Chapter 7. Lagot
"I really think it's because of Miel's loud voice," patay malisyang komento ni Cara habang ginagamot ko ang sugat ni Van sa bibig.
Sumulyap ako saglit kay Miel at nakitang nag-pout ito bago nagsalita. "Yeah. Oo na. Sorry Kelly. Sorry Van."
Nilagyan ko ng bandaid ang gilid ng bibig ni Van at binalot ng benda ang kamay nito. Tinabi ko na ang first aid kit sa compartment ng kotse ni Van bago nagsalita.
"Miel, wala namang may kasalanan e. And definitely, it's not your fault. Maybe hindi lang nila naintindihan 'yung set up namin ni Van."
Pinaandar na ni Van ang kotse. Nasa backseat sila Cara at Miel dahil maliliovernight sila sa bahay.
Tumikhim si Van sa sinabi ko. Bahagya syang sumulyap sakin at nakaukit sa mga mata nya ang lamig, galit at pagaalala. "Minsan hindi na talaga nakakabuti 'yang kabaitan mo Kell. They are spreading rumors at alam kong hindi pa kailanman nangyari sayo 'to."
Sumandal ako sa may bintana at bumuntong hininga. Van is right. It has never happened to me before. Compromising nga ang set up namin pero the people are quick to judge. Masyadong polluted ang pagiisip nila.
Ilang sandali ay nakarating na kami sa bahay. Pinark ni Van sa harap ng bahay ang kotse. Kitang kita ang pagdidilig ni Aliza ng mga bonsai sa gilid ng rattan bench sa garden. Nakasuot sya ng puting summer dress at puting flip flops.
Sabay sabay kaming lumabas ng kotse.
"Sino sya?" tanong ni Miel habang naglalakad kami.
"Kapatid ng girlfriend ni Kuya and she's Van's ex," I said as a matter of fact.
OA na huminto sa paglalakad si Miel. Napalingon samin si Aliza na blangko ang tingin.
Bumulong si Miel, "woah! Darren has a girl?!!! And you," sabay turo kay Van, "had an ex girlfriend?"
"Hindi pa ba kayo papasok?"
Napatalon kami sa gulat ng nagsalita na si Aliza.
"Papasok na," ngiti ko. "Bakit ka pala nagdidilig? Bisita ka dito. You shouldn't do that."
Umirap lang ito at nang tinignan si Van ay lumamlam ang mga mata nya. Umiwas ng tingin si Van at inilagay ang kanang kamay nya sa likod ko. Giniya nya kong pumasok at sumunod ng tahimik si Cara at Miel.
Pumasok kaming lahat sa kwarto at sumalampak kami sa bed. Bumaba si Van upang kumuha ng makakain.
Tumikhim si Miel na ngayon ay nilalaro ang mahabang buhok nya. "Bakit parang ang taray 'nung girl sa labas? Ganda pa naman. And wait, bakit dito nilapag ni Van gamit nya? Dito sya natutulog? Don't tell me..."
Binatukan ni Cara si Miel, "Dami mong tanong. Isa isahin mo."
Pinagpawisan ako ng ilang butil sa noo ko. Sasabihin ko ba? Ano na nga lang ang iisipin nila? Masyado bang iba ang dating pag magkasama kami sa isang kwarto. Ano ba 'tong iniisip ko? Syempre iba! Kaya nga iba iniisip ng ibang tao e.
Tumawa ako ng alanganin. "Ha-ha Ano ka ba? Hahayaan ba ni kuya 'yun?" napalunok ako ng konting laway. Eh wala nga si kuya kaya walang magbabawal.
"Akala ko naman..." Miel trailed off. Pumasok si Van na may dalang Mac n cheese at isang pitsel ng juice.
"Yes!" sabay na sigaw ni Cara at Miel. Both love mac n cheese. Who wouldn't?
Sabay pa silang tumayo at lumapit sa coffee table kung saan nilagay ni Van ang pagkain.
"Teka kuha lang ako ng mga baso," sabi ni Van pagkapatong ng pitsel.
Tumayo ako at nagprisinta na. Bumaba ako at naabutan si Aliza na nasa kusina at umiinom ng tubig.
Kumuha ako ng apat na baso at nilagay sa glass holder.
"Kelly," tawag ni Aliza.
Lumingon ako. "Stop this acting," mariin nyang sabi.
"Huh?"
"Sabihin mo kay Van to stop acting. You are not together. At least I know that much."
Napataas ang kilay ko na never nangyari. Minsan lang ako mairita. At kapag nainis ako ay nahihirapan akong pigilan to.
"What's your proof?" I retorted.
Tumaas lang ang isang sulok ng labi nya.
"Your smirk is not a proof, Aliza. Kung hindi nga kami, e bakit kami magkatabi sa kama kagabi?"
Hindi na makangiti kahit pastic na ngiti si Aliza. Pumula ang mukha nito at mabilis ang paghing nya. "Because you're a slut, Kelly."
I raised my eyebrow once again. Bibihira mapatid ang pisi ng pasensya ko at ngayon ay malapit na itong masira. But my rationale got the better of me. Huminga ako ng malalim at pinikit nang mariin ang mga mata ko ng ilang segundo.
"You don't insult me inside my house, Aliza."
Ngumisi ulit sya. "I can say whatever I want to say, slut."
"ALIZA!"
Dumagundong ang boses ni Van sa kusina. Mabilis naubos ang distansya naming dalawa sa mahahabang hakbang ni Van. Galit na galit ang mga titig nito at ang mga ugat sa leeg ay nagsisilabasan. Nakabukas ang tatlong butones ng polo nya at kitang kita ko ang well built na dibdib nya.
Nawala sa isip ko ang inis kay Aliza.
Naramdaman ko ang muling paglagay ni Van sa likod ko na untiunting dumausdos sa aking bewang. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"I don't know bat ka dinala ni ate Arielle dito but this I know, Ali, no one insults my girl lalo na nasa bahay ka nya. Stop being so overly attached. Alam kong ginagawa mo 'to dahil sa break up natin pero tapos na tayo. We had a past and that's it. Kasi kay Kelly na ako ngayon. And I don't intend on leaving her again."
Again? Wait. What?
Bago pa ako makapagtanong ay hinila na ako ni Van pataas. Hawak nya sa isang kamay ang mga baso.
Nang makarating kami sa taas ay ang kilay naman ni Miel ang tumaas nang napatingin sya sa kamay ni Van sa bewang ko.
Pilit kong inaalis ito pero lalo lamang humigpit ang hawak nito. Umupo si Van at hinila rin ako para umupo. Napaupo ako sa harap nya at nakahawak pa rin sya!
Patuloy sila Cara at Miel sa pagkain pero nakatingin din sila sa kamay ni Van.
"Kayo na ba?" putol ni Miel sa awkward silence.
"Huh?" tanging nasagot ko.
"Kasi both of you are really close. Like hindi naman kayo ganyan KA close dati," patuloy ni Miel.
Medyo lumuwang ang hawak ni Van sa bewang ko. "Ah. Uhm. We're pretending to be. Sa harap ni Aliza para makamove on na sya."
Nahirinan si Miel dahil malaking subo ng mac n cheese ang nginunguya nya.
"Taray ha. Kailangan may ganun?" tanong ni Cara.
Ngumiti na lamang ako.
Inalis na ni Van ang kamay nya sa bewang ko at kinuha ang mga unan.
"Palitan ko lang punda. Nalawayan ko yata kagabi," bahagyang tawa nito at pumunta sa cabinet ko.
Si Cara naman ngayon ang nabulunan. Nakataas ang kilay ni Miel.
"Kailangan mong panagutan si Kelly, Van!"
OA na sigaw ni Miel. Babatukan na sana ni Cara si Miel nang lumipad ang pintuan at madilim ang mukha ni kuya.
"Anong nangyari? Anong pananagutan?"
o(╥﹏╥)o
BINABASA MO ANG
Ms. Optimistic
General FictionShe always gives the benefit of the doubt. She smiles radiantly. She is carefree. She loves too dearly. She turns a rainy day to a sunny one. She doesn't have time for negativity. She is Miss Optimistic. What could make her sad, angry, jealous or co...