Chapter 7: She's kidnapped!?(Part 2)

7 0 0
                                    


Mystearica's POV

Nagising ako sa isang malambot na higaan. Minulat ko ang mga mata ko at – teka kailan pa kami nagkaroon ng kisame sa kwarto namin ng kapatid ko? Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ko ang paningin ko sa kung nasaan man ako ngayon dahil hindi ito ang bahay namin. Wala pala ako sa kama nasa isang couch pala ako nakatulog at may isang center table na gawa sa babasagin at sa kabila naman ay isa ring parang semi-circle na couch at nakita ko dun ang isang lalaki na natutulog.

Tumayo ako at kinuha yung kumot na kinumot sakin at inilagay ito sa natutulog na lalaki, bumalik na rin ako kung saan ako nahiga kanina at umupo. Iniisip ko kung paano ako napunta rito. Napatigil ako sa pag-iisip ko ng bumukas ang pintoan.

"Oh buti gising kana. Ayos na ba pakiramdam mo? Ito inumin mo para mawala na ng tuloyan yang lagnat mo." Sunod-sunod na sabi niya ng makita ako. Lumapit siya sakin at ibinigay niya ang isang tablet na gamot raw sa lagnat.

Kahit naguguluhan man ay inabot ko yung gamot at baso ng tubig na ibinigay niya sakin.

"Salamat" sabi ko ng matapos kong inumin yung gamot na ibinigay niya at inilapag ko sa center table yung baso ng tubig.

"Pwede magta-/naniwala ka ba-" biglang sabay-sabay namin na salita kaya napatawa na lang kami.

"Sige ikaw na mauna" natatawang sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ikaw na"natatawang sabi ko rin.

"anung kasiyahan yan? *yawn" papungaspungas na sabi nung bagong gising habang kinukusot yung mata niya.

"Ah gising kana pala. Pasensya na kung nagising ka namin. Maganda ba panaginip mo? hehe"natatawang tanong ko sa kanya.

Biglang naman nanlaki ang mata niya at sinabing "Panu mo nalaman?"

"Nakita kasi kitang nakanganga habang tumutulo yung laway mo."sagot ko.

Dali-dali niyang pinunasan yung bibig niya kaya napatawa kami nitong katabi ko.

"nakakadiri ka tol. Ewww.." sabi nung katabi ko at tumawa ito na parang wala ng bukas.

Wait. Renz diba pangalan nito. Tama Renz nga, naalala ko na.

"Shut up dude!" sabi ni bagong gising kaya natahimik kami mukhang napipikon na ata.

"Ehem. So ako muna ang una magtatanong?" tanong ni renz sakin at tumango lang ako.

"Naniniwala ka ba talaga na multo yung tinuturo ni luhan kanina?" medyo natatawang tanong niya sakin.

Kunot noo ko siyang tiningnan. Iniisip ko kung anu ba ang nangyari kanina at dahan dahan naman itong nagdadownload sa utak ko. Napaatras ako ng maalala ko na yung part na natatakot na ako dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Hey hey. Wag kang matakot oky?" pang-aalo niya sakin ng makita niya akong nagsimula ng mahulog ang mga kuha ko.

Tiningnan niya yung bagong gising na luhan ang pangalan ng masama at bumalik siya ng tingin sakin. "Nagsisinungaling lang siya sayo. Walang multo o kung anu pa man. Hindi rin multo yung tinuturo ng g*gong yan." Turo niya kay luhan.

"T-talaga?" paniniguro ko. Baka nagsisinungaling din siya.

Napalingon kami nung biglang bumukas yung pintoan at nakita ko kung sino ang pumasok. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob ko.

Roses and the Mafia BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon