Chapter 4: The Gun

24 2 0
                                    

Flawry Mae POV (continuation)

May nabuo na akong plano pero hindi parin ako sigurado dahil nagdadalawang isip pa ako kung gagana ba ito.

May dalawa lang naman ang patutunguhan ko nito una kung hindi ko gagawin ang naiisip ko makukuha nila ang laptop ko at hindi ko na mapapanuod ang mga movie at anime na kapapasa pa lang ng mga kaklase ko, bunos pa yung pagagalitan pa ako ni mommy at na kakamatay na tingin ng kapatid ko, at panangalawa, kung gagawin ko naman sigurado nasa pahamak ang buhay ko or worst baka mapatay nila ako. Wag naman sana. pero may chance na hindi nila makuha ang laptop. Hayyyyyy. Bahala na nga. Kunin na nila lahat wag lang talaga ang laptop ko!

Medyu inangat ko ang pagkakaupo ko at pinahaba yung leeg ko para Makita yung dalawang holdaper kung saan na sila banda nanglilimas ng mga gamit at pera sa mga pasahero. Si mamang holdaper1 ay medyo malapit na sa banda namin mga tatlong upuan nalang para sa amin na siya manglilimas at si mamang holdaper2 naman ay nasa bandang unahan lang, habang nakatutok ang baril sa driver.

"AKIN NA YANG KWENTAS MO, DALIAN NIYO... ANG BAGAL!"napasinghap ako ng hinablot ni mamang holdaper1 yung kwentas ibinigay nung babae habang nanginginig yung kamay niya.

Niyakap ko ng mahigpit yung laptop na parang kahit anung oras makukuha na niya ito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na alam kung anu ang nararamdaman ko. Para akong naiihi na matatae. Hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. " hooh!" bahala na.

Tiningnan ko yung katabi ko. Aba't - wala talagang pakialam sa mundo. Natulog lang ulit.

Medyo nabuhayan ako ng loob ng may naisip ako. Walang babala kung inilagay ko sa kanyang lap ang laptop at kinuha ko yung mga kamay niya at pinahawak ito sa laptop ko baka mahulog at masira. Hindi nga nakuha nasira naman.

"Mr. kuya, pakiusap pakihawak naman ng laptop ko, pakiingatan na rin dahil buhay ko yan." Nagulat siya sa ginawa ko at magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya at tumayo na ako para masimulan na. " Bahala na si Batman!" sambit ko para pampapatibay ng loob.

"Mama!" tawag ko dun sa kay mamang holdaper1 na nakatalikod sa akin dahil busy sa pangungulekta.

Saktong pagharap niya sakin ay nakita ko na nakatutok yung baril niya sa mukha ko. Napalunok ako ng di oras.

Narinig kong nagmura yung katabi ko at may kung anung sinabi siya pero hindi ko na masyadong narinig dahil sa lakas na rin ng pintig ng puso ko na halos gusto ng lumabas at pinagpapawisan na rin yung mga kamay ko.

Dahil alam kong ito talaga ang mangyayri ay agad kong sinipa pataas yung kamay niya na may hawak ng baril at agad niya itong nabitawan kaya napatilapon yung baril sa ere, bumanda ito sa bobong ng bus at nahulog ito sa likod niya.

Nanlaki ang kanyang mata at hindi pa siya nakakabawi ay agad ko siyang binigayan ng isa pang sipa sa may panga niya kaya sapul. Napaatras siya at nabigla ako ng bumulagta siya sahig.

Mukhang nasubrahan ata yung pagsipa ko sa panga niya. Hindi na ako nagdalawang isip na kuhanin yung baril na nasahig rin at agad itong itinutok dun kay mamang holdaper2 na mukhang nagulat rin sa pangyayari.

"TANG*NA! ANUNG GINAWA MO SA KANYA!?" he shouted while pointing his gun to me. Now, we are pointing our gun to each other.

Roses and the Mafia BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon