end

39 1 0
                                    

days. weeks. months. years. matagal tagal na din mula nung nawala si garry. pero sa totoo lang, hindi pa ko nakakamove on. ang sakit parin. pero wala ee, hindi na natin maibabalik yung nakaraan.

24 years old na ako ngayon. work? isa na kong chef. may sarili na kong restaurant. at maayos na ang pamumuhay ko. friends? marami na din. sakanila ako nagfocus mula nung nawala si garry ee. family? ayun nagaaral pa si sean. future pilot siya. si mommy naman, chill chill nalang sa bahay. ayoko ng magtrabaho siya. gusto ko namang suklian yung mga paghihirap niya. lovelife? never mind.



pilipinas. nasa pilipinas ako ngayon. ito na yung huling beses na bibisita ako dito. dahil balak ko na ring tumira sa states. alagaan si mommy at pagaralin si sean.


nabalitaan kong successful na si jade ngayon. ikakasal na siya next month. si shelly naman, nasa malaysia kasama yung boyfriend niya. si jaypee at cathy, nasa states parin. haaaay buti pa sila may forever. si margo? wala. di ko alam. wala akong nababalitaan tungkol sakanya. si angelo, seaman na. pinush niya pala yun. tapos si joshua naman, nasa cagayan. may girlfriend na DAW siya ee. masaya ako dahil masaya na silang lahat ngayon.


masaya din ako para sa sarili ko. pero umiiyak parin ako pag naaalala ko si garry. syempre minahal ko siya ng sobra ee. minsan iniisip ko nalang na nasa tabi ko siya, minamasdan ako. niyayakap. binabantayan. </3 minsan kinakausap ko yung litrato niya. hinding hindi siya mawawala sa puso't isipan ko at alam kong sobra niya akong mahal. sana kung gaano tayo kadaling mafall ganun din tayo kadaling magmove on no? pero hindi ee. mahirap. mahirap magmove on kapag binigay mo lahat. mahirap magmove on kapag nagmahal ka ng sobra.


pumunta ako sa DCU. Dela Cruz University. andami na din palang nagbago. parang sa buhay ko lang. diba? so ayun. pinuntahan ko lahat ng lugar sa DCU kung saan nakasama ko si garry. umiiyak ako habang naglalakad. ang sakit na ng mata ko. ang labo na ng paningin ko. haaaaaay. ganto pala talaga ang buhay no. maraming pagbabagong magaganap kaya kailangan lagi kang handa.





bumalik na ko ng states. bawat araw na gumigising ako, si garry yung unang pumapasok sa isipan ko. maging sa gabi bago ako matulog, siya yung huling taong iniisip ko. ang sakit kasi dati everyday akong excited dahil makikita ko siya. pero ngayon, paggising palang nakasimangot na.

pumunta ako sa libingan ni garry.

nakaupo ako sa grass malapit sakanya. kinakausap ko siya. mukha akong tanga kasi salita ako ng salita kahit na wala namang sasagot saakin.


"babe alam mo mahal parin kita. lagi kitang iniisip. kumusta ka na kaya. siguro kung buhay ka pa ngayon, ang saya natin. andami na nating napuntahan. andami na nating nagawa. ang hirap pala. magisa nalang akong tumutupad ng mga bagay na sabay nating pinangarap noon. diba sabi mo saka ko lang tatanggalin tong singsing na binigay mo kapag nakahanap na ko ng iba o nakamove on na ako? GARRY HINDING HINDI KO TO TATANGGALIN. HINTAYIN MO KO SA LANGIT."


handa akong tumandang magisa. si garry yung forever ko. wala ng makapagpapabago pa diyan. at kahit wala na siya, hinding hindi ko parin magagawang magmahal ng iba.


wait. naiihi ako. naglalakad ako. sobrang nagmamadali na ako kasi naiihi na talaga ako. uuuugh!





"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" "WHO ARE YOU?!"



whaaaaaat! nakapasok ako sa cr ng boys! -_____- jusko nakakahiya ka stacy! tumakbo ako. hinihingal na ako. napatigil ako. hooooo. naiiyak nanaman ako. bigla akong nalungkot. naalala ko yung scene sa DCU nun. yun yung unang beses na nakita ko si garry. remember? sa cr nun. nakapasok ako sa cr ng boys. andun si jaypee at garry. dun nagsimula ang lahat. nakakamiss. sobra. ang sakit parin talaga kapag naaalala ko yung mga bagay na nangyari noon na hindi na mangyayari pang muli sa kasalukuyan.


nakarating ako sa vandal way. way sa states kung saan may mahaaaaabang wall. malaya kang isulat kung anong gusto mong isulat. nagsulat ako. konektado sa nararamdaman ko ngayon. hindi lang ngayon kundi ilang taon na. ilang taon ko ng sinasabi to sa sarili ko at sa mga taong nagsasabing kalimutan ko na si garry at maghanap na ako ng iba.






"I CAN'T MOVE ON </3"





the end.




OMG. congraaaats. natapos mo yung story :) thank you ha. sobrang thank you. nagustuhan mo ba? sorry kung hindi ito yung ineexpect mong endin ha? mahilig kasi ako sa gantong story ee. ayoko sa happy ending. hahahaha. share mo sa friends mo kung nagustuhan mo :) 

THANK YOU, THANK YOU :)

GOD BLESS :) 


(vote vote vote)


can't move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon