Epilogue na pala toh
Bumalik na kami ng manila 2 days ago. Everything went well between Grapes and I. We are now back in old us bago mangyari lahat ng mga nangyari. Nililigawan na pala ni Kuya Kist ulet si Grapes at ito namang si Grapes, hingi-hingi ng payo sa akin tungkol kay Kuya Kist. para namang hindi naging sila diba? Kaya tinatawanan ko na lang ulet siya tungkol dun.
Si Peanut? Ayun, gwapo pa naman daw siya. Pero I could cite new things from him. Mas nagiging gentleman na siya sa akin. He helps me to carry my things. He greets me every morning and walks with me to home.
And yeah, he's courting me.
Lakas ng kabog ng dibdib ko ng malaman kong nililigawan nya ko. Parang ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng matino sa buhay nya.
Unang pagkakataon na magpapakahirap siya para makuha ako. It leaves me a proof that he really wants to win me back.
Isang beses na intramurals namin ay dahil sa team captain siya ng basketball, siya ang pag-asa ng team nila. Iba akong team dahil magkaiba kami ng klase so technically, nasa kabilang team ako which is yung kalaban nila sa basketball.
Habang tumatakbo ang time ay parang wala siya sa gana. Sa bawat shoot niya ay titingin siya sa akin pero di niya nashu-shoot. Ilang points ang nalamang ng team namin sa kanila. Kaya naman nung nag-break ay parang sinisisi siya ng mga co-members niya. Ayoko siyang ma-down. Kaya naman nung break nila ay pinuntahan ko siya sa locker nila at doon ko siya kinausap.
Mukha pa ngang nagulat siya dahil nandun ako. "A-anng ginagawa mo dito Straw?"
"Anu ba naman yan Peanut!" binato ko yung towel ko sa kanya. Nagulat naman siya dahil sa pagsigaw ko sa kanya. "Ang panget ng laro mo doon sa court! Para kang lantang gulay doon!"
"Eh bakit ka nagagalit sa akin?" nag-aalala niyang tanong.
"Gusto kong ipanalo mo yun! Kahit na kalaban niyo ang team ko, ipanalo mo yun! Bu-busted-in talaga kita pag natalo kayo! Try me!" sigaw ko pa sa kanya at fin-lip ang buhok ko sa mukha niya kaya ito tumama sa mukha niya.
Narinig ko siyang napamura. Napangiti ako bigla. Nung papalabas na ko ay lumingon ulet ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi sabay takbo.
Oo, aaminin ko, sa mga oras na yun kinikilig ako. Lalo na nung mag-game na ulet. Sa bawat pagkuha niya sa bola, nashu-shoot na niya. At sa tuwing nagshu-shoot niya ito titingin siya sa akin at kikindat. Sobrang laki lang ng kaba at paru-parong mga naglalaro sa tiyan ko ang nagdudulot ng ginagawa niya.
At sa huli, sila ang nanalo. Natalo ang team ko pero sobrang saya ko dahil sila ang nanalo. Sa kanya in-award ang "most valuable player". Kaya nung bumaba ako ng bleachers para puntahan siya at sinalubong niya ko ng yakap at may binulong sa tenga ko, "Para sayo toh."
Sinundan pa yun ng maraming araw na pinapatunayan niya sa akin na gusto niya ko. Hanggang dumating ang prom namin. Lahat kami excited para dun kasi nga may kanya-kanya silang mga partner.
Nabuburaot lang ako dahil kaumagahan noon ay nagkatampuhan kami ni Peanut. Nakita ko kasi na may maganda siyang babae na kasama. Alam mo yun? Parang fashion designer! Nagtampo ako sa kanya ng malaman ko yun. Parang siya din ay nagtampo dahil sa pagsusungit ko. Ano yun? Susuko na agad siya?
Kaya nung prom na ay naghintay ako sa labas ng venue namin. Sa isa kaming hotel. Dumaan ang mga oras pero walang Peanut ang dumadating.
Nakakainis siya T^T
Hanggang sa bumuhos ang napakalas na ulannnn!! Pumasok na ako at binigay sa akin ni Kuya Kist ang blazers niya para ipatong sa akin dahil sa lamig. Nandoon din si Grapes para pahinahuin ako.
"Doon na muna tayo sa loob Straw," sabi ni Grapes sa akin habang nakahawak siya sa balikat ko. "Dadating yun, wag kang mag-alala"
"Nainis siya sa akin. Baka sinukuan na niya ko. Ito na nga ba ang kinatatakot ko eh!" tapos tuluyan na kong umiyak sa mga palad ko.
Papasok na sana kami ng may sumigaw sa may gate. Pagkalingon namin ay nadatnan namin ang basang-basa na si Peanut, tanggal narin ang kanyang blazers na puti pa para ipagtaklob sa ulan pero wala rin, basang-basa parin siya. Puro putikan pa ang puti niyang slacks at ang white din niyang sapatos na mukhang pinaghandaan pa niya.
Napatitig ako sa kanya.
"Straw!" tumakbo siya sa akin. Yayakapin niya sana ako pero tumigil siya, "Sorry, hindi ako nakarating sa oras. Gusto sana kitang yakapin pero di ko maggawa. Baka mabasa ka. Ang ganda mo pa naman.."
Namula ang mukha ko nun at nag-init. Pinadausdos niya ang kamay niya sa basa at sira na niyang buhok dahil sa pagkabasa.
"I'm sorry Straw kung nagkatampuhan tayo. Yung babaeng kasama ko kaninang umaga, fashion designer lang yun ni mama. Gusto niya na maging gwapo ako. Pinaghandaan ko talaga yung suot ko kaya lang... ang dumi na"
Napangiti ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya. "Ayos lang. Tignan mo nga tong eyeliner ko, kumalat na. Pinaghandaan ko rin naman pero nasira lang din."
"So..." parang nahihiya niyang sabi. "Saan mo gustong pumunta?"
"Kahit saan. Basta magkasama tayong dalawa." ngiti ko sa kanya at niyakap siya lingid sa kaalaman kong basang=basa siya at lunod sa putikan.
Dumating ang 18th birthday ko, debut ko na! At bukod dun, ito rin ang matagal ko ng pinaghahandaan at pinakahihintay na araw sa buhay ko.
Konti lang naman ang invited, pero syempre nandoon ang mga importanteng tao sa buhay ko; si mama, sila Kuya kist at grapes at syempre, si Peanut.
Karamihan sa mga 18 roses ko ay yung mga pinsan ko at nandun si Kuya Kist. Syempre ang pang-18th rose ko ay si Peanut. Naka-maong lang siya at vneck shirt sa loob na tinatakpan naman ng blazers na black.
Binigay niya sa akin ang rose at hinalikan ang kamay ko. "Happy birthday, ex ko" bulong niya sa akin.
Natawa ako. Hanggang ngayon "ex" parin ang tawagan naming dalawa. Nadagdagan lang ng 'ko' para alam nilang lahat na pagmamay-ari parin namin ang isa't-isa.
Niyakap ko siya nung sumasayaw kaming dalawa. Paikot-ikot lang kami dun at nakatama lang sa amin ang spotlight. Nararamdaman ko ang paghaplos na ginagawa sa akin ni Peanut sa bewang ko.
Natapos na ang tugtog. Bumitawna siya. Pero bago ko siya pakawalan ay hinalikan ko siya sa pisngi at may ibinulong, "Sinasagot na kita. Tayo na ulit, ex ko. Mahal na mahal kita."
A/N:
END NA TOH BABUSH INE DIT KO LANG
Vote/Comment/Fan
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (KathNiel)
Teen FictionAll Rights Reserved... Completed (former: Dear Ex)