Chapter 5
SorryDalawang araw akong umabsent sa school simula nung makita ko yung eksena ni Ron at Kristel sa school ground. At hanggang ngayon ay hindi pa ako pumapasok. Sa monday nalang siguro ako papasok since friday na ngayon. At talagang mukang nasa panig ko ang tadhana dahil wala daw pasok ngayon sabi ni Miki. Tumawag sya kay ate dahil ayaw ko daw sagutin yung tawag nya. Alam kong wala naman talagang kwenta tong pagmumukmok ko sa bahay. Pero kasi nahihirapan ako. Hindi ko alam kung saan, siguro nasisiraan na ako ng bait kasi hinahayaan kong kainin ako nitong emosyon na ito.
Oo, nasasaktan ako. Syempre, ang sabi nya sa akin ay okay kami, tapos kinabukasan makikita ko syang may kasamang iba. Kamusta naman yun diba?
Hayy. Hindi ko na alam.
8:00am palang ngayon at hindi pa din ako kumakain. Nakapasok na yung mga kapatid ko sa school. College si ate at yung bunso naman namin ay elementary pa lang. Si papa, umalis na din. Nagpunta na sa shop namin na limang baranggay ang layo mula dito sa bahay namin. To be honest, may bahay naman kami doon sa likod nung shop na pwedeng pwede naman doon nalang matulog si papa para di na sya napapagod sa byahe. Hindi naman ganoon kalayo, pero diba... nakakapagod naman talaga bumiyahe kahit malapit lang? Pero sabi ni papa mas gusto daw nya na umuuwi sya dito sa bahay araw-araw para nakikita nya at nakakasama kami. Ang sweet no?
May business si papa. Just an auto shop, sapat na para maitaguyod yung pamilya namin. Mabait si papa, pero nakakatakot magalit.
I sighed. Inabot ko yung kanina pa tumutunog na cellphone ko na nasa study table sa gilid ng kama ko. Liza is calling. Nang sasagutin ko na yung tawag ay bigla naman itong naputol. 21 missed calls. Tiningnan ko sa call logs kung sino ang mga tumawag. Mga kaibigan ko. Pero si Liza yung pinakamadaming missed calls.
At mayroon din akong 138 messages. Nagtaka ako kung bakit ang dami pero naalala kong simula kahapon ay di pa ako nagbubukas ng message sa phone. I tapped the message icon at tiningnan kung sinu-sino ang nagmessage. At di na ako nagtaka nang makita ko ang name ng mga kaibigan ko doon.Liza sent me 32 messages. Miki sent 22 messages, Cel is 25, Tin is 18. And the rest ay galing sa ibang classmates namin at ibang kaibigan ko pa.
Liza was saying sorry. Lahat ng message nya ay may word na sorry. Sorry daw kasi kasalanan nya kung bakit nagkakilala kami ni Ron.
Magpinsan sila at sya din ang nagpakilala kay Ron sa akin. Siguro ay nagi-guilty sya. Pero wala naman sya dapat ihingi ng sorry kasi kahit pinilit nya lang ako na sagutin yung pinsan nya ay may part sa akin na ginusto ko din naman yun. Kasi kung talagang ayaw ko ay hindi ako papadala sa kahit anong udyok.
Miki's messages was saying na hayaan ko na daw si Ron. Ihahanap nalang daw nya ako ng bagong papa. Natawa ako don. Si insan talaga, hindi pumapalya sa pagpapatawa.
Si Cel naman ay nanghihingi din ng sorry dahil daw hindi sinabi sa akin ni Rick ang totoo. Hindi naman kasalanan ni Rick kung hindi nya sinabi sa akin eh, pero si kambal... hinihingi pa nya ng sorry si Rick. I smiled. Mukhang may feelings na din sya dito.
Si Tin naman ay tinatanong kung kamusta ako. May ibibigay daw sya sa akin kaya magpakita na daw ako sa kanila.
I scrolled down, at may nakita akong message ni Rick.
"Sarah, pasensya ka na kung hindi ko sinabi sayo yung tungkol kay Ron at Kristel. Sorry talaga."
I replied.
"Okay lang Rick. Wala ka naman kasalanan kaya wag ka ng magsorry, okay. Di naman ako galit basta wag kang gagaya sa kanya. Wag mong sasaktan si Cel."
BINABASA MO ANG
My Break-Up Diary
Novela Juvenil"I love you mhine ko!" "Tayong dalawa lang forever." "Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?" 'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin n...