6

25 1 0
                                    

Chapter 6. Gossip

Pilit kong winaksi ang kakaibang naramdaman ko kanina. Naligo ako ulit bago matulog. Paglabas ko ng banyo ay dumiretso na ako sa kwarto.

Umupo na ako at sinimulang muli ang pagbabasa ng libro. Masyado akong nahumaling at hindi ko namalayang mag aalas dose na pala.

Hindi pa ba matutulog si Van?

Sinara ko na ang binabasa ko at tumungo sa baba upang hanapin si Van.

Nakita kong naglalatag ito ng comforter sa sala.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito sa akin. Nakapangtulog na rin sya at bahagyang inaantok na ang mga mata.

Ang tanging ilaw na bukas na lang ay ang nasa kusina.

Umupo ako sa sofa.

"Bakit ka naglalatag dyan?" Tanong ko naman.

Umiling lamang ito habang nangingiti. "Typical Kelly. Answering my question with another question."

Kinuha nito ang throw pillow sa tabi ko at nilapag sa may comforter. Naglakad sya papuntang kusina.

"Umakyat ka na. Papatayin ko na ang ilaw," sabi nito habang humihikab.

Tumayo na ako at bago ako maglakad ay hinablot ko ang throw pillow at comforter sabay takbo.

Nagulat si Van ng mga five seconds bago ito sumunod sa akin.

Madali kong pinatungan ang throw pillow at comforter upang hindi nya makuha.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Humahangos rin ito. Nakapamewang ito nang humarap sa akin.

"I never imagined a naught Kelly," sabi nya. "Gusto mo akong matulog sa sofa?"

Bahagyang kumalma na rin ang paghinga ko. Gusto kong pigilan abg bibig ko pero hindi ko na nagawa.

"Hindi. Masakit kaya sa katawan dun. 'Di ba sabi mo dito ka matutulog bakit sa baba ka naglalatag?" I asked which earned a raised eyebrow from him.

"Okay. Get off. Dito na ko maglalatag," wika nito ngunit may nakaplaster na ngiti sa muka nito.

"Why? Pwede naman tayong magtabi ah?" Umusog ako ng bahagya para bigyan ng space ang kabilang side.

Bumuntong hininga ito at biglang nagseryoso.

"You enjoy doing this to me, right?" Bulong nito.

"Are you cursing me or something, Van? Bakit ka bumubulong dyan?"

Umiling lang ito at sumilay na naman ang ngiti.

"Okay. Dito na ako matutulog since it us what you want," wika nito.

Sumalampak na sya sa kabilang parte. Umayos na rin ako ng higa.

"Patayin ko na ba 'yung lampshade?" Tanong nya at tanging marahang tango na lang ang naisagot ko dahil sa antok.

Unti-unti na akong nilamon ng antok.

♠♠♣♠♠

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pinatay ko ito at naginat inat. Wala na pala si Van. Aga naman magising 'nun.

Pumunta ako sa banyo at nadaanan ko si ate Arielle, Aliza at ate Bea sa dining room. Masayang naguusap sila ate Arielle at ate Bea samantalang halos mabutas ako sa tingin ni Aliza.

Is she jealous of me? Maybe. Mukang may gusto pa talaga sya kay Van at pinakilala pa akp nung huli na girlfriend nya. No wonder.

Aktong bubuksan ko ang pinto sa banyo ng bumukas ito mula sa loob. Katatapos lang maligo ni Van.

"Sorry, akala ko walang tao. Muntik ko ng buksan," I said.

"No prob, Kell." Sagot nya habang palabas ng pinto.

Ginawa ko na ang usual morning routine ko. Naligo na rin ako para 'di malate sa klase. Nakita kong naubos na pala ang pabango ko. May nakita akong blue na pabango sa bedside table. Kay Van siguro ito dahil amoy pang lalaki e. Mabango naman. It will do.

Nagsusuklay ako nang pumasok muli si Van sa kwarto. Nakabihis na sya.

"Ako na maghahatid sayo Kelly." Sumandal si Van sa may pinto habang pinapanood ako magsuklay.

"Okay. Wait lang." Naiilang ako sa tingin nya.

Sinilip ko ang bintana. Umuulan na pala sa labas. Binuksan ko ang cabinet ko at naalalang wala na nga pala ako jacket na malinis dahil nasa labada na.

Biglang lumapit si Van at kinuha nya ang hoodie nya at binigay sa akin.

"Okay na malaki kesa wala kang jacket."

Tumango naman ako."Paano ka?" Tanong ko.

"I can survive Kell. Ikaw? Sakitin ka, so you need protection."

Inosenteng sagot man 'yun ay hindi ko maiwasang mamula. Seriously, Kelly? What's happening to you?

Sinuot ko na ang hoodie at sumunod na kay Van pababa. Imbes na pumunta sya sa pintuan palabas ay umupo ito sa dining room.

"Kain muna tayo."

"Malelate tayo," protesta ko.

"Are you always skipping breakfast?" Kunot noo na naman ito.

Bago pa man ako makasagot ay hinila na nya ako paupo. Nilagyan nya ng fried rice, sunny side-up, hotdog at kamatis ang plato ko. Nagsalin pa sya ng fresh juice sa baso.

"Wala akong pakielam kung malate tayo. Eat," ma-awtoridad na wika ni Van. Gone is the playful Van, narito na naman 'yung Van na nakita ko sa Club Zero noon.

Wala akong nagawa at kumain na lamang ako. Nang tatayo na ako ay hinigit akong muli ni Van paupo. Hindi kobpa raw kasi nasisimot. Daig pa nya si kuya Darren.

"Hindi ka magtotoothbrush?" Tanong ko kay Van.

"Wala akong brush," sagot nya at hinablot ang toothbrush na hawak ko.

"Hoy! Akin 'yan! Kadiri ka Van."

Ngumisi lang ito at nilagyan ng toothpaste ang brush at nagsimula na syang magtoothbrush. Wala na akong nagawa kundi mandiri sa isang tabi. Iniisip ko na lang na sya naman yung dapat mandiri.

Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa school.

Pagkapark ni Van sa kotse nya ay agad akong lumabas para batiin sila Miel at Cara na nakaupo sa isang bench. Sumunod din yata si Van.

"Woaaah! Bakit kayo magkasama?" bati ni Miel.

"Samin sya nakatira ngayon," patay malisya kong sagot.

"Woaaaah!" Ulit ni Miel.

"Gulat na gulat ka Miel?" Tanong ng natatawa ring si Van.

"Oo naman no. Ano 'yung naamoy ko?" Tanong ni Miel habang sinisinghot singhot ako.

Pinalo ko ng marahan sa braso ang babaeng ito. Di ko mapigilang matawa.

"Miel, para kang tanga!" Sabi ni Cara dahil muka talagang ewan si Miel sa ginagawa nya.

"Sshhh!" Pagkatapos akong amuyin ay si Van naman inamoy nito.

"OMG! Ganitong level na kayo? Nagpapahiram ng pabango?" Tumingin ito sa suot kong maluwang na hoodie. "Pati damit?! OMG!"

Tumalon talon ulit si Miel at halos sakalin na ako nang sinabi kong pati toothbrush ko ay ginamit ni Van.

"You are weird Miel. Tara na Kelly," aya ni Van. Magclassmate kasi kami ngayon.

Natapos ang maghapon at uwian na. Hinintay ako ni Van sa tapat ng kotse nya. Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang mapansin ang tingin at bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

Nang nakarating nako malapit kay Van ay may kung sinong sumigaw.

"Akala mo kung sinong malinis at mabait. Nakikilive-in naman pala!"

Namanhid ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na namalayang tumakbo si Van at sinuntok ang isang lalaki.

Ms. OptimisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon