"Oh God! Finally! We're home!" Pasigaw na sabi ni amber sabay talon pahiga sa kama.
Pagkatapos ng open forum na naganap sa Mt. Arayat ay nag-iba na ang pakikitungo sakin ng mga kaklase ko, kung noon ay lagi silang umiiwas at sinasamaan ako ng tingin kapag dumaan, ngayon naman ay lagi nila kong kinakausap at binabati pag nakakasalubong ko sila, lagi rin silang nakangiti, noong una ay medyo naninibago ako at naiilang pero nasasanay na rin ako.
Si summer na lang talaga ang hindi nagbabago ang ugali.
"Hoy audz! Ba't ka namumutla?" Tanong sakin ni amber, sa totoo lang kanina pa talaga ko nahihilo at nasusuka, hindi ko alam kung bakit pero baka dahil lang sa pagod sa byahe.
"Actually kanina pa medyo masama ang paki---"
Amber's POV
"Actually kanina pa medyo masama ang paki---"
Nagulat nalang ako ng biglang mawalan ng malay si audrey, mabuti nalang at sa may sofa siya bumagsak.
Dali dali akong tumayo mula sa pagkakahiga. Sobra akong kinabahan ng mahawakan ko siya at makakita na may mga pasa nanaman sa braso nya, napapadalas na rin ang pagkawalan nya ng malay. Nahimatay 'rin siya kagabi matapos ang open forum.
Agad akong nagtungo sa kitchen at kumuha ng maligamgam na tubig at towel.
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya saka ko pinunasan ang mga braso at ang noo niya.
"M-Mommy." Nagulat nalang ako ng bigla siyang magsalita habang wala pa ring malay, nakita ko na may mga luhang umaagos sa pisngi nya.
Napapanaginipan nanaman niya siguro ang parents niya. Lagi siyang ganyan, kaya naawa na ako sakanya, hindi ko lang pinapakita. Gustong gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.
Audrey's POV
'Lumayas ka!! hindi namin kailangan ng anak na katulad mo! wala ka ng ibang binigay samin kundi sama ng loob!'
'Mommy I'm sorry! pinilit ko naman pong maging Top 1 para lang maging proud kayo sakin eh. Mom I'm sorry I failed'
'lumayas ka! isa kang malaking disappointment!!'
"M-Mommy! Mommy! MOMMY!!"
Bigla nalang akong napasigaw at napatayo sa hinihigahan ko saka ko nalang narealize na puro luha na ang pisngi ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Butil butil na pawis ang tumutulo mula sa noo ko.
"A-Audrey nananaginip ka. K-Kanina pa kita ginigising." Sabi ni amber.
Bakit lagi ko nalang napapanaginipan ang nakaraan ko na gustong gusto ko ng kalimutan. Bakit ba ko pilit binabalikan ng mga pangyayaring hindi ko na gustong maalala pa. Bakit hanggang ngayon pilit pa rin itong pinapaalala sakin. Bakit hanggang ngayon pakiramdam ko nalulunod pa rin ako sa sobrang sakit.
"Audrey bakit h-hindi mo sila puntahan?"
"Hindi na. hindi na kailangan, masaya na sila diba? Guguluhin ko pa ba?" Sabi ko saka na ako tumayo.
Habang naglalakad ako ay bigla nanaman akong nahilo at nakaramdam ako ng sakit sa sikmura ko kaya agad akong tumakbo papunta sa lababo.
"Audrey! Audrey! Ano bang nangyayari sayo?!" Alalang tanong ni amber habang hinahagod ang likod ko at ako naman ay suka lang ng suka. Gosh, this is so gross.
"Audrey satingin ko kailangan mo ng magpatingin sa doctor, hindi na maganda yan! Napapadalas na." Sabi ni amber. Kitang kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala, kaya tumango na ako.
"Sasamahan kita." Alok niya.
"Hindi na amber."
"I insist." Pamimilit nito.
"Hindi ako pupunta kapag sumama ka." Malamig na sambit ko.
"Pero audrey." Nag-aalala nitong sabi.
"Amber dito ka nalang." Sabi ko saka ko hinawakan saglit ang mga kamay nya at nagtungo na ulit sa kwarto ko at nagbihis.
Sa totoo lang ayokong pumunta sa doctor. Bukod sa wala akong pera na gagastusin, natatakot ako. Natatakot akong malaman ang kundisyon ko. Natatakot ako na baka tama ang kutob ko. Hindi pwede. Hindi pwedeng tama ito.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ulit ako at nagpaalam na kay amber.
Sumakay lang ako ng taxi at nagtungo sa Jimenez Hospital. Madalas ako dati sa lugar na 'to, k-kami nila mommy dahil sa sakit ko noon na alam kong matagal ng nawala. Tinigilan ko na 'rin ang pag-inom ng gamot 2 years ago dahil hindi ko na rin kayang bilhin ang mga ito dahil sa sobrang mahal.
Bago ako pumasok ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka na ko kumatok.
"Ma'am may appointment, Oh! Miss Rodriguez?" Sabi ng secretary ni Dr. Jimenez, kilala na kasi ako nito dahil sa madalas na pagpunta ko noon dito.
"Nandito po ba si Dr. Jimenez?" Tanong ko.
"Opo Mam halika at pumasok." Sabi ni ate lesly na secretary ni Dr. Jimenez.
Pagpasok ko sa loob ng clinic o office ni Dr. Jimenez ay nakita ko siya agad na nakaupo at ng makita nya ko ay halata sa mukha nito ang labis na pagkagulat.
"Audrey?" Agad itong tumayo at nilapitan ako.
"Doc, hello po." Nahihiyang sabi ko.
"Nabalitaan ko ang nangyari sainyo ng parents mo."
Ngumiti ako sakanya, isang ngiti na napakalungkot.
"Uh yes." Malungkot na sambit ko.
"Anyway bakit ka nga pala nandito?" Tanong nya.
"Magpapacheck-up po sana ako dahil nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagsusuka at pagsakit po ng ulo ko." Saad ko.
"Madalas 'rin po na may mga pasang lumalabas sa katawan ko." Sabi ko saka ko ipinakita ang mga pasa sa braso ko.
"Iniinom mo pa ba ang mga gamot na ibinigay ko noon?" Ngumiti ako sakanya at marahang umiling ako dito.
"Doc, dalawang taon na po simula ng tigilan ko ang pag-inom ng gamot, hindi ko na rin po kasi ito kayang bilhin. Saka diba doc wala naman na po akong sakit noon? Saka matagal na yung wala kaya wala ng dahilan para ipagpatuloy ang pag inom ko ng mga gamot ko."
"Hija, hindi mo dapat tinigilan iyon."
"Pero Doc, diba po sabi ninyo noon wala na yung sakit ko?"
"Oo sinabi ko iyon, pero sinabi ko rin na pag tinigilan mo ang pag-inom ng gamot ay maaari itong bumalik."
"D-Doc..."
"Halika.." Sabi nito at pinahiga ako sa isang single bed. Hindi ko alam kung anong ginawang test nito basta kinunahan lang niya ako ng dugo at pagkatapos ay pinaupo nya ulit ako sa upuan sa office nya.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang hinihintay si Doc. Nagdarasal na sana ay okay lang ang lahat. Na sana ay okay lang ako.
"Miss Rodriguez." Napalingon ako kay Dr.Jimenez ng tawagin ako nito. Agad akong kinabahan ng makita ko ang lungkot sa mukha nito.
Pakiramdam ko binagsakan ako ng malamig na tubig ng sabihin nya sa'kin ang resulta ng test.
"Miss Rodriguez, You have a Glioblastoma Multiforme, you have a malignant brain tumor. Stage 3."
BINABASA MO ANG
Pain and Regret
Short StoryI was a mess, the unwanted child. A girl who tried her best to be on top but still failed. I failed as a daughter as well as a person. Welcome to the cruel world, Audrey Rodriguez. Story Started: May 13, 2013