Chapter 1: Dani is home!

23 0 0
                                        

<Lynx POV>

“Lynx, anak, tumayo ka na jan, tanghali na! Don’t forget, you promised to accompany me to the airport to pick-up your Tita Grace!” sabi ni mommy habang kinakatok ang kwarto ko

Di ko siya pinansin sabay takip ng unan sa tenga ko. Hayz, ke aga-aga naman nitong si Mommy manggising  eh. Madaling araw na natapos ang band practice namin at halos katutulog ko pa lang.

“Son, come on, tayo na jan.” sabay tanggal ng unan na nakatakip sa ulo ko. “ Maligo ka na at magbihis ng makapag-breakfast ka na din. We need to be at the airport before lunchtime.”

“Mom, can’t you just go with the driver? Me driver naman eh, why do I need to join pa?” inis kong sabi

“ Don’t you want to see your best friend? Tagal nyong nde nagkita ni Dani ah, di mo ba siya na-miss?” biro pa sa ken ni Mom

Napamulat tuloy ako.. ah oo nga pala, kasamang uuwi ni Tita Grace si Dani. Tita Grace is my Mom’s best friend during highschool and Dani is her only daughter. Dahil nga friends sila mommy, naging magkababata at matalik din kaming magkaibigan. Yun nga lang, nawalan kami ng communication since nag-migrate sila ng US 10 years ago.  Naging busy kasi kami pareho sa studies namin, si Dani kasi advanced classes ang kinukuha nya doon gawa nasobrahan sa talino. Ngayon lang uli uuwi si Dani. Napabuntung hininga na lang ako. Ano na kayang itsura nya? Makabangon na nga. Hindi din naman ako patutulugin ni Mommy kakakulit. Excited masyadong makita ang best friend nya. They’ll be staying at our house for a week bago sila mag-vacation sa beach house nila sa Batangas. Para tuloy na-excite na din ako makita si Dani, si mommy kasi nakakahawa ang energy eh.

Andito na kami sa airport, naghihintay na lumabas sina Tita Grace.  Buti na lang di kami na-late, sobra kasi traffic sa airport road, 5 minutes ng nakalapag ang flight nila nung nakapag-park kami.  Maya-maya lang nakita ko na si Tita Grace na kumakaway sa men. Tuwang-tuwa nitong niyakap si Mommy at nagkamustahan sila. Saka pa lang siya napatingin sa akin.

“Is this Lynx? Grabe, binatang binata ka na hijo, at sobrang gwapo. Madami sigurong babaeng nagkakandarapa sa yo. Madami ka ring girlfriend ano.. hahaha!”

“Hay naku Grace, madaming fan girls yan, di ko lang alam kung me pinopormahan na .. Mas gusto pa yatang tumugtog kesa lumandi eh.. hahaha”

“Mom!” nahihiya ko na lang na sabi.. nde nya lang alam, malapit na ako sagutin ni Cate my loves ko  >.< kinuha ko ang hand carry niya at nilagay sa loob ng van

“ Nga pala Grace, asan na si Dani? Akala ko ba kasama mo siyang uuwi?”

“Nasa loob pa, hinihintay ung bagahe namin. Pinauna nya na ko lumabas para daw hindi kayo mainip. Alam mo naman ang batang yun, nahihiya pa din sa inyo. Teka, eto na pala siya” sabay kaway sa babaeng paparating.

Pagtingin ko dun sa kinawayan nya, feeling ko tinamaan ako ng drums sa ulo.. Merong anghel na paparating. Napatitig na lang ako talaga. Simple lang siya, mahaba ang buhok na nakalugay, nakatshirt lang  at maong. Pero ang tindig nya at overall presence, parang hinihigop nya lahat ng hangin sa paligid at feeling ko nage-emit cia ng glow. Pag ngiti nya lumabas ang dimples nya na matagal ko ng hindi nakita. Natauhan lang ako ng ibaba nya ang handle ng luggage nya sabay kiss sa cheeks ng mom ko.. Sayang, sana ako din me hello kiss harharhar >.<

“Hi Mom, Tita Alice, sorry po it took so long. Antagal po kasi bago ko makita ung luggage ni mommy eh. “

“It’s okay, Dani. Ang ganda ganda mo na ngayon, dalagang dalaga ka na! Halos nde kita nakilala! Di ba, Lynx? “ siko ni mommy sa akin

“ahhhhh, yes. Yo Dani, kamusta..” un lang ang nasabi ko.. takte, pano ba gumanda ang babaeng to ng ganito? Dati mukha lang siyang tibong nerd pero ngayon, pang-beauty queen na ang itsura nya. Naimpluwensyahan siguro ng mga babae sa Tate.

Bigla naman natawa sa Dani sabay hampas sa braso ko, “Lynx! Gosh it is you! oy, pa-yes yes ka pa jan, baka mahipan ka ng masamang hangin kung makatitig ka. Baka malusaw na ko nyan hahahaha“

“Nice to see you again ha..”inis kong sabi, napahiya ako eh, nahuli nya pala akong nakatitig kanina. “napunta ka lang ng US, feeling mo ang ganda ganda mo na, mukhang tibong nerd ka pa rin” sabay binehlatan ko siya. Pero infairness, maganda siya talaga ngayon, nagulat ako >.< walanjo lang ha, tumaas din ang self confidence nya after all these years..

“O sya, tama na asaran nyo baka magkapikunan pa kayong dalawa. Halika na sa bahay ng makapagpahinga kayo.” Aya ni Mommy sa kanila. Kaya sumakay na din kami ng van. Magkatabi sila mommy at Tita Grace, kami naman ni Dani ang magkatabi sa likod nila. Napangiti na lang ako habang pasakay, kasi after all these years parang di kami nagkahiwalay, comfortable pa rin kami sa isat-isa.

Matagal na kaming magkaibigan ni Dani, diapers pa lang ang suot naming dalawa. Para magkapatid kung magturingan. Sabay kami pumasok ng nursery, pero dahil nga matalino siya lagi syang naa-accelerate, hanggang sa mauna na siya sa ken ng 2 years sa school. At dahil din dun, palagi na syang nabu-bully ng mga classmates nya, kaya naman ako ang naging knight in shining armor nya. Naging tahimik siya at di palakibo, pero kapag magkasama kami lumalabas ang pagiging makulit at masiyahin nya. Nung sinabi nya nga na magma-migrate na sila sa US, sobrang lungkot namin. Umiyak pa nga kami pareho nun. Kaya naman nag-promise ako sa kanya na kahit na malayo siya, friends pa din kami at di na mababago yun. I hope kahit matagal na kaming walang communication, friend pa din ang turing nya sa ken. Aba, na-miss ko din naman ang kakulitan ng isang ito.

Umupo siya ng patagilid at humarap sa akin, smiling brightly. “Kamusta ka na? Nakakatampo ka, di mo man lang ako china-chat sa messenger. Sobra bang busy sa school?”

“Mejo. Since you left kasi, dumami extra-curricular activities ko eh. Tapos siyempre, nagbinata, na-barkada..” napakamot na lang ako sa ulo. Di ko masabi sadyang tinatamad kasi ako makipag-chat. Mas Masaya kaya mag-gitara at makipag-jamming kesa humarap sa computer at makipag-kulitan.

“Hmmp, di bale, dapat makabawi ka sa ken ngayon. Madami kang utang hahaha.. By the way, Tita told me you’re in a band. Kelan ba gig nyo so I can watch?  Can I go with you?? Pretty please?? “ Naku naman, bakit ba ganito to ngayon? Kamote naman eh, ang cute nya lalo pagnaka-smile at nagbe-beg. O, tukso, layuan mo ako.. Feeling ko tuloy nagkakasala ako ke Cate my loves T_T

“We have a band practice later, pero I think di ka papayagan ni Tita Alice at ng mom ko coz you need to rest muna. You can watch tomorrow if you like. I can bring you with me.” Sumimangot siya at nag-pout.

“Fine. Tomorrow then. Pinky promise?? “

“Ok promise. Welcome home Dani” giving her a playful smile.

 “It’s so nice to be back” ^_^

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon