Chapter 4
So, sila?Having an assurance is contentment. Kasiguraduhan sa mga bagay-bagay nanahihirapan kang intindihin. Masarap talaga sa pakiramdam yung mabigyan ka ng assurance ng taong mahal mo.
Ngayon feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Nawala na kasi sa isipin ko yung problema namin ni Ron. Hindi na ako nag-aalala kung galit sya o ano kasi sinabi nya na sa akin kahapon na okay kaming dalawa. Girlfriend nya ako at boyfriend ko sya. Maayos na ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa. Maayos na ang lahat.
"Hi kambal!" bati ko kay Cel nang makita ko itong naglalakad mag-isa sa hallway.
"Hi kambal! I miss you." sabi nito at yumakap pa sa akin mahigpit. Ganyan talaga si kambal, malambing. Laging nakakapit, laging nakayakap, laging nakadikit. Malambing ba ang tawag doon? Parang clingy yata iyon?
"Ako din. Namiss din kita kambal."
Humiwalay ito sa pagkaayakap sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas pa paarko yung bagong ahit nitong kilay.
"Pumayat ka yata kambal. Nagdiet ka?" tanong nito habang nakatingin pa din sa akin.
"Huh? Hindi naman ako nagdiet."
"Talaga? Pumayat ka eh." sabi nito at nagtuloy na sa paglalakad. Sumabay ako dito.
Hindi naman ako nagdiet nung bakasyon eh. Medyo nawawalan lang ako ng gana sa pagkain kapag naaalala kong hindi kami okay ni Ron. Pero ngayon, malakas na ulit akong kumain, syempre okay na kami eh. Tsaka bakit si kambal lang ang nakapuna na pumayat ako? Hindi naman to napansin ni Miki kahapon. At ako din naman, hindi ko din naman napansin.
"Kamusta ka na pala kambal? Hindi ako nakapaglibot sa inyo nung bakasyon eh." sabi ko dito.
Lumiko kami pakaliwa dahil nandoon ang way ng classroom namin.
"Naku kambal sanay na ako sayo. Ikaw ba naman magkaroon ng istriktong magulang, ewan ko nalang talaga kung makapaggala ka pa." alam na alam ng mga kaibigan ko na istrikto ang mga magulang ko. Okay lang naman sa kanila. Minsan sila nalang yung dumadalaw sa bahay namin kapag hindi ako pwede. Kumapit ito sa braso ko. "Okay lang ako kambal." nakangiting sabi nito. "May sasabihin ako sayo pero satin lang munang dalawa to ha? Wag mong sasabihin kila Bes Tin okay?"
"Okay. Ano ba 'yon?" tanong ko. Malapit na kaming makarating sa classroom namin.
"Nililigawan ako ni Rick." pabulong na sabi nito na ikinalingon ko sa kanya.
"Talaga?"
"Oo."
"Kelan pa?" excited na tanong ko dito. Syempre kaibigan ni Ron si Rick. Tapos kaibigan ko din itong si Cel. Ibig bang sabihin non, pwede na naming ipagcombine yung mga friends namin?
"Nung nagswimming kami. Yung sinet ni Ron." magkatabing upuan yung pinili naming upuan ni kambal nung makarating na kami sa room namin.
"Ah. Mabait si Rick, kambal." minsan ko na rin kasing nakabonding yang si Rick. Dahil kay Ron, syempre.
"Oo kambal. Alam mo ba na pinakilala nya na ako sa mga members ng fraternity nila ni Ron kahit hindi ko pa sya sinasagot." nakingiting pagkukwento ni kambal sa akin. Napatahimik naman ako. Ang swerte nya kay Rick. Parang nakakainggit. Si Ron kasi, simula nung maging kami hindi nya pa ako naipapakilala sa mgakafrat nya. Hayy. Although, hindi naman ako nagdedemand na ipakilala nya ako sa mga tropa nya at hindi ko din naman sinasabi na ayaw ko silang mameet, kaya lang... diba, ang laking bagay sa ating mga babae na ipinakikilala tayo ng mga boyfriends natin sa mga kaibigan nila?
BINABASA MO ANG
My Break-Up Diary
Teen Fiction"I love you mhine ko!" "Tayong dalawa lang forever." "Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?" 'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin n...