1

46 2 0
                                    

Chapter 1: Initials

"What the hell Kelly? What happened to your face?"

Maingat na nilagyan ng cold compress ni ate ang namamagang pisngi ko. Ngumiwi naman ako sa sakit.

"Don't curse ate. Well, I got hit by an unidentified flying object."

Hindi mapakali si ate sa paglalakad. Pupunta ng kwarto, babalik sa kusina, maglalakad pa salas.

"Ate, calm down," I chuckled. "Wag ka masyadong stressed out. Hindi na kami baby ni Kuya para maging ganyan ka kaaligaga."

"Should I get you a medicine for your cheek? And hey, paano ako kakalma kung biglaang nagbibilin si daddy na aalis sila ni mommy. This is ridiculous!"

Naglalagay na ng sandwich si ate sa baunan ni Kuya Darren. Working na rin kasi si kuya at sa pagka-workaholic nya nakakalimutan ng bumili ng pagkain. Ate Bea is a sweet and thoughtful sister but she is also fierce.

Umiling ako. "It will heal soon ate."

Lumabas na si kuya sa banyo na halos katabi lang ng kusina. Napakunot ang noo nang tinignan ako.

"What happened to your face?" Tanong nya habang nagpupunas ng buhok.

"Nothing. Just got hit by something. Kuya, anong oras uwi mo mamaya?"

"I don't know. Maybe a little early, baby. Why? May pupuntahan ka?"

"Wala naman. I'll just text you kung meron."

"Okay, para alam ko kung saan ka susunduin. Bihis lang ako. Maligo ka na rin "

"Aye captain!"

Hinatid na kami ni kuya. Nauna na si ateng inihatid dahil mas maaga dapat sya pumasok.

Pagbaba ko sa SUV ni kuya ay nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Nakangiti akong naglakad papunta sa kanila. It's a beautiful day afterall!

"You look happy Kell!" bati sakin Miel.

Napatawa naman si Cara. "She's always happy Miel. That's not new."

Ngumiti na lang ako lalo pero tila sumakit lalo ang kaliwang pisngi ko na natamaan ng bola ng tennis.

"Hala! Ang pula ng pisngi mo, Kell."

Inuusisa nila ang pisngi ko habang papunta kami sa first class namin.

"May UFO na tumama. I mean 'di pala unidentified. Actually, natamaan ako ng bola."

"Masakit ba?"

"Not really. It just stings a little." I smiled again.

"Oo nga pala, Kell. Birthday ko na sa susunod na linggo and I'm having a party sa Club Zero. Sama ka ha?"

Yeah, right. It's Cara's 19th birthday next week.

"Club?" I asked.

"Yep," si Miel na ang sumagot. "Kell, hindi na tayo minor so it's okay. It's gonna be fun, yay! Ipaalam kita kay kuya mo! Yiee" kinikilig na naglakad si Miel. Well, Darren's good looking so I really can't blame her.

"So, Kell? You'll come right?"kumpirma ni Cara.

Tumango ako. "How can I miss it?"

Celebrating in a bar does not sound bad at all. I smiled at that thought.

"Kyaaaah!" Miel's jumping wildly. Tinuro nya ang mga nakapila sa open field. Tingin ko ay mga varsity iyon ng university. Nakita ko ang nakalagay sa harapan at mukang mga tennis players ito.

"Cara, Kell! Look. Si Kervin 'yun o. Ace player 'yan. Ang cool cool nya no."

I looked at the man she was talking about. Matangkad. Maganda ang tindig. Tamang tama lang ang pagiging kayumanggi nito. Matangos ilong. Messy hair. Overall, gwapo.

I've never been to any relationships but that didn't hinder me from appreciating beauty of men and women alike. Nagkakacrush din ako katulad ni Alonzo Zamora at Kit Tan. They are hearthrobs in and out of school. Pero hindi naman ako 'ying tipong pag nagka crush ay gusto ko na silang boyfriendin. I just admire because I never fell in love. I never felt it...yet.

"Maghunos dili ka nga Miel. Malelate na tayo," hinila ni Cara si Miel papunta sa building namin. Umiling na lang ako.

Miel likes almost everyone na gwapo o makarisma. That's why we never understand why he hates Carl, the basketball hunk of the school. I also find Carl attractive but yes, he has quite the angst. So, he didn't fall in my list of crushes, which is by the way consist of only two people, Alonzo and Kit.

Natapos na ang first two subjects namin at tumambay kami sa bleachers ng gym. May program mamaya kaya minabuti na lang naming mauna na dun dahil mamaya ay siksikan na.

"So, Cara... Kamusta 'yung sino na nga ba 'yun... Yung nanliligaw sayo from other school."

"Ha? Ahh... Wala na. Binasted ko na."

"Woah." Namilog ang bibig at mga mata ni Miel. "Sa pogi at hot nyang 'yun, you dumped him?! Why did you waste such an opportunity?"

Umiling na lamang si Cara. "I don't do relationships, Miel. I party. I flirt. But I never do relationships."

Napangiti na lang ako. We are almost completely different people but we are very good friends.

"Hi Kelly!" Umupo sa tabi ko si Van. May dalang lemonade. Napalunok ako. Bigla yata akong nauhaw.

"Kell?" Ulit na tawag sakin.

"Ay hello Van! Long time no see, ha. Musta ang engineering?" I asked.

"Okay lang. Ganun pa rin. You? Oh. Anong nangyari sa pisngi mo? Did you get hit by something?" Alalang tanong nya. Van was my highschool classmate. Our families our friends kaya mas naging close kami.

"Hmm. Yep. Bolang maliit. I think it's a tennis ball," sagot ko habang napatingin ulit sa lemonade nya.

"Sa'yo na lang. Hindi ko pa 'to naiinom." Nakangiting inaabot nya ang lemonade nya.

Umiling ako ng marahas. "Sorry. It's rude to stare at someone else's food. Hehe. Bibili na lang ako later."

Ngumiti na lang ulit si Van at idinampi sa pisngi ko ang lemonade. Ang lamig. "Dikit mo na lang sa pisngi mo kung ayaw mong inumin."

Napayuko naman ako sa hiya. Kinurot nya 'yung isang pisngi ko na walang marka.

"Ang cute mo!" At humagalpak 'to sa tawa. Natabunan ng mga sigawan ng tao ang tawa ni Van nang pumasok na ang mga varsity ng ibat-ibang laro. Nakita ko nanaman 'yung Kervin na sinasabi ni Miel. He looks serious.

Nagsimula na ang mga exhibition. Bawat team ay magpapakita ng killer moves nila. Kunwari, sa volleyball may magsspike ng malakas. Sa basketball, magdadunk or three point shot. Hanggang natapos na ang lahat at tennis team na ang sumunod pero hindi nagexhibition si Kervin. I wonder why. Balita ko sya ang pinakagaling ah.

Narinig ko ang ilang bulong-bulungan ng mga nasa likod ko.

Ay sayang naman, bakit hindi man lang nagsmash si Ker.

Balita ko nawawala yata yung bola nya. 'Yun lang daw yata talaga ang ginagamit nya sa mga ganitong exhibition e.

Oo nga! Alam ko wala rin daw syang gana magpractice kaya ang sabi ng coach nila. Sino man daw makahanap ng bola niya ay mau reward! Kyaah! Kahit kiss lang sa kanya, solved na ko.

Teka! Pano ba malalaman kung bola nga nya yun? At san nawala?

Ang sabi sa may Greeemeadow heights daw. Subdivision kaya yun diba? Mahirap makapasok

Dun ba sya nakatira?

Hindi yata. Naglaro lang sila sa isang lawm field dun. May palatandaan bola nya e. May initials na K.E.'92

Binuksan ko ang bag ko at sinilip ang yellow green na bolang tumama sa muka ko.

K.E.'92

Ms. OptimisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon