Chapter 10: Sila. Tapos.....sila na ulit?

5.4K 85 3
                                    

Chapter 10: Sila na. Tapos...sila na ulit?

Damn it! I have a strong colds when I woke up this morning. Siguro kasi nagpaulan ako? Ohmy correction.

Naabutan ako ng ulan. Wala naman akong ibang dala kundi bag kaya pati laman n bag ko, basang-basa. All thanks to Peanut. *put sarcasm here*

So ngayon ang bigat bigat ng ilong ko. Feeling ko matatanggal. Sheez.

"mom, konna ko" sabi ko kay mama.

"anu yon anak?" tanong ni mama ng tignan nya ko. "ngongo ka ata ngayon."

I rolled my eyes heavenwards and smiled at her. "obviously. Courtesy to Peanut.." bulon ko.

"ha? Peanut? Si Peanut ba kamo, anak? Anong meron kay peanut? Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni mama kaya ako rin nagulat rin.

Alam nyo yan si mama, masyadong napo-pogian sa ex ko. Masyado syang botong-boto kaya nung nalaman nyang nag-break na kami, nagkasakit pa sya ng dalawang linggo. Yeah weird para magustuhan nya si Peanut for me pero all I know is he's not for me that's why we broke up.

"Mom! No! Hindi kami nagkabalikan okay? Hinding-hindi at walang chance. Kaya aalis na ko, gonna go." umalis na kagad ako pagkatapos ko siyang ikiss sa cheeks.

Hay. Mothers.

Pagkapasok ko, sinalubong ako ni Grapes. Pero guess what?

O_O

"Grapes, is that you?" tanon ko sa kanya. She just smiled

Ibang-iba sya ngayon sa kahapon. Kahapon, may salamin pa sya. Naka-braid at losyang ang dating. Parang hindi teenager kung pumorma.

Pero ngayon, naka-curls ang dulo ng hair nya. No eyeglasses. At naka-shorts sya at pink sando top. IBANG GRAPES, in other words.

"Grapes, ikaw ba talaga yan? Knock knock?"

Natawa naman sya sa sinabi ko. Like, anong nakakatawa? "Straw, wag ka nga. Nakakahiya tuloy..." ngiti nya.

"sus, wag kang pa-humble okay?" sabi ko. "Anyways, bakit ka nag-iba?"

"ha?"

"I mean, why the sudden change?" tanong ko. Pero kahit naman itanong ko, alam ko naman ang sagot. Bakit ba nag-iiba ang isang tao? Dahil sa isang tao. Malamang, nagpapaganda na sya kasi nakuha na nya si Kuya Kist.

"ahh wala lang. For new look naman."

"ahh." i said. Napatango ako ng dahan-dahan. "Bagay sayo."

"Talaga?" parang nag-twinkle yung mata nya nung sinabi ko yun sa kanya.

"Yep. Mas nagmukha kang babae."

"Ahh thank you Straw." ngumitisya sa akin so I just smiled back.

So kumapit na sya sa braso ko like the usual Grapes. Nagke-kwento na naman sya. So I asked her something.

"Grapes, where were you yesterday?" i asked her.

"Uhm, sa mall lang." napayuko naman sya. Naramdaman kong nawala yung kamay nya sa braso ko tapos huminto sya sa harapan ko. "Uhm, Straw, bestfriends naman tayo diba?"

"Yes."

"I wanted to tell you something. But promise me first na hindi ka magagalit."

Napakunot ako sa sinabi nya. I have this vibes na yung sasabihin nya ay about sa kanila ni Kuya Kist. "Depende sa sasabihin mo. Ano ba yun?"

"Uhm, yesterday. K-kasi, tinanong ako ni Kuya Kist makipag-date." tumingin sya sa akin. Waiting for my reaction. "And I accepted his offer. I wasnt able to tell you yesterday kasi baka magalit ka sa akin."

Way Back Into Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon