Chapter 5. Role Play
Hinila ko si Van sa kwarto ko.
"Care to explain Mr. Van Elix?" Tanong ko habang nakapamewang.
"Try harder Kelly. Hindi ka mukang galit at kahit kailan hindi ka pa nagagalit," wika ni Van at tumawa kami. Van really knows me well.
"Okay. You got me. So? Ano ang kwento?" I asked.
Van sighed. "I knew she would be somewhere in town pero hindi ko alam na sa bahay nyo ko sya makikita. Aliza is an ex. My only ex for that matter. Ate Arielle, she's Darren's girlfriend. At hindi ko rin alam na magkakilala sila ni Aliza."
"Nakabuntis si kuya?!!" I was bewildered.
"Si Darren na lang kausapin mo dyan. I don't know kung ganun nga at kung nakilala na nyang buntis si ate Ariel." Umupo si Van sa kama ko at kinuha ang isang unan ko at hinigaan iyon.
"Okay. Eh bakit mo akong pinakilalang..hmm... Girlfriend mo?" I asked because that part is confusing. Umupo ako sa tabi ni Van at tinignan ang itsura nya.
"Kelly, we ended in bad terms. Pero hindi 'yun naging dahilan para tigilan nya ako. She's like...obsessed." Van let out a sigh. He looked straight at the ceiling.
Humiga rin ako at tumingin sa kisame na para bang nandoon lahat ng kasagutan.
"So, you want to pretend na may girlfriend ka?"
Tumango ito.
"And that's me? Am I right?"
Tumango ulit sya at may sumilay na labi.
"You are weird Van," I remarked.
"Am I?" Tanong naman nya, may ngiti pa rin sa labi.
"Uh huh. Dito rin magbabakasyon si Aliza sa bahay?"
"Yup Kelly."
"Para tuloy akong hindi tiga rito. Mas marami ka pang alam e "
He chuckled. I love hearing Van's laugh.
"Masakit pa rin ba ulo mo?" He asked.
"Hindi na masyado. Ikaw daw naghatid sakin kagabi?"
Tumagilid ito at itinungkod nya ang siko upang masuportahan ang ulo nya. "You are right. Sino maghahatid sayo? Si Miel? Cara? O yung Kervin?"
Tumagilid rin ako para makaharap si Van.
"Bakit napasok si Kervin? We are barely close."
"Really? E kung makapagusap kayo kagabi parang close na close e." He crinkled his nose and pinched my left cheek.
"You really love pinching my cheeks. Kaya nagiging chubby lalo e. And for the record, hindi talaga kami close ni Kervin though I would love to."
Pinisil ulit ni Van ang pisngi ko at natatawa kong pinalo nang marahan ang kamay nya.
"Wag ka maging close 'dun." Naging seryoso sya bigla pero di nagtagal ay ngumiti ulit to.
"Van..." I trailed.
"Op?"
"You kissed me last night, right?" I asked.
Napabalikwas ito at pulang pula ang mukha.
"What are you saying? Hindi ah!" He said without doing eye contact.
Bumangon din ako at pilit tinitignan sya sa mata. Ilag pa rin ang mga mata nya kaya't kinulong ko ang mukha nya sa mga palad ko at pinihit para makapagharap kami.
Ngumiti ako dahil nakakatawa ang itsura ni Van. It's just a friendly kiss on the forehead. Why would his face burn red? Si Van talaga."Van? Umamin ka." I said in a stern voice.
"Okay. Sorry. I didn't mean to kiss you on the lips. Sorry tal--"
"You kissed me on the lips?" Tigagal kong tanong. "Akala ko sa noo ko lang."
Lalong lumaki ang mga mata nito at namula lalo ang mukha nito.
"Shit. Yeah and that, too." Binaon nya ang muka sa mga unan ko.
I'm not angry at him, though. I was just shocked. My first kiss was taken away and I didn't even know it. Unti unti na ring uminit ang mukha ko. This is kind of awkward.
Umalis din sya sa pagkakabaon sa mga unan ko. His face still red.
"I'm sorry Kell. I was tipsy..." He said.
"Hindi ko naramdaman so I will not consider it my first kiss," i said jokingly to ease the tension.
Ngumiti naman si Van. "I felt it though, and I will consider it my first kiss."
Pagkatapos nun ay nagsimula na nyang ayusin ang mga gamit nya. Ako, medyo tulala pa rin.
Humiga na lang ulit ako at pinanood ko syang naglalagay ng damit sa cabinet ko. He's practically family. Van is no stranger in this house.
Pagkatapos nyang ayusin ang gamit nya ay umupo sya sa paanan ng kama.
"San mga comforter nyo Kell. Maglalatag na ako."
"Wag ka na maglatag." I mean it. Bakit pa sya maglalatag e pwede naman kaming magtabi minus the kissing incident. He was just drunk.
"You sure? Malikot ako matulog," he said.
"Ako rin naman. Magwrewrestling tayo sa panaginip."
We both laughed. We heard a knock. Bumukas ito at sumilip si ate Bea.
"Kell, Van, kain na. Kayong mag lovers know your limits ha?" Kumindat pa si ate bago sinara ang pinto.
Siniko ko nang mahina si Van. Ngumisi lang ito sa'kin. Ginagap nya ang palad ko at hinila na papunta sa dining room.
Nakaupo na si ate Bea, ate Arielle at Aliza. Hinanap ko si kuya pero hindi daw makakaabot ng dinner. Umupo ako sa tapat ni Aliza at katabi ko naman si Van na katapat ni ateArielle.
"Hi Kelly! You really look like Darren. You're pretty," salubong ni ate Arielle. Ngumiti ako ng maluwag at nagpasalamat. Nadako ang tingin ko kay Aliza na parang tutusukin ako ng tinidor.
"Sya pala si Aliza. Youngest sister ko. You're of the same age," dagdag ni ate Arielle.
Kumaway ako kay Aliza at tipid na ngumiti lang ito. Nagsimula na kaming kumain at kanina pa lagay ng lagay si Van sa plato ko.
"Tama na Van. Busog na ako."
"Kailangan mo magpataba Kell."
"Oo nga Kelly," singit ni ate Bea.
Hindi ko alam kung ako lang 'to o pinagpapawisan ako sa mga titig ni Aliza lalo na pag pinagsisilbihan ako ni Van.
Nabigla ako nang punasan ni Van ang noo ko.
"Naiinitan ka ba? Bakit kasi yang Tshirt ko suot mo. Mainit yan e," patuloy ni Van habang pinapaypayan ako gamit ang kamay nya.
"Van..." Natatawa kong sabi. Muka na kasing adik.
"Mukang kaya naman nyang paypayan ang sarili nya," mataray na sabi ni Aliza. Napatingin kami sa kanya.
"Hayaan nyo na lang sya. Ganyan talaga kapatid ko," sabi ni ate Arielle na mukang di natuwa sa inasta ni Aliza.
Tumikhim lang si Van. "I really want to treat Kelly like a princess."
Ngayon ay kay Van naman kami napatingin. Ngumiti ito ng matamis sa akin at hinawi nito ang takas na buhok ko.
That moment, I thought there's a music playing in the background. His eyes are so deep. His smiles are charismatic. Parang nag slow mo lahat ultimo pagpikit ng mga mata nya.
Role play lang 'to, Kelly. Role play lang pero bakit iba nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Ms. Optimistic
General FictionShe always gives the benefit of the doubt. She smiles radiantly. She is carefree. She loves too dearly. She turns a rainy day to a sunny one. She doesn't have time for negativity. She is Miss Optimistic. What could make her sad, angry, jealous or co...