3

26 2 2
                                    

Chapter 3. Club Zero

"Ano ba usually ang get up sa mga club? Hindi naman siguro short shorts lang 'no?" Tanong ko kay ate Bea.

Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.
"Anything will do Kelly.'wag ka lang mag bikini or gown, aryt?"

Ako naman ang natawa. "Of course not! Magsusuot na lang ako ng jeans and probably a shirt. Hmm."

"Mas okay kung ripped jeans and mag crop top ka na lang. May ruby red akong crop top pahiram ko sa'yo. Kakabili ko lang 'nun."

Napatingin naman ako sa tyan ko. Hindi naman ako mataba o sobrang payat pero hindi ako nagwoworkout. Nabasa yata ni ate ang alinlangan ko.

"You can carry it sis! I'll do ypur hair and make up later."

Lumabas na si ate sa kwarto ko at ako'y nagpatihulog sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang reply ni Cara sa bati ko.

"Thanks Kell! Hatid ka ba ni kuya mo or we'll pick you up na lang?"

Nagreply ako.

"Kay kuya na lang ako sasabay. Sino mga pupunta?"

Tumunog ulit ang phone ko. Nagreply agad si Cara.

"Tayong tatlo, ilang mga ka-org ko and some of my high school friends. Don't worry, mababait sila!"

Napangiti naman ako. I'm not worried. Actually ay excited pa nga ako e.

Sinilip ko ang eggplant wall clock ko at 5 na ng hapon. 11 pm pa ang party para daw nasa kalagitnaan na ng kasayahan ang dating namin.

Umidlip muna ako dahil hindi ako sanay sa puyatan. Nagising ako ng mga bandang 9. Kumain, naligo at nagsimula na akong ayusan ni ate. Nag-sneakers ako dahil ayoko mag stilletos. Masakit sa paa.

Binebraid ni ate ang isang side ng buhok ko. Pagkatapos ay hinawi nya ang buhok ko sa isa pang side para makita ang tirintas. Smoky eye ang ginawa sa mga mata ni ate sa mata ko at nude lipstick naman ang pininta sa labi ko. Dahil daw natural na mapula ang pisngi ko ay konting blush on lang nilagay nya.

I'm set!

"Magtext ka kung uuwi ka na ha. Don't drink too much. Don't let them flirt with you. Okay?" Bilin ni kuya.

"Aye captain! Thanks sa paghatid kuya." Yinakap ko si kuya bilang paalam.

"Take care baby."

Tumango na lang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan. This is it!

Nakita ko ang umiilaw na signage ng Club Zero. Hinanap ng aking mga mata sila Miel at Cara.

Tinignan ko ang phone ko at may isang text mula kay Cara.

"Pasok ka lang and give your pass sa harap. We're near the stage. Right side. See yah!"

Sinunkd ko ang sinabi ni Cara. Nung una ay nauubo ubo pa ko sa usok ng mga sigarilyo. Para rin akong nasusuffocate sa siksikan na mga tao. May nabangga pa akong lalaki. Magagalit sana ito pero nang tumingin ay ngumiti lang ito. May mali sa ngiti nya at hindi ko alam kung ano 'yun pero nginitian ko sya pabalik.

Magsasalita pa sana 'to nang hinila ako ng isang matipunong kamay.

"Dapat nagpahatid ka na lang sa kuya mo Kell." Si Van pala ang nanghila sa akin.

"Hmm. Hindi naman na ako bata Van," wika ko habang tinitignan ko ang itsura nya ngayon. Malayo sa inosente at boy next door na imahe nya. He looked like a mature adult tonight. Naka white v necknshirt at naka jeans sya. Ang buhok nya'y nakataas sa harap.

Napansin yata nya ang pagtitig ko kaya iniwas nya ang muka nya. Nakita ko pa rin namang namula ito. May lagnat kaya sya o lasing na?

"Kahit na malaki ka na hindi ka dapat nakikipagngitian sa di mo kakilala," sabi nya habang gingiya ako king nasaan sila Cara.

"I don't see something wrong about that," sagot ko naman.

"Of course you don't. You're Kelly Torres e. You're like an angel." Seryoso ngunit maamong wika nya.

Hinampas ko ang braso nya at tumawa na lang.

Narating namin ang table kung nasaan si Cara. Agad ko syang niyakap at binati ulit.

"Sinundo ka ni Van?" Usisa ni Miel nang nakaupo na kami.

"Hindi. Nagkasalubong lang kami."

Inabot sakin ni Miel ang isang bote ng Tanduay Ice at nilapit ang spicy chicken wings sa harap ko.

"Chill ka lang. Let's enjoy!" Bahagyang sigaw ni Miel dahil di na kami halos magkarinigan.

Tumango na lamang ako at kinuha ang bote. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Tinignan ko kung sino ito sabay ang paglagok sa T ice. Napangiwi ako dahil medyo mapait pero masarap naman.

Ngumiti sa akin si Van nang napansin nya ang bahagyang pagngiwi ko.

"You really drinking huh?" Tanong nya.

Ngumiti ako at pinatong ulit ang bote sa mesa.

"Van..." Pagumpisa ko.

"Hmm?" Lumapit sya ng kaunti para marinig ang sinasabi ko.

"Iba ang aura mo ngayon," I chuckled.

"How is that?" Tanong nya. Bahagya ko pang naamoy ng mabangong hininga nya.

"Wala. Parang you look matured ngayon."

"Really? Iba yata paningin mo ngayon," wika nya at naamoy ko na naman ang mint na hininga nya at ang amoy ng shower gel nya.

"Siguro. Hmm. Van..."

"Bakit?" Nilapit nya ulit ang katawan nya para mas marinig ako dahil biglang naghiyawan ang mga tao.

Ngumiti ako, "Ang bango mo."

Natigilan sya.

"Uy. Natahimik ka dyan," I nudged him.

He cleared his throat and when he's about to talk I felt the sudden urge to visit the comfort room.

"Van, CR lang muna ako ha?" paalam ko.

"Samahan na kita..I-I mean... Hatid na kita."

Nagulat sya ng marahan kong hinampas ang braso nya. Tumawa ako.

"Ano ka ba? Cr lang naman e."

Hindi na sya nagpumiglas pa. Tinahak ko ang daan nang medyo nahihilo sa ilaw.

May nasilayan akong isang pamilyar na bulto.

Sinuklay nya ang maitim na buhok nito gamit ang mga daliri nya. Nakahilig ito sa dingding na parang may sariling mundo kahit na may ilang namukaan akong athletes sa paligid nya.

"Hi Kervin!" Bati ko dito.

Umalis sya sa pagkakahilig at tumayo ng tuwid. "Anong ginagawa mo dito? You're into partying?"

"Ha?" Nilapit ko ang tenga ko dahil sa lakas ng tugtog.

"I asked if you're into partying," sabi nya.

Umiling ako. "Birthday ng friend ko."

Ngumisi ito. "Do you know why it's called Club Zero?"

Umiling ulit ako. "That's a random question. Why?"

"Because you won't get out of this place loveless." Tutok ang mata nya sakin.

"I'm not really sure what you mean but that sounds nice," ngumiti ako. "Excuse me ha. Cr lang ako."

"Kell!"

"Oh Van. Magccr ka rin?"

"Sinundan lang kita. Hintayin na kita dito sa labas."

"Oh. Okay. Wait lang. Bye Kervin!"

Tumango lang si Kervin. Sinulyapan ko si Van at titig na titig to kay Ker. Hmm. Bakit naman kaya? People nowadays are really confusing.

Ms. OptimisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon