efforts

23 2 0
                                    

haaaay bigat parin ng pakiramdam ko. wednesday palang ngayon at hanggang sabado pa klase ko. nakakatamad tuloy mag-aral lalo na't ganto yung mga nangyayari. gusto ko ng magrest masyado na kong depressed. nakakainis kasi ee. oo umaasa ako nun. umaasa akong sana magbalikan pa kami pag nagkita ulit kami o nagsama. pero bat parang ayaw ko na ngayon? dahil ba kay josh? o baka dahil will na rin ni God na wag nalang talaga? haynako.

papasok na ako. pero ugh bat ba paulit ulit parin sa isipan ko yung mga nangyari.

"stacy"

garry. oo si garry yung tumawag sakin. tumatakbo siyang lumapit sakin. hinihingal siya nung kaharap ko na.

"stacy akin yung kamay mo"

sabi niya habang hinihiningal. inabot ko naman yung kamay ko.

"eto bracelet. alagaan mo to ha? sana mahalin mo tong bagay na to.  gusto ko pag wala na ako suot mo parin yan. gusto ko kasi araw araw mo kong maiisip. stacy mahal na mahal kita at hindi na yun magbabago"

naiiyak siya habang nagsasalita. niyakap niya ko. sobrang higpit. sabay halik sa noo ko.

"mauna na ko stacy ha? may klase pa ako ee. naalala mo pa yung sinabi mo nun? na mag-aral tayong mabuti para sa future natin? yun yung inspirasyon ko kaya sinisipag akong mag-aral araw araw. tapos diba sabi mo, masasaktan ka kapag tinupad ko yung mga pangarap natin na hindi ikaw yung kasama ko? sana sa huli, tayong dalawa ang sabay na tutupad sa mga pangarap na nabuo natin. sige mauna na ako. ingat ka ha."

di ako nakapagsalita. naguguilty ako. anobayan. bat kasi ganun. uuugh garry sana kasi hindi mo nalang ako iniwan ee </3 edi sana masaya tayo ngayon diba?


nagiisip isip ako nang biglang dumaan si joshua. hindi niya ako pinapansin. wala lang. deadma lang. parang walang nakita.

"joshua!" "uy!" "uy anong problema mo? jossssh"


nagpatuloy lang siya sa paglalakad. di niya ako pinapansin.

"joshua anoba. pansinin mo ko pwede? anong problema mo?"

nakatalikod siya at hinila ko yung bag niya. napaharap siya sakin. patulo na yung luha niya...

"stacy ako pa ngayon tong may problema? stacy... hindi kasi kita maintindihan ee. araw araw mong sinasabi saking mahal mo ako. pwede ba magpakatotoo ka nalang? stacy kung di mo ko mahal layuan mo ko. tao lang din ako ee. nasasaktan! lalo na't alam mong loyal ako sayo. yun. yun yung masakit. loyal ako sayo habang ikaw loyal sa iba."

"ha? josh anong pinagsasabi mo?"

"kahapon. magkasama kayo diba? nagusap kayo. nakita kong nagaaway na kayo. nagsasabatan. lalapit na sana ako para ipagtanggol ka pero bigla kang sumigaw. sinigaw mo sa harap ni garry na mahal mo pa siya. STACY ALAM MO BA KUNG GANO YUN KASAKIT? ngayon mamili ka! ako o si garry? mamili ka stacy!"

hindi ako nakapagsalita. ayokong mamili dahil baka magkamali ako sa sasabihin ko. ilang segundo din kaming nanahimik.

"kita mo na? hindi mo masagot diba? hindi ka makapili. alam ko naman ee. alam ko namang mas pipiliin mo siya. rebound lang naman ako diba? ginamit mo lang ako. panakip butas mo lang ako. manggagamit ka stacy. manggagamit!"

*sampal*

nasampal ko si joshua. ang sakit ee. di ko malunok yung mga sinasabi niya.

"sige stacy. sampalin mo ako! sipain mo ako! sige na. stacy kung ang pakay mo lang naman ay ang saktan ako, sana di mo nalang ako minahal. oo nga pala, hindi mo ako minahal. pinaglaruan mo ako!"

can't move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon