Chapter 6
MikiFriendship is always better than relationship. Eto yung kasabihan na lagi kong pinaniniwalaan. Mawala na ang lahat wag lang ang kaibigan mo, dahil ang totoong kaibigan hinding hindi ka iiwan lalo nasa mga panahong may problema ka. Pero syempre, mahalaga din ang pamilya.
"Oh ano? Okay na kayong magbestfriend dyan?" si insan yan. Lumapit na silang tatlo sa amin ni Liza.
"Huh? Okay naman kami ah."
"Naku Sarah, iyan kasing si Liza, napakapraning! Praningning!" natawa kaming lahat sa sinabi ni insan. Pero seryoso? Hahaha masyado nga atang praning si Liza.
"Sarah, sorry din ha." si Cel na nakakapit pa sa braso ni Tin.
"Okay lang." sabi ko at ngumiti sa kanila. "Okay lang ako basta nandito kayo lagi sa tabi ko."
"Ang cheesy naman!" singit ni Tin at nagtawanan ulit kaming lahat.
Eto yung mga moment na talagang dapat na itini-treasure ko imbos na yung mga moment na malulungkot.
"Liza?" natigil kami sa pagtatawanan ng tumawag kay Liza. "Pinsan?" lumapit ito sa amin at lumakas ang tibok ng puso ko. "Ikaw nga? Anong ginagawa mo dito?" tanong pa nito kay insan.
"Paki mo? Ikaw lang ba may karapatang pumunta ng mall?" pagtataray nito sa kausap.
"Sungit." mahinang sabi nito at inirapan lang sya ni Liza. Bumaling ito sa akin at ngumiti. Itinaas nito ang kamay nya at "Hi." bati nito sa akin.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko sya binati pabalik. Yung saya ko kanina ay biglang napalitan ng pagkainis. Sinabi ko na ba sa inyong ayaw ko munang makita yung lalaki na ito? Kung hindi pa ay sinasabi ko na ngayon. Kung dati ay gusto ko lahat ng bagay tungkol sa kanya, ngayon ay kabaligtaran na. I hate his smile, I hate his guts, I hate his presence!
"Ron!" napalingon kami sa babaeng tumawag sa kanya. Si Kristel. Lumapit ito sa kinaroroonan namin at yumakap agad sa beywang ni Ron. Kasama nito si Rick at iba pang lalaki namay mga kasama ding babae. Mgaka-frat siguro nila.
"Tara na guys." sabi ni Cel. Aalis na sana kami nang bigla ulit magsilita si Ron. Damn! Ayoko talagang marinig ang boses nya!
"Ladies, si Kristel... girlfriend ko." pagpapakilala nito sa amin. Shit! Nakaramdam ako ng sakit mula sa dibdib ko. Mas masakit pala talaga yung mismo sa bibig nya manggagaling yung mga salitang iyon. Nakakinis.
"So?"
"Respeto naman pinsan."
"Bakit nirespeto mo ba yung kaibi---"
"Sis..." putol ko sa sasabihin ni Liza. Ayaw kong mag-away sila ng pinsan nya dahil sa akin. Lumingon ako kila Ron kahit na ayaw ko. "Pasensya na kayo."
"Sarah!" si insan na halatang naiinis sa paghingi ko ng paumanhin kila Ron.
"Ex ka ni Ron diba?" tanong ni Kristel kaya napalingon ako dito.
"Mauuna na kami." Iyan lang ang sinabi ko at tumalikod na. "Tara na?" yaya ko sa mga kaibigan kong natahimik dahil sa ginawa ko.
"Wait!" Ano na naman Ron? Pwede bang hayaan mo na kaming makaalis dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan tong luha na namumuo sa mata ko.
"Ano na naman?!" inis na tanong ni Liza sa pinsan nya.
"Baka gusto ninyong sumama sa amin. 2nd monthsary kasi namin ni Kristel. Baka---"
BINABASA MO ANG
My Break-Up Diary
Teen Fiction"I love you mhine ko!" "Tayong dalawa lang forever." "Mahal na mahal kita, hindi tayo maghihiwalay hah?" 'Yan. 'Yan ang kadalasang message ng taong nagmamahal sa taong minamahal niya. May 'mhine' na, may 'koh' pa! Aba, mga ateng at tsong! Inangkin n...