Chapter 5: Someone

16 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari yung holdapan sa bus na hangang ngayun hindi ko pa rin maintindihan kung anu talaga ang nangyari. Hindi ko na rin pinaalam kina mama at ate dahil alam Kung mag aalala Lang si mama.

"Hoy! Lalim iniisip natin ah."

Napaangat ang tingin ko dun sa tumawag sakin. Si lea lang pala.

" oh? " tanong ko sa kanya.

" sabi ko anu yang iniisip mo, parang ang lalim ah."

" wala. " tugon ko.

" anung wala eh parang nasa outer space yang utak mo kanina." Umupo ito sa harap ng upoan ko. Ang kulit talaga nito.

" wala nga. Kulit mo talaga. "

" naman. Makulit talaga ako." Sasabat pa eh. Kutusan ko nalang kaya to.

Si Lea ang medyo nakakalapit lang sakin. Yung iba hindi ko hinahayaang maging kaibigan ko.

Hindi ako yung tipong gusto ng maraming kaibigan. Kung yung ate ko palakaibigan, na tatlo lang naman talaga ang kaibigan niya pwes ako, magkabaliktaran kami. Ayaw ko ng kahit isang kaibigan dahil ayaw kong may manghimasok sa buhay ko. Kapag may kaibigan ka hindi mo mapipigilan na umasa sa kanila at kapag umasa ka naman bibiguin ka lang nila.

Marami rin ang nakikipaglapit sakin pero hindi ko na sila hinahayaan pa baka umasa sila na kaibigan nila ako.

Sinabihan ko na si Lea na hindi ko kailangan ng kaibigan pero dahil sa dakilang makulit talaga siya ay wala na akong nagawa. Pero hindi ko siya tinuturing na kaibigan.

Hindi ko nalang siya pinansin ang dami niyang sinasabi. Eh hindi ko naman alam kong anu o kung sino yang pinagsasabi niya.

Napatigil nalang ako ng may dumaan sa classroom namin. Nasa may likuran kasi ako malapit sa may bintana.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko bigla dahil pamilyar yung tindig pa lang niya, hinding hindi ko yun makaka limutan.

"Lea kilala mo ba yun? " turo ko dun sa bagong daan lang.

"Hah? Saan?" Nakitingin na rin siya dun sa tinuturo ko.

"Ayun oh, yung... Ayun!... yung paliko na papunta sa principal office. "Hindi magkandaugaga kong turo sa kanya.

Tiningnan ko siya dahil naghihintay ako sa sagot niya. Tumingin rin siya sakin na may pagtataka. " ahh. Si Clark? "

"Clark? " balik kong tanong sa kanya.

"Oo, yung may hawak hawak na phone yung tinuturo mo diba? " nakakunot niyang tanong sakin.

Hindi ko na siya sinagot at dali-dali na akong tumayo, hinablot ko na yung bag ko na nakasabit dun sa likod ng upoan ko at sinukbit sa balikat ko at nagmamadali ng lumabas para sundan yung pamilyar na taong yun.

" Saan ka pupunta!?" rinig ko pang tanong ni lea habang tumatakbo na ako sa pasilyo ng school namin.

Kahit labag sa rules ang pagtatatakbo sa hallway ay wala na akong pakialam basta maabutan ko lang yung lalaking yun. Ang laki naman kasi ng mga hakbang nito.

Lumiko siya sa may dulo ng pasilyo at hindi ko na siya Makita kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hindi ko na alintana na nasa school pa rin pala ako. Mabuti nalang at pasimula na ang klase at wala na masyadong mga estudyante na pagala-gala.

Yung nilikuan niya ay bawal puntahan ng mga estudyante kahit mga guro namin ay hindi pa nakikita kung anu ang nasa likod ng pasilyo iyun. Dahil yun ang binigay na kautusan mula sa principal namin. Kung sino man raw ang lalabag ay pwedeng ma expelled. Pero bakit siya hindi man lang nagdalawang isip na pumunta sa pinagbabawal na daan. Eh kung hindi nga siya natakot ako pa kaya. Tss. Sisiw.

Roses and the Mafia BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon