Chapter: 02

10.6K 192 5
                                    

Natapos ang klase namin ng wala man lang akong naiintindihan, ewan ko ba kung anong meron sa mga teacher ko, at kung bakit makita ko lang sila ay inaantok na'ko.

Vacant time na namin ngayon at papunta na kami ni amber sa cafeteria.

"Audz, mukhang naka hanap kana ng katapat mo!" Tatawa tawang sabi niya.

Napahinto naman ako sa paglalakad at taas kilay ko siyang tinignan.

"What do you mean?" I asked.

"Si Summer, ang taray niya no?" 

"So what? I don't actually find her 'mataray' eh. She's just so proud of herself that it sucks." Sagot ko sabay pasok sa cafeteria.

Natahimik ang lahat nang pumasok ako. Minsan nga natatawa nalang ako sa isip ko sa mga inaakto nila eh, dinaig ko pa kasi ang isang principal kapag nakikita nila. Yung kakapasok mo lang tapos yung maiingay na estudyante biglang magsisitahimikan na akala mo naman eh dumaan ang isang anghel. Kapag principal o teachers naman ang pumasok walang pakialam ang mga estudyante at nag-iingay pa rin sila.

This is what I hate about this school. The teachers, they don't have the authority that's why all the student don't actually respect them.

Habang nagmamasid ako sa sa loob ay nakita ko na nakaupo na rin si summer sa isang table malapit sa madalas kong pwesto at may kasama na siyang dalawa sa mga kaklase namin.

Habang naglalakad ako papunta sa table kung saan walang tao ay muli ko nanamang naramdaman ang mga pares ng mata na nakatingin sa direksyon ko. I hate getting the attention, it makes me feel so uncomfortable but in my case it's inevitable because most of the students knows me.

I'm still wearing my poker face while walking towards the table, I actually don't give a damn about these people staring at me.

Nang makalapit nakami sa may vacant table kung saan katabi din ng table ni summer ay umupo na rin kami, pero kasabay ng pag-upo namin ay ang pagtayo ni summer, sabay lapit niya sa table namin habang naka cross arms.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What do you need?" I boredly asked.

"Alam mo ba na hindi ako nakakain ng maayos kapag may nakikita akong basura sa paligid?" Mataray niyang sabi.

I took a deep breath and composed myself.

"Problema ko ba yun? Edi umalis ka para mawala ang basura. Hindi rin kasi ako makakain kapag ganon." Sabi ko sakanya. Nakita ko ang lihim na pagngisi ni amber habang namumula naman sa inis si summer.

"What did you just say?!" Inis nitong sabi.

"Sorry hindi ko ugali ang ulitin ang sinabi ko na. Hindi ko na siguro kailangan pang problemahin kung bingi ka. " Mahinahong sabi ko. Narinig ko ang tawanan sa paligid. Habang lalo naman namula sa asar itong si summer.

"You know what? hindi ka naman bagay sa eskwelahang ito eh. I've heard dahil lang sa scholarship kaya ka nakapasok dito." She said while smirking. Talagang in-empasize pa niya ang salitang 'scholarship' kaya tinginan na lahat ng estudyante samin.

"You seems to like gossips huh? Nakichismis kapa talaga para lang makakuha ng impormasyon tungkol sa'kin. I'm touched. Your effort was highly appreciated." I said sarcastically. She greeted her teeth in annoyance.

"Why dont you just drop out and find a public school kung saan ka nababagay?" Inis nitong sabi.

"Oh! Sorry, nakalimutan ko na wala kana nga palang parents and you're living with that friend of yours an--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya.

Naiiritang tumayo ako at ibinagsak ang dalawa kong palad sa mesa at hinarap siya.

"Wow naman! Ganun ba 'ko ka-importante sa'yo at mukhang ni-research mo pa ang buong pagkatao ko? Oo. Nakapasok ako dito dahil sa scholarship. Nakuha ko yun kasi may sapat na talino ako para makuha ang scholarship na 'yon. Kung para sayo nakakahiya ang bagay na 'yon pwes para saakin hindi. I should be really proud kasi hindi lang dahil may koneksyon ako sa school kaya ako nakapasok dito." Sabi ko.

"Ikaw ba? Hindi ka ba nahihiya na dahil lang kayo ang may-ari ng eskwelahang ito kaya ka dito nakapag-aral? Try mo kayang kumuha ng exam for scholarship try lang na'tin kung makakapasa ka." Nakangisi kong sabi.

Ayokong ipahiya siya pero nakakapuno na talaga ang babaeng ito.

Naningkit na ngayon ang mga mata ni summer habang nakakuyom ang mga kamao niya. Ang mga estudyante naman ay nanatiling nakatingin saaming dalawa na mukhang nagpipigil ng mga tawa.

"You bitch!" She yelled at me.

"If you're talking stuff about yourself then you better face a mirror." I said in a serious tone.

Naiiritang kinuha nya ang mga gamit niya at saka na ito  lumabas ng cafeteria, sumunod naman sa kanya ang dalawang alipores na kasama niya.

"Ikaw na! Ikaw na talaga! Hahaha!" Amber said while laughing her heart out. I just glance at her with my bored look.

---

Natapos na naman ang buong araw sa klase at naglalakad na kami ngayon ni amber pauwi sa bahay niya, walking distance lang kasi kaya walang problema.

Nakakatamad na araw. Paulit ulit lang ang nangyayari. Gigising ng maaga, maliligo, papasok sa school, mag-aaral magmamaldita, matutulog and so on and so forth, walang pagbabago.

Wala nga pala kaming pasok ngayon sa trabaho dahil pumunta ng australia ang boss namin at isinara ang bar. Mali kayo ng iniisip ah? Hindi porket sa bar kami nagtatrabaho eh masama na yung ginagawa namin. Ang trabaho namin doon ay kumanta tuwing gabi.

Every night ay limang kanta ang nakatokang kakantahin namin. Every night ay 1000 rin ang kita kaya sakto na sa araw araw na pinagkakagastusan namin.

Nang makauwi na kami ng bahay ay agad na'kong pumasok sa kwarto ko para magbihis at nang matapos ay umupo ako sa kama. 

"Audrey!" Agad naman akong bumaba ng marinig kong sumigaw si amber mula sa ibaba.

Nakita ko na tutok na tutok siya sa TV habang gulat na gulat ang mukha nito.

"Ano ba amber! bakit ka ba nasigaw? Akala ko naman kung ano ng nangyari." Naiinis na sabi ko sakanya.

"Halika dito dali! Tignan mo yung balita sa TV." Sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at tumingin sa TV.

Pagtingin ko ay halos madurog ang puso ko sa nakita ko. Kasabay non ang sabay sabay na pagpatak ng mga luha ko.

'Ayon sa Interview namin sa sikat na mag-asawang business man at fashion designer na sina Mr. and Mrs Rodriguez, ay totoo ang napapabalita na nag-ampon sila ng anak na babae."

Pain and Regret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon