truth

37 3 0
                                    

good morning. new day. para magsaya. haaaay sana wala na si daddy.


bumaba ako. nasa table na sila mommy at sean.

wala akong nareceive na good morning mula sa kahit na sino sa bahay nun. unlike before.

"anak ano bang problema mo?"

"mommy ako ba talaga yung may problema? o baka naman ikaw? mommy alam mo hindi kita maintindihan ee. niloko ka na nga nagawa mo pang pagbigyan yung tao na balikan ka. jusko naman mommy! yan na ba yun? ha? yan na ba yung sinasabi mong "wala na siyang babalikan"? mommy sabihin mo nga sakin, bakit? bat mo siya tinanggap ulit? para saktan ka ulit?"


tumayo ako at nagpatuloy... "mommy nagisip ka naman sana. nagawa mong tumanggap ng gago?!"

*sinampal ako ni mommy*

"anak tatay mo parin siya! kung wala siya wala ka dito sa mundo! hindi ko siya tinanggap ulit. dahil hindi naman siya bumalik saakin! nagpunta siya dito para makasama si sean at makasama ka. pero anong ginawa mo pinagtabuyan mo siya! pauwi na ang daddy mo. icoconfine siya sa malaysia. may cancer siya. at wala ng lunas yung sakit niya. MASAYA KA NA BA STACY? sinabi mo noon sakanya na patayin niya na yung sarili niya kasi wala siyang kwenta diba? oh ngayon nangyayari na. magdiwang ka na stacy. yan yung gusto mo ee. ang bait mong bata. sobra"


pinipigilan ko yung luha ko ng mga oras na yan. hindi ko alam kung anong sasabihin ko. pumunta ako kila garry. kinausap ko siya. nadatnan kami ng parents niyang nagiiyakan sa sala.


"anong nangyayari?" (tito edgar)

"bakit ka umiiyak?" (tita merry)

"tita. si daddy po, may cancer at hindi na magagam..."


habang nageexplain ako nakaon yung tv at may breaking news. sumabog yung eroplanong sinakyan ni daddy. and nanikip yung dibdib ko. kakaiba yung nafeel ko. pinagsisihan ko lahat ng nasabi ko noon. sana pala hindi nalang ako nagpadala sa galit ko. masyadong sarado yung puso ko pagdating kay daddy. ang sama sama ko!


hinatid na ako ni garry pauwi. nasa kwarto lang ako at nakatingin sa moon. habang si sean at mommy ay nagaayos ng bahay dahil dito ibuburol si daddy. hindi kami naguusap ni mommy. di ako pinapansin ni sean. lahat sila may galit saakin.


nakaburol na si daddy. hindi ko siya kayang lapitan. ni picture niya hindi ko matignan. napakatanga ko. naiinis ako sa sarili ko. sana pinatawad ko nalang siya noon kahit sobrang sakit. nakakapanghina!


"yan ba yung anak niya?" "yan ata yung dahilan ng pagkamatay ni sir sed ee" "oo nga yan yun"


parang wala na kong mukhang maihaharap. lumabas ako nagpahangin. at andun si tita rebecca. ang second wife ni daddy. kasama si ton ton. anak nila.

"stacy, alam mo iha. sa 5months naming pagsasama ng daddy mo sa malaysia. halos everyday ka niyang nababanggit sakin. araw araw niyang sinasabing babalikan ka niya. dahil miss na miss ka na niya. minsan umiiyak pa siya tuwing hatinggabi dahil naaalala ka niya. nung araw na sinabi mong wala siyang kwentang ama hindi siya pumasok sa trabaho. yun yung araw na pinaghandaan niya yung presentation niya pero binalewala niya yun dahil sobrang bigat at sakit ng nararamdaman niya. isang linggo siyang di kumain ng maayos. at isang buwang hindi nagtake ng gamot. kaya ayun lumala yung sakit niya. anak. alam kong nagsisisi ka ngayon. patawarin mo ako at ang daddy mo sa mga nagawa namin sayo."

"ma'am becca ready na po ang sasakyan"

"iha. aalis na kami. babalik na kami ng malaysia. napakalungkot bumalik dun na hindi kasama ang daddy mo. sana mapatawad mo kami. paalam nak. eto number ko. pag may kailangan ka andito lang ako at bago ko nga pala makalimutan, ito yung papers. dahil sayo ipinamana ng daddy mo LAHAT ng ari-arian niya dito sa pilipinas. bye stacy. ton ton, you say bye na to ate stacy. let's go"

"byeeeee ate stacy"


hindi ako makatulog. daming gumugulo sa isipan ko. punong puno ng pagsisisi puso ko ngayon. ang sakit! hays. magnewnew year na. pero hindi na ako excited kumpara noon.


si garry nalang nagpapatatag sakin ngayon. siya nalang yung nagpapasaya saakin. isang taong mawawala si mommy at sean. sa cagayan muna sila. dahil may bubuksang restaurant si mommy dun at maghihigh school na si sean. maiiwan ako dito sa manila kasama yung yaya namin. okay. di ko kailangang magreklamo kaya ko naman ee. *kakayanin </3



(vote vote vote)


can't move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon