<Dani's POV>
Sa sobrang pagod ko , wala pang isang oras pagkahatid sa ken sa guestroom eh nakatulog ako kagad pagdating sa bahay nina Lynx. Sobrang jetlag at isama pa dun na nag-duty pa ako sa company na pinagtatrabuhuhan ko a day before kami umalis, kamusta naman di ba. Di ko namalayan ang oras, nagising ako kinabukasan ng tanghali na. Nakakahiya! Dali-dali akong naligo at bumaba na.
Saktong pagbaba ko, nakasalubong ko sa hagdan ung kasambahay nila Lynx na si Manang Martha. Matagal na din siya nagsisilbi sa pamilya nila Lynx. Siya ang malimit magbantay sa amin sa playground noong mga bata pa kami. Kahit papano eh close na din ako sa kanya dahil na din lagi kaming magkasama noon ni Lynx.
" Hi Manang Martha! Na-miss ko po kayo!" sabay hug sa matanda
"Ay naku, gising ka na pala. Etong batang ito talaga, napaka-sweet. Napakaganda mo na ngayon, at ang laki na ng pinagbago mo. Oo nga pala, siguradong nagugutom ka na, di ka na nakakain mula kagabi. Gigisingin ka sana ni Lynx kanina kaso sabi ng Mommy nya na pabayaan ka muna matulog at mukhang sobrang napagod ka sa byahe."
"Alam nyo po ba kung nasan si Mommy? "
" Nasa garden ang mommy mo at si Ma'am Alice, pero dumiretso ka muna ng dining room at ipaghahanda kita ng tanghalian. Di ka pwedeng magpagutom, kaya ka yata pumapayat eh nagpapalipas ka ng gutom"
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Manang. Ganun pa din sya. Para ng anak ang turing nya sa amin ni Lynx simula pa nung mga bata kami. Sumunod na din ako sa kanya sa Dining Room.
"Manang, si Lynx po?" tanong ko pagkaupo ko sa mesa habang ipinaghahanda naman ako ng pagkain ni Manang Marta.
"Umalis kanina eh, di ko pa nakitang bumalik. Kumain ka muna at mamaya mo na hanapin. "
"Na-miss kop o ang luto nyo Manang! Sobrang sarap ng adobo nyo talaga!"
"Sus, nambola pa tong batang ire. Sige na pakabusog ka jan. Dadalhan ko muna ng tea sina Ma'am Alice sa labas. Pagkatapos mo ay iwan mo na lang jan ha. Kumain kang madami" sabi pa nito bago tuluyang lumabas.
Nasa kasarapan ako ng pagkain ng biglang me nagtakip ng mata ko. "Guess who?" tanong pa nito
"Si Lynx ka malamang," sagot ko dito at patuloy lang na kumain. Tinanggal nya ang kamay nya at saka umupo sa tabi ko. "KJ" tawa-tawa pa nitong saad.
"Seeing as you're the only guy who lives here aside from your Dad, alangan namang sabihin kong si Tito Roxy un di ba." Sabi ko pa dito. "Kumain ka na?"
"Yeah, tapos na. Sarap ng tulog mo eh. Tatabihan sana kita kanina kaya lang sumilip si Mama sa kwarto mo muntik na ko mahuli hahahaha"
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nya. Kwela talaga tong si Dani. Pinagpapalo pa ko sa braso.
"Manyak ka! Me pagnanasa ka pala sa ken!" tuloy tuloy ang pagsalag ko sa mga palo nya.

BINABASA MO ANG
Promises
Genel KurguHe's a heartthrob.. She's an engineer.. they live in completely different worlds.. Yet they are best friends since childhood.. Will their differences tear them apart, or will their friendship blossom and brave all the challenges? Will they stay as f...