family

80 3 4
                                    

mula nung lumipat kami dito sa manila. hindi na kami ganun kasaya. sa cagayan nun, tuwing uuwi ako, madadatnan ko si sean. nagiisa kong kapatid na mas bata sakin ng tatlong taon. madadatnan ko siya sa sala. hinihintay ako para sa assignment niya. tapos si mommy nasa kusina nagluluto ng dinner habang si daddy naman nagbabasa ng books sa mini library namin. walang pinagkaiba yung bahay namin sa cagayan sa bahay namin dito sa manila. engineer si daddy. chef naman si mommy. tapos si ading sean, future pilot. o dibaaaa. ako, gusto kong maging chef gaya ni mommy. hilig ko kasi ang pagluluto.


"ma'am stacy kain na po"

"sige yaya saglit lang"


ayun. may yaya na kami ngayon. kung dati si mommy yung mangungulit sakin para kumain ngayon iba na.


"ya, nasan po si mommy?"

"ang mommy mo nasa restaurant niyo pa. ang ading sean mo, asa skate park, at ang daddy mo naman nasa taas nagpreprepare para sa out of town work niya"


nakakapanghina. dati sabay sabay kaming kakain at magkwekwentuhan. at pagkatapos kumain, maglalaro kami ni sean ng tetris sa sala habang nanonood si mommy at daddy ng movies. nakakainis yung mga pagbabago ang hirap magadjust. yung tipong dati masaya. ngayon hindi na. ineexpect kong magiging maganda mga pagbabagong mangyayari. pero ang sakit pala magexpect kasi madidisappoint ka lang.


"oh anak. andiyan ka na pala. aalis na ang daddy ha. magiingat ka. oops. walang boyfriend boyfriend okay? magaaral kang mabuti. ipapadala ko nalang sayo ang allowance mo next week. 2 months akong mawawala. ingatan mo si sean"


see?! dati hindi niya kami maiwan iwan. napromote kasi si daddy kaya napakabusy na niya. nakakaiyak.


umakyat na ko sa kwarto ko. di ko tinapos yung pagkain ko. nakakawalang gana. walang kasabay. walang kausap. at hindi luto ni mommy yung nakahanda.


habang nakahiga ako, bumabalik sa isipan ko yung mga nangyari nung asa cagayan pa ako. madami akong kaibigan noon. at si jade yung bestfriend ko. araw araw, siya yung kasama ko. kasi childhood friend ko siya at magkapitbahay lang kami. pagdating naman sa pagaaral ko, napakatino ko. lahat ng grado ko line of 9. kaya lagi akong nagfifirst. never pumasok sa isip ko ang pagboboyfriend. una dahil ayaw ni daddy. pangalawa, gusto kong magaral muna at imaintain ang grades ko. pangatlo, nakikita ko sa mga kaibigan kong taken na napakahirap magmahal lalo na't bata pa kami. family, friends, studies, lovelife. kung test lang mga yan, pasado ako. walang bagsak. dahil napakatino kong tao.


11:11 - "sana bumalik na ang lahat sa dati"


gabi na. dati halos madaling araw na ko natutulog dahil marami akong kachat katweet at katext na mga kaibigan ko. pero ngayon, 11pm na at ni isang message mula sakanila, WALA. miss na miss ko na si jade! sana di nalang nangyari ang lahat ng ito! <//3 hindi ko na kinakaya.



(vote vote vote)


can't move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon