Chapter 2:Misfortune

27 2 2
                                    

*Mystearyca's POV

Natapos naman ang araw namin sa school sa pagpapakilala sa bawat subject. kahit alam naman ng mga teacher namin na halos kilala na namin ang isa't -isa. Alam din namin na ginagawa lamang namin ito dahil tinatamad lang talaga ang teachar namin na magturo sa first day of school. kahit hndi naman first day of school tinatamad pa rin sila.

"So? tara na?" exited na yaya ni judy. ng matapos na ang lahat ng klase namin

"SM, talaga tayo pupunta?" nayayamot na tanong ni jem.

Tiningnan ko si judy na parang naiinis."jem naman, wag ka ngang kj, 2 months tayung hindi nagkita. remember?"

nagpakawala nalang ng hangin si jem dahil mukhang wala naman syang magagawa."oky. pero madali lng tayo dun ha?" bigla nalang umaliwalas ang mukha namin lalong-lalo na kay judy.

well si jeremy talaga ang bumabara sa kalokahan ni judy at kami ni pia ang taga-sunod lng kung anu ang mapagdisisyonan namin. kaming apat ay may kanya-kanyang role. si judy ang tagaprisinta, si jem ang taga bara, ako ang taga-apela at si pia ang tagasusuporta. oh diba, parang nasa korte lng.

Bago talaga kami umuuwi titingnan talaga muna namin ang school ng fanta greenland University lalong-lao na ang pinakamaganda nilang gate. Hindi ko alam kong bakit hindi ako nagsasawa na tingnan ang ang school nayan kahit halos apat na taon na namin yan nakikita. pakiramdam ko kasi hindi makokompleto ang araw ko kung hndi ko yan makita.

Ayun SA narinig ko ang Fanta Greenland University na pangalan ay nakuha mula sa isa sa anak ng founder ng school na mahilig daw sa fantasy noong unang ipinatayo ito. Kaya naging Fanta Greenland University. Puro mayayaman lang ang pwede mag-aaral sa school na yan dahil ang mahal ng tuition. Siguro ang isang taon na income ng pamilya ko pang 3 units lng ang kayang bayaran, hndi pa kasali ang miscellaneous at iba pang ka ik-ikan na kailangan bayaran. Hindi ko naman alam dati na wala palang highschool dyan.

*ring ring ring

narinig kong tumutunog yung phone ko kaya hinanap ko sa backpack ko. Pero hndi ko makita.

*ring ring ring

tumngin ako sa paligid habang yung kamay ko ay naghahalongkat sa bag ko, habang hinahanap ang mga kaibagan ko na kanina lng ay nasa tabi ko lang.

Ayun nakita ko na rin sila. Nasa unahan na sila medyo distansya na rin ang layo namin.hindi ko pa rin mahagilap yung phone ko. San ko ba yun nalagay? Alam ko na sa bag yun kanina.

"bilisan mo naman dyan.anu ba yang hinahanap mo sa bag mo?"sigaw ni judy.mukha nang naiinis dahil ang bagal ko. Kasalanan ko bang hinahanap ko yung phone ko? Huhu. Bully talaga si judy kahit kailan.

"sandali lng naman" pasigaw ko rin na sabi baka hindi ako marinig.

Hindi ko na sila tiningnan. Hinanap ko nalang yung dapat hanapin sa bag ko.

*blaag

Ang sakiiiiiiit ng pwetan ko.huhuhu. May nabanga kasi akong pader. Wait. Pader? Sa daanan ng mga tao? Tumingala ako para Tingnan ko yung nabangga ko. O_O. whoo. Para naman tong sasali sa WWE ba yun? Yung mga malalaking tao na may malalaking katawan na naglalaban. ito kasi yung taong yun eh. Ang laki ng katawan hindi man lang marunong tumingin sa dinadaanan. Nakakainis tingnan niya lang ako tapos nagsmirk tapos lumakad na palayo. Napakaungentleman naman ng mga lalaki ngayun. Naalala ko tuloy yung kaninang umaga na nabangga ako nung napakagwapong nilalang. Kaso nakakahiya yung nangyari. Alam nyu na. hehe.

Tumayo na ako na wala man lang nahitang tulong mula sa nakabangga sa akin at sa mga kaibigan kong nandun pa rin at tinitingnan nila ako ng naka-questionmark face. Anu bang akala nila sakin nakiupo sa daan? Hmmp. Kaibigan ko ba talaga sila?

Roses and the Mafia BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon