CHAPTER TWO

10 0 0
                                    

Unang araw ng pasukan kaya excited ako pumasok. Hindi ako makapaniwala na graduating student na pala ako. Kailangan ko talaga maging masikap sa pag-aaral para makakuha ako ng full scholarship sa university na papasukan ko. Iyon lang talaga ang malaking maitulong ko sa pamilya ko lalong lalo na kay tatay.

Magmula first year hanggang third year ay palaging ako ang top one sa klase kaya gagawin ko ang lahat para lang makuha ko parin ang gusto kong abutin at 'yon ang maging rank one sa klase.

May isang problema nga lang ako sa eskwelahan na pinapasukan ko at iyon ay ang palagi kong katunggali pagdating sa klase.

Aminin ko man o hindi maganda sya at matalino. Crush nga nya ito kaya lang ayaw nya nang pagtuonan ng pansin dahil alam nya sa kanyang sarili na hindi sila kailan magiging bagay. Langit sya at Lupa ako. Masaya na ako na nakikita ko sya na masaya at gusto ko muna mag-aral ng mabuti para makakuha ng full scholarship.

"Anak, halina't sa lamesa at mag almusal para hindi ka gutomin sa unang araw mo." Pukaw sa akin ni nanay Den-den sa gitna ng pagka tulala ko.

"Opo nay, suotin ko lang yong sapatos ko." Pagkasabi nun ay sinuot ko na ang sapatos ko at kumain na ng almusal.

"O heto yung baon mo anak ha, pasensya kana kung 'yan lang ang naibigay ko ngayon, wala pa kasi ang tatay mo nak." Sabi ni nanay sabay bigay sakin ng baon ko.

"Nay, 'wag na nga kayo mag-alala ng babaunin ko araw-araw. Hindi ko naman ginagastos ang mga binibigay nyo nay eh, itago nyo nalang po 'yan o kaya ibili nyo ng gamot." Pagkasabi ko ay binalik ko sa kanyang bulsa ang ibinigay nyang pera at humalik sa pisngi nya at umalis.

Sorry kung maikli lang yong mga updates ko guys. Nag a-adjust pa talaga ako eh. Heheh sana magustohan nyo ang mga sumusunod ko pang sulat.

-->myAlluszcha


My First and Last RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon