Break-Up 1

13 0 0
                                    

Chapter 1
The Past


"Hi." bati nung katabi ko sa upuan dito sa canteen.

"Hi." ngumiti ako.

Sya si Carlo, transferee. Pangatlong araw nya ngayon dito sa school kahit na nasa kalagitnaan na ng school year.

Third year highschool pa lang sya samantalang ako ay fourth year na. Pero mas matanda pa rin sya sa akin ng isang taon. Nagstop daw kasi sya nung second year sya. Hmm 'yan yung sabi ng Tina.

Matangkad, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, maganda ang kilay na akala mo ay inahit, hindi maputi hindi rin naman maitim, sakto lang. In short, GWAPO!!!

"What's your name?" aba! Inglisero! Hmm sabagay, gwapo naman sya kaya okay na din mag-english sya. Tsaka hindi naman din sya trying hard.

"Sarah."

"Sarah. Hmm nice name." ngumiti ito kaya halos mawala na yung mata nya. Shit! Ang gwapo naman nito! Laglag panty mga teh! Parang gusto kong magkikisay dito sa sahig! Yung ngiti nya... yung ngiting yon.

"Hey, you okay?" napakurap-kurap ako ng bigla itong magsalita. At mahabaging lupa. Ang lapit ng mukha nya sa akin. Ngayon mas natitigan kong mabuti yung mukha nya. Mga teh, walang pores! Na'san ang hustisya? Bakit may ganitong nilikha ang langit?

"Ah o-oo naman. Hehe o-okay ako." Nauutal ako at menssss ang hirap pala magpilit ng tawa. OMG! Baka isipin nito baliw ako.

"Cute." Nakangiti pa rin ito nang sinasabi yun. Umayos ito ng upo sa upuan nya. Syempre dumating na yung mga kaibigan nya na bitbit yung pagkain nya.

Ilang sandali lang din ay dumating na si Tina, Miki, Cel at Liza.

Si Tina, pinakamadaldal pero pinaka-thoughtful din. Lagi yan nanlilibre. Mayaman kasi. Kaso may pagkashunga lang. Alam nyo na, sa academics. Pero kahit ganun, love ko pa din yan.

Si Miki naman yung tropa naming beki. Sya yung mood maker ng barkada. Marami kasing alam na kalokohan. Fake cousins din kami. Magkamukha kasi kami ng surname kaya ayun, pinsan daw kami kahit di naman. Insan tawagan namin. Sweet noh?

Si Cel, madaming nagsasabing magkahawig daw kami kahit para sa akin ay hindi naman. Syempre mas maganda ako eh. Hehe. Kambal tawagan namin. Isa sya sa bestfriend ko.

Si Liza, bestfriend ko simula first year highschool. Matalino sya. Kasama din sya sa top students sa klase. Pang 3 ako, tapos sya pang 5. Mabait yan, kaso lang super grade conscious.

"Oh insan pagkain mo." si Miki sabay lapag nung chicken sandwich at iced tea na pinabili ko.

"Thanks insan." Nakangiting sabi ko dito at nagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan na kami ng masarap naming pagkain ng may biglang tumawag kay kambal.

"Cel." Napalingon kami sa tumawag at nakita namin dun si Rick. Boyfriend ni kambal yan.

"Rick!" Nakangiting tawag ni kambal dito at kinawayan pa. Akala mo namang ang tagal di nakita. Eh kahapon nga magkasama sila, magkahawak pa ng kamay. Kainis.

"Oh, anu na naman yan Sarah? Lumalaki na naman yang butas ng ilong mo." Puna ni Tina sa akin. Agd naman akong napahawak sa ilong ko. Lumalaki ba? Baka naman nasilip na nila sa ilong ko yung kaluluwa ko.

Nagtawan sila bigla kaya napatingin ako sa kanila habang hawak pa din yung ilong ko.

"Baliw ka talaga insan. Haha"

My Break-Up DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon