<Lynx POV>
Papunta na kami sa bahay nina Jake, dun kasi ang practice ng tropa. Di pa din ako kinikibo nitong katabi ko. Nakatingin lang sa labas. Nagpalit naman siya sa pamimilit ko na rin. Naka-maong pants na cia ngayon.
"oy, galit ka pa ba sa ken?sorry na, bati na tayo"
Tumingin sya sa ken pero di ko mabasa kung ano iniisip nya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko.
"Meron ba ko dapat ikagalit?" tanong nya
"Kanina mo pa kasi ako di kinikibo eh. Mas gwapo naman ako kesa sa mga dinadaanan natin sa labas pero mas gusto mo tumingin dun kesa tumingin sa ken at kausapin ako."
Hinarap nya ako ng naka-pokerface. Di ko na talaga siya mabasa ngayon di tulad ng dati.
"what are you thinking? Kung ako ang laman ng isipan mo sabihin mo lang hahahaha!" pang-aasar ko pa sa kanya
" Di ka ba napapagod?" tanong nya
"Saan? Bakit ako mapapagod?" balik tanong ko
"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa utak ko eh."
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sa ken ng nakakaloko.
"Iniintay ko na sabihin mo boom panes or #pick-up lines hahaha.. narinig ko lang kagabi yan." Natawa na kami pareho sa kalokohan nya
"Ah ganon, pinagti-tripan mo pala ako. Pasalamat ka at nagmamaneho ako ngayon kundi yari ka sa ken"
Ngingisi-ngisi itong nag-peace sign. I did miss this girl beside me. Napangiti na lang ako. Di ko na namalayan na nakarating na kami kina Jake. Parang ambilis ng byahe. We both alighted from the car. Nagdire-diretso na kami sa loob. Nasa likod ko lang siya nung una, tahimik na sinusundan ako. I faced her, at pinagtaasan nya ako ng kilay, waring nagtatanong bakit kami huminto. I took her hand and hinila siya papuntang music room kung saan hinihintay kami nina Jake. I don't know what's gotten into me. Basta gusto ko lang hawak ko ang kamay nya.
"Hey guys, andito na pala sina Lynx," rinig kong anunsyo ni Jake. Naki-fist bump ako sa kanya sabay nod. Ganun lang naman ang batian naming dalawa.
"Pare, di mob a kami ipapakilala jan sa chicks mo?" sabat ni Kean, gitarista namin.
"Atat lang? Hahaha. Guys, I want you to meet my bestfriend, Dani. Dan, sila ung kinukwento ko sayong mga kabanda ko. Ung atat kang makilala, sya si Kean." Dani shook his hand while saying hi. Ipinakilala ko na din ang iba pa. "And this is Sean, keyboards, and Jake's cousin."
"Nice meeting you,"sabi ni Sean pero nagulat ako ng imbis makipag-shake hands nito, hinalikan nito ang kamay ni Dani. Nakita kong nagulat si Dani, natahimik din ang ilan naming kabanda sa ginawa nito. Nag-blush din ang babae, kaya lalong napangiti si Sean. Mukhang natipuha nito ang kaibigan ko ah..tsk tsk..
"Wow, pare, ambilis mong duma-moves ah," kantyaw ni Jake dito. Ngigiti ngiti lamang si Sean habang nakaramdam ako ng inis sa nangyari. "Dani, tagal nating di nagkita ah. Gumanda ka lalo" wika pa nito, sabay yakap ke Dani. Matagal na naman silang magkakilala.
"At bolero ka pa rin," sabi naman ni Dani sabay tawa. Nagkakwentuhan pa ang dalawa. Parang bigla naman akong na-OP sa kanila, samantalang titig na titig pa din si Sean ke Dani.
"Tama na yan, umpisa na tayo." Hinatak ko na ng bestfriend ko at baka matunaw na ito. Iginiya ko sya sa isang upuan para makapag-simula na kami ng practice.
After more than an hour, natapos din kami sa practice namin. Tahimik lang na nanonood si Dani sa amin. Pinaguusapan na lang naming ang susunod naming gig ng bumukas ang pintuan, kasabay ng pagpasok ni Cate at ng kaibigan nito na nakalimutan ko na ang pangalan na gf naman ni Kean. Napangiti ako. Mapapakilala ko na din si Cate ke Dani. Napansin naman ako agad ni Cate, ngumiti ito at lumakad na papalapit sa akin. I got up at sinalubong sila, si Cate lang pala.
"I missed you Lynx, " sabi nito at nagulat na lang ako ng bigla ako nitong halikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Promises
Genel KurguHe's a heartthrob.. She's an engineer.. they live in completely different worlds.. Yet they are best friends since childhood.. Will their differences tear them apart, or will their friendship blossom and brave all the challenges? Will they stay as f...