realization

42 2 0
                                    

july 8. july 8 naging kami ni garry. and december na ngayon. 5months na kami bukas. napakabilis. andami na din pala naming memories na nabuo. napakasaya pala talagang mainlove. yung tipong bago ka matulog sa gabi maglalaan ka pa ng oras para isipin siya at yung mga nangyari sainyo tapos paggising mo siya yung unang papasok sa isip mo. yun bang good morning, good night, at 11:11 message niya sayo yung palagi at paulit ulit mong binabasa kapag wala kang magawa. yung tipong magisa ka tapos ngingiti ka na para bang ewan. tapos may maririnig kang kanta at siya yung maaalala mo. haaaaay. narealized kong wala pala talagang mali sa pagmamahal. na hindi pala ipagkakait ng mundo sayo yung taong gusto mong mahalin ka kung marunong kang maghintay. ang saya lang isipin na may taong pinahahalagahan ka at ipinaprioritize. mula nung naging kami ni garry, mas naging matataas pa yung grades ko. inspirasyon ko siya ee. at sa 5months na yun, yung sakit na naidulot ng pagkawala ni daddy ay nawala hindi man permanente yung pagkawala nung sakit at least nabawasan diba? tsaka mula nung naging kami ni garry, mas naging makabuluhan yung buhay ko dito sa manila. nawala sa isip ko yung sakit na ipinadama ni jade saakin mula nung itinakwil niya ko at kinalimutan bilang kaibigan niya. masaya na rin ako para kay cathy. dahil sila na ni jaypee kahapon. december 6. si margo naman, may boyfriend na. kaya di na niya kami ginigulo ni garry. si angelo... wait si angelo. may ikekwento siya sakin ee. alla


ANGELO'S

5months na bukas sila garry at stacy. ang sakit. 5 months na din akong umaasa na mahalin din ako ni stacy. pero malabo ata ee. sobrang labo. kailangan ko na atang sabihin kay stacy tong nararamdaman ko.


"stacy?"

"bakit angelo?

"guto ko ng umamin. crush kita. matagal na. alam mo antagal ko ng umaasa na mahalin mo ko kahit bilang kaibigan lang. pero wala ee andaming hadlang. nakakainis. ang unfair ng mundo. yun bang kung sino pa yung mahal mo siya pa yung ipagkakait ng tadhana sayo. tapos kung sino naman yung di mo mahal siya yung magkakagusto sayo. bakit ganun. haaaaay. alam mo ngayon lang naging seryoso si garry sa babae. mostly mga nagiging gf niya, 4days lang 2weeks. 1 month na ata ang pinakamatagal. pero bilib ako sayo. napabago mo siya. ngayong naamin ko na yung nararamdaman ko sayo, sana friends parin tayo. stacy, andito lang ako. tanggap ko namang hindi mo ako kailanman kayang mahalin"

"angelo salamat. ganun talaga. hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. right time. may tamang oras para sa lahat ng bagay. kailangan mo lang maghintay. at dapat habang naghihintay ka, naipapakita mo na na willing kang tanggapin kung ano mang mangyayari. atsaka marami pa namang iba diyan angelo. hindi lang naman sa iisang tao o bagay umiikot ang mundo mo. :)"


STACY'S

bat kaya ganto no? maraming aamin sayong mahal ka nila o gusto ka nila pero iisang tao parin talaga yung mamahalin mo at wala ng iba. "loyalty" kumbaga. ansarap magmahal ng taong mas mahal ka. yung taong alam mong di ka iiwan. sa 5months namin ni garry, nagkakaproblema kami pero hindi ganun kalala. yung tipong late reply. pangdedeadma sa personal. selos lang yung nagiging issue. ang liit nga na bagay mga yan ee. pero sana talaga siya na. siya na yung pakakasalanan ko someday.



GARRY'S

5months na kami ng mahal ko bukas. napakabilis ng araw. at sa wakas, nagseryoso rin ako. mula nung pumasok si stacy sa buhay ko, seryoso na ko sa lahat ng bagay. sa studies ko, lagi na kong nagrereview. laging nagrerecite. inspiration ko kasi siya ee. sa family naman, lagi na kong tumatawag kay mommy at nagkwekwento ng tungkol samin ni stacy. uuwi sila next week ni daddy para sa christmas. at hindi ako makapaghintay na maipakilala siya bilang unang babaeng sineryoso ko sa buong buhay ko. sana pala di nalang ako nanloko noon at nanakit ng pagkarami raming babae. sana hinintay ko nalang yung pagkakataong to. yun bang sana si stacy nalang yung una kong kinilalang babae. maling mali talaga ako. per buti nalang talaga naging successful yung surprise ko kay stacy nung isang araw. nung birthday niya. ang saya. as a boyfriend, maganda sa feeling na napapangiti mo ang isang babae. yung mundo mo siya at ikaw ang mundo niya.




*flashback*

eto na yung pinakahihintay kong araw. ang birthday ni stacy. lagi ko siyang sinusurprise pero gusto ko ito yung pinakabongga sa lahat. binilhan ko siya ng mga paborito niyang pagkain at tatlong human size blue na teddy. para lagi niya kong maalala paggising niya palang. gumawa ako ng looooooong message ko sakanya. at tutuparin ko yung bawat salitang nilalaman ng letter na yun.

6am nasa bahay na ako nila stacy nung araw na yun. linggo nun kaya walang pasok. nadatnan ko yung mommy at kapatid niyang nagdedecorate. tapos pinagluto ko si stacy ng favorite niya. caldereta. isang linggong puru caldereta yung ulam ko hahahaha niluluto ko yun para sa sarili ko nang maperfect ko naman pag lulutuin ko na para sakanya. tulog pa si stacy that time. maaga pa kasi nun ee. tapos nung 8am na. naririnig ko na yung tugtog sa kwarto niya. music lover siya ee. alam kong nagreready na siya. antagal ko ng nakatambay sa pinto ng kwarto niya di niya alam na andun ako hinihintay lumabas yung inspirasyon. pagkalabas niya, nahulog ko yung shanghai na hawak ko.






UUUH! ANG GANDA NIYA! NAKALIMUTAN KO PA YUNG SASABIHIN KO! JUSKO! STACY!


"oh garry andito ka pala"

hinug niya ko at kiniss sa cheeks.

"good morning stacy of my life. i love you! happy birthday :)" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya at hinalikan ko siya sa noo. pagpapakita ng respeto. sa ilong, pagpapakitang hindi niya lang ako boyfriend, kaibigan niya din ako na laging andyan para sakanya. sa pisngi, nagpapakitang di ako magsasawang mahalin siya. at...



hinalikan ko siya sa labi. that is our first kiss. first kiss niya ako at first kiss ko siya. oo tama. madami na kong niloko at sinaktang babae. pero hindi parte dun ang paghalik sakanila. dahil hindi ko naman sila mahal. so bat ko sila hahalikan diba?

yun na ata yung pinakamasayang araw ko na kasama siya <3 iba talaga yung feeling pag in love ka. at bilang lalaki, dapat pala talagang sineseryoso ang babae. at dapat iniintindi sila na kahit sa maliliit lang na bagay nasasaktan sila. dapat nagiingat tayong mga lalaki. kasi minsan lang tayo mamahalin ng sobra ng isang babae. dapat hindi sila iniiwan. kasi hindi lahat ng iniiwan, nababalikan. at hindi lahat ng umaalis, hinahabol.


okay.


tama na muna to. magreready pa ko para sa monthsary namin bukas. ang bilis. 5 months na kami. ang saya ko ngayon lang ako nagseryoso at tumagal sa isang babae. :)



(vote vote vote)


can't move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon