Hindi ako nakapagsalita at ni mai-galaw ang katawan ko ay hindi ko magawa pagkatapos sabihin yun ng doctor.
"D-Doc paano nangyari yun? W-Wala na po akong sakit diba? Pano nangyari yun doc? Nagjojoke ka lang diba?" Sinubukan ko pang tumawa sa harapan niya.
"Ang gamot na ibinigay ko sayo noon ay kailangan lo ng i-take for a lifetime pero kagaya ng sinabi mo matagal mo na itong tinigilan kaya hindi nako nagtataka kung bumalik man ang sakit mo hija. No offense pero dapat nakinig ka sa'akin noon. Alam mo ba na bibihirang tao lang ang nakakalampas sa sakit na meron ka? Hindi sa tinatakot kita hija, gusto ko lang na maging aware ka sa kondisyon mo. Sa ngayon meron pang gamot sa sakit mo at pwede kapang maoperahan pero 50/50 ang chance na makasurvive ang pasyente. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mailigtas ka lang." Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang dahil sa mga narinig ko. Nang hindi ko na makayaan ay napaupo nalang ako sa sofa habang iyak lang ako ng iyak.
"D-Doc saan naman po ako kukuha ng pera?" I sobbed.
"D-Doc gusto ko pa po'ng mabuhay. Doc ayoko pa pong mamatay." Halos humagulgol nako ng iyak habang nasa harapan pa'rin ako ng doctor.
"May chance pa hija. Pero malaki ang halagang kakailangan na'tin para sa operasyong ito pati na 'rin sa kakailangan mo para magpagamot." Pakiramdam panandaliang huminto ang hanging dumadaloy sa katawan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko nawalan na ako ng pag asang manatili sa mundong ito. Nagpapatawa ba siya? Kahit buong buhay akong magtrabaho sa pagkanta sa bar hinding hindi ko makukuha ang malaking halagang kakailanganin niya.
"At kahit maisalang kita sa operasyong iyon ay alam mong 50/50 pa rin ang chance na malagpasan mo iyon kaya hindi ko maipapangako sa'yo ang lahat. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maging successful lang ang operasyon. Napakarami ko ng naging pasyente na sumalang sa ganyang operasyon pero tanging iisang tao pa lang ang kilala kong nakasurvive at gusto ko na ikaw ang pangalawang taong makakalampas sa sakit na 'to. Sa ngayon ay kailangan mong mag radiation therapy."
"No doc. Ayoko po.." Mabilis na sagot ko. Ayoko.
"Okay hija, I won't force you. but I'll give you painkillers for you to endure the pain. But audrey there will come a time, that even painkillers won't have an effect." Malungkot na sambit ng doctor saka na nya ibinigay saakin ang mga painkillers at isang papel kung saan nakalagay ang resulta ng naging test nya sa akin kanina.
Kahit sobrang hirap at sakit ng nararamdaman ko ay pinilit ko pa ring magtanong sakanya. "D-Doc hindi po ba p-pag nasa stage 3 na ang sakit ng isang tao ibig sabihin medyo malala na ito?"
Tanong ko at tumango lamang siya. Pumikit ako at hinayaan ko lang umagos ang mga luha ko. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Binuhos ko lahat ng aking lakas ng loob upang muling tanungin ang doctor.
"Magkaka t-taning na po ba ang b-buhay ko?" Diretsong tanong ko sakanya habang tuloy tuloy ang agos ng mga luha ko.
He sighed "Honestly speaking, ayon sa kalagayan mo ngayon we could prolong it for 12weeks kung hindi ka mao-operahan kaagad." Hindi na ako nakapag salita ng sabihin niya iyon.
Tumayo na ako at nagpaalam na sakanya.
'Miss Rodriguez, you have a Glioblastoma Multiforme. You have a malignant brain tumor. Stage 3.'
'Miss Rodriguez, you have a Glioblastoma Multiforme. You have a malignant brain tumor. Stage 3.'
Pa ulit ulit kong naririnig ang salitang 'yon sa utak ko habang hawak hawak ang papel na kanina pa basang basa dahil sa luha ko.
Habang naglalakad ako ay nakarating ako sa lugar na matagal ko ng hindi napupuntahan.
'Rodriguez Restaurant'
Pumasok ako sa loob ng walang pag aalinlangan, dahil alam ko na hindi na rin naman sila mommy ang may-ari nito kundi sila summer na.
Pagpasok ko ay kitang kita ko sa mga mata ng staff ang pagkagulat na makita ako. Hindi na ako nagtaka dahil alam ko na kilala nila ko.
Umupo ako sa isang table, kung saan matatanaw mo doon ang mga building na kalapit sa restaurant na ito.
Iyak pa rin ako ng iyak habang nakaupo. Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa mesa habang nakapatong doon ang mga kamay ko.
Lumipas ang sampung minuto ay nandito pa rin ako at walang pagbabago ang itsura ko at iyak pa rin ako ng iyak.
"Excuse me?" Nabigla nalang ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na yon na nanggaling sa tabi ng upuan ko.
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at laking gulat ko ng makita ko doon si...
"Summer?"
Mahinang sambit ko, pero hindi pa natatapos ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang mga kasama niya. Halos malaglag ang panga ko sa gulat ng makita sa likod nito ang parents ko kasama ang mga kapatid ko. Napansin ko 'rin na nandoon ang ilan sa mga kaibigan ni kuya kevin.
Halos maramdaman ko ang literal ma pagpiga sa puso ko ng bigla nalang bumalik sa isip ko ang sinabi ni summer noon.
She's adopted.
S-Si summer ang inampon nila mommy?
BINABASA MO ANG
Pain and Regret
Short StoryI was a mess, the unwanted child. A girl who tried her best to be on top but still failed. I failed as a daughter as well as a person. Welcome to the cruel world, Audrey Rodriguez. Story Started: May 13, 2013