Chapter 6: She's kidnapped!? (Part 1)

13 0 0
                                    

*Mystearica's POV

Medyo naalimpungatan ako ng maramdaman kong binubuhat ako. Sinong nang istorbo sa tulog ko? Oi, hindi ako binubuhat na parang sako lang, ang ginawa niya ay yung parang binubuhat ni groom si bride. Yun ang pagkakabuhat niya sakin hehe. Nasaan ba ako? Teka ,Bakit ako binubuhat? Pero anu nga ba nangyari kanina? Ah. Naalala ko na. Nakidnap pala ako.

*Flashback (bago ang kidnapping)

Pauwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko. Medyo nilalamig na mainit ang katawan ko. Anu ba kasi nakain ko kahapon at nagtampisaw ako sa ulan ayan tuloy medyo nilalagnat na ako. Pinauwi na ako ng teacher namin dahil walang silbi ang clinic ng school dahil walang nurse at kahit isang gamot wala rin. Gusto nga rin sumama ng tatlo kong kaibigan na ihahatid na lang nila ako sa bahay dahil baka mapanu pa raw ako, sinabi ko naman sa kanila na kaya ko pa naman hindi panaman ako bulag o lumpo para ihatid nila dahil alam ko naman kung paano uuwi.

Nagpalakadlakad lang ako dahil wala pa namang trysikel na dumadaan malay natin dahil sa palakad lakad ko nakauwi na pala ako oh diba save pa yung pamasahe ko may pambili na akong pagkain. Speaking of pagkain na gugutom na ako. Hay. Bakit wala pang dumadaan na trysikel, kung may dumaan man puno naman.

Umupo muna ako dito sa parang waiting shed dahil medyo pagod na mga paa ko dahil sa kakalakad. Medyo walang tao na angdumadaan sa parting to at medyo malayo-layo na rin ako sa school. Medyo naiinis na rin ako dahil kaninang umaga ko pa nararamdaman na may sumusunod sa akin. Kung may kailangan siya bakit hindi nalang siya lumapit agad para hindi na siya magpagod sa kasusunod sakin. "Baka nahihiya lang" sabi ng kabilang isip ko. Sabagay tama rin naman.

Ramdaman ko narin na papalapit na siya sakin. Sa wakas may lakas na rin siyang kausapin ako. Nagpagod pa siya kanina sa kakasunod sa akin. Lumingon ako kung saan nanggagaling ang presenya niya. "Sa waka-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil agad niyang tinakpan ang bibig ko na may panyo at medyo naaamoy ko ang gamot na nilagay niya sa panyo.

Alam ko kung anung klaseng paamoy yun dahil nakikita ko sa mga movie na napapanuod ko na kapag may itinakip sa iyo na panyo at nakasinghot ka nun ibig sabihin nun makakatulog ka dahil sa nilagay na gamot. Hindi ako huminga, kunwari nagpupumiglas ako sa kanya at unti-unting nawawalan ng malay. Hah! Akala niyo, best actress ata to. Binuhat na niya ako dahil akala niya nawalan na ako ng malay. Pero unti-unti na rin akong nawawalan na talaga ng malay dahil may naamoy ako ng kunti kanina sa panyo niya. At nagdilim na ang paligid ko.

*End of Flashback

So ayun nga nakidnap ako at buhat-buhat niya pa rin ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kahit gising na ako ay nagkukunwari pa rin akong walang malay.

"Open the door" Sabi nung may buhat-buhat sakin.

Nakarinig nalang ako ng langit-ngit ng bakal na parang binubuksan. So I therefore conclude na bakal ang pintoan nila, mayaman. Nagsimula na rin siyang maglakad at unti-unti niya akong binaba at nakaramdam nalang ako na parang may matigas na bagay sa pwetan ko. Nakaupo pala ako. Nakarinig nalang ako na sinasara na ang pintoang bakal. Tahimik ang paligid at ang mga galaw niya lang ang naririnig ko. Dalawa lang kami dito sa kwartong to. Hindi kaya may balak siyang hindi maganda sa katawan ko? Oh my G. wag naman. Hindi ko pa pwedeng isuko ang bandila ng pilipinas. Kinabahan naman ako sa isiping iyon. Pero hindi ako dapat kabahan sa sitwsyong ganito. Dapat relax lang relax.

Naramdaman ko na kinuha niya yung dalawang kamay ko at tinali niya sa likod ko at tumayo na siya. Bakit hindi niya isinama ang paa ko? Hay. Yaan na nga. Napagpasyahan ko na imulat na ang mata ko at tingnan ang buong paligid. Madilim ang kwartong pinagdalhan niya sa akin at ang ilaw lang nagbibigay liwanag sa paligid ko ay ang nakahanging na lightbulb. Para akong nasa interrogation area.

Roses and the Mafia BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon