla nalang akong natumba. Mabuti nalang at maagap si Carlo dahil nasalo nya ako. "Tumungan na kita." sabi nito at inalalayan akong makatayo ng maayos. "Kaya mo pa bang pumasok? O gusto mong sa clinic ka nalang muna?"
"Sa clinic, please." nagsimula na kaming maglakad. May mga matang nakatingin sa amin pero binaliwala ko nalang iyon. Mukhang hindi din naman pinapansin ni Carlo iyon. I am really thankful to this guy. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nandoon pa din ako, hinaharass ni Ron.
Nang makarating kami sa clinic ay tinulungan din ako nito na makaupo sa isa sa mga kama doon.
"Thank you." pasasalamat ko. I look at him. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Napayuko ako.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" napataas ako ng tingin dahil sa tanong nito. Tinitigan ko itong mabuti. "Sa park. Nung tinamaan ka ng bola." pagkasabi nito ay parang nagflash sa akin yung eksena na iyon. Oo nga! Sya nga yung lalaki doon.
"Ah. Pasensya na, ngayon ko lang naalala." umayos ako ng upo sa kama nang biglang pumasok yung nurse.
"Ano bang masakit sayo?" nagsimulaf magtanong yung nurse sa akin kaya naman hndi ko na muna kinausap itong lalaki na nakatingin pa rin sa akin. Actually, wala naman ng masakit sa akin, ayoko lang talaga munang pumasok. Ayoko naman makita ako nang mgakaibigan ko na ganito ang itsura, panigurado tatadtarin lang ao nang mga tanong nun.
"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko kay Carlo.
"Hindi na. Patapos na ang first subject ko eh."
"Okay. Salamat ulit."
"No problem."
Hindi na ako kumibo pagkatapos noon. I took my phone out of my bag and texted Miki at sinabing nasa clinic ako.
After that, pinaalis ko na si Carlo at sinabing okay na ako dito. I don't want to be rude pero ayoko naman na abutan pa sya dito ng mga kaibigan ko. Baka kung ano pa ang isipin ng mga iyon. Hayy.
************
PenAxis
BINABASA MO ANG
My Break-Up Diary
Teen Fiction"I love you mhine ko!" "Tayong dalawa lang forever." "Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?" 'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin n...