Chapter: 05

7.9K 152 5
                                    

Nandito na kaming lahat ngayon sa labas ng tent habang nakaupo ng pabilog at napapagitna sa amin ang bonfire.

"I want you guys to comfort each other and don't judge one another okay?" Sabi ni Mrs. Ramirez, tumango naman kami bilang pagtugon.

"So guys, are you ready? who will start?" Mrs. Ramirez asked.

Nakita ko na nagtaas ng kamay si Janine, at sya na ang unang naglabas ng mga saloobin nya about sa parents nya.

Lahat ng estudyante ay umiyak dahil sa narinig nila at pagkatapos ay isa isa namin syang niyakap, matapos sya ay nagsunod sunuran na rin ang mga kaklase ko. Ngayon naman ay tatlo nalang ang natitira, Ako, si amber at si summer.

"Sino mauuna sainyo?" Tanong ni Mrs. Ramirez.

Nakita namin na nagtaas ng kamay si summer.

"Okay summer pwede ka ng magstart." Mrs. Ramirez.

"I really don't know what to share. To tell you the truth wala naman kasi akong hinanakit o sama ng loob sakanila. Kasi kung meron mang perpektong parents dito sa mundo, masasabi ko na ang parents ko ang pinaka perpekto. Lahat ng gusto ko ibinibigay nila, at alam ko na mahal na mahal nila ko. Siguro ang malungkot lang sa pagiging si Summer Rodriguez ay ang pagiging ampon ko." Mapait itong napangiti saamin at hindi nito naitago ang lungkot sa ngiting iyon.

"Oo tama kayo ng narinig. Hindi nila ako tunay na anak. But its not really a big thing to me, kasi alam ko sa sarili ko na mahal nila ko hindi man nila ko tunay na kadugo."

Lahat kami ay nagulat ng sabihin iyon ni summer . No one dare to speak.

"Ako na ba ang next?" Pambabasag ni amber sa katahimikan kaya tumango ang lahat. Bago iyon ay binigyan nila ng yakap si summer. I stared at her
face and I can see the pain in her eyes.

"Dahil about sa family ang topic, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sorry ha? Hindi kasi talaga ako makarelate sa mga may magulang pa dito." Huminto siya sa pagsasalita
saka ito yumuko. She's holding back her tears.

She's been vocal about everything but not about her family. Always changing the subject when the topic is all about family.

"I don't have a parents a-anymore, they died when I was still on my elementary days. Car accident. Ang aga nga nila kong iniwan eh. Excited si God, na makasama ang parents ko, kaya ayun. Bukod sa pang iiwan sakin ng parents ko wala naman na akong naalalang sama ng loob sakanila. Alam ko naman kasi na hindi rin naman nila ginusto ang iwan ako. Kaya sana kung nasaan man sila ngayon eh masaya na rin sila."

The pain, the trauma and the loss. Paano niya nakaya ang lahat ng 'yon?

Pagkatapos sabihin yun ni amber ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya, at niyakap namin siyang lahat.

Now, It's my turn.

I sighed "Where should I start? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dito. I was never a fan of drama and I hate drama. It makes people cry and I hate crying infront of people." Malungkot akong ngumiti sakanila.

"Wala na kasi akong pamilya. But let me rephrase it. May pamilya ako pero dahil itinakwil nila ko, nawala na. Siguro nagtataka kayo kung bakit nila ko tinakwil no? Simple lang. Dahil babae 'daw' ako. And that's how everything turned to hell. The truth is until now I can't understand how could they easily disowned their child. What a stupid reason." Mahinang sambit ko.

"I've been through a lot. I live by myself, nagtrabaho ako para may maipakain sa sarili ko. I remembered the day when I got sick. Hindi ako makakain, hindi ako makatayo, hindi makakilos. Pero dahil alam kong wala naman akong maaasahang pamilya pinilit kong kayanin ang lahat. Gabi gabi nagagalit ako sa sarili ko kasi kahit itinapon na nila ko hinahanap ko parin ang mommy ko. Hinahanap-hanap ko pa'rin ang pagmamahal na nanggagaling sa mga magulang, nangangarap na sana pag-gising ko maaamoy ko ang mabangong almusal na niluluto nya. Kaya lang, napaka-imposible ng mangyari non." Napahinto ako sa pagsasalita. I burst out in tears. I let my tears flow this time without constriction.

"Nung unang araw na mahiwalay ako sa kanila, lagi akong umiiyak dahil sa takot at pangungulila. I was too young that time, how could I survive? Will I be able to save myself? Am I going to make it out alive?  Araw araw naghihintay pa'rin ako na tumawag o kahit sana magtext man lang sila para kumustahin ako. But no one ask me if I was okay. Pakiramdam ko noon para lang akong isang kuting na itinapon nila ng walang kalaban laban. Ipinaramdam nila sa'kin yung pakiramdam na buhay kapa pero unti unti kang namamatay. Imagine, umabot ng dalawang taon magmula nang pinalayas nila ko. Nawala ang lahat sa akin. Pero siguro maswerte pa'rin talaga ko because God sent someone in my life. It's amber. I care so much for this girl but I just don't know the right way to show it." Ngumiti ako kay amber ng sabihin ko iyon. Nakita ko 'rin na halos umaagos na ang mga luha ng mga kaklase ko habang nakikinig sa kwento ko.

"But do you know what hurts the most? Yung isang araw pag-gising ko nabalitaan ko nalang na nag ampon ng anak na babae ang mga magulang ko. Gusto ko silang tanungin, gusto ko silang sumbatan. Bakit ibang tao pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit kailangan iba pa? Paano nilang nagawang magmahal ng anak ng iba habang ang sarili nilang anak ay naghihirap at buong buhay na nanlilimos ng pagmamahal nila." Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit lumabas lahat ng hinanakit at sakit na kinimkim ko sa sarili ko sa loob ng ilang taon. Halos hindi ko na makontrol ang sarili ko sa paghagulgol ng iyak sa harapan ng lahat.

"Ang tingin saakin ng iba, walang pinag-aralan dahil sa ugali ko, sinasabi nila na wala daw nagtuturo sa'kin ng magandang asal, lahat sila tinatawag akong bitch, slut, whore at kung ano ano pang masasamang salita. But deep inside I know that I am better than that. It was so easy for them to judged someone like me. Kahit wala naman silang alam sa kapunyetahang nangyari sa buhay ko." I fought back the tears that started to sting my eyes.

"Sa totoo lang hiyang hiya ako ngayon dahil hindi ko naman ugali ang umiyak sa harapan ng maraming tao. I don't want to look dramatic as if I was seeking for sympathy. I'm not like that. I just want to burst out the pain inside me. And I'm just tired. Tired of life, tired of everything and tired of all the drama. Pagod nakong makakita ng ibat ibang panghuhusga sa mata ng mga taong hindi naman ako kilala."

I breathed a sigh of relief.
Pakiramdam ko ng masabi ko ang lahat ng iyon ay naalis ang napakalaking tinik sa dibdib ko, gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ko sa ibang tao ang lahat ng hinanakit ko. Atleast the worst is out. Niyakap nila kong lahat pagkatapos.

Leslie's POV

I'm Leslie Far, kaklase ako ni audrey. Kaibigan ko si summer. Yes alam ko napakasama na ng tingin niyo sa'kin.

Lahat ay nagulat, lahat kami ay hindi makapaniwala sa mga nakita at narinig namin mula kay Audrey Rodriguez, na kinaiinisan ng lahat.

Audrey Rodriguez is crying?

She is hurt.

I've never expected to see a bitch like her cry and moreover, I've never thought that she's capable of it. She looks like a wounded child and I regret calling her a bitch. A bitch, Whore woman would never cry but she did. She's the type of girl to make other's cry but awhile ago she just cried in front of us without hesitation.

One thing I regret.

I judgedk her.

Pain and Regret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon