anong nangyari sa ating dalawa

31 3 2
                                    

Nagsimula ang lahat sa salitang "mahal mo ako" pero nagwakas ang forever nating dalawa nang sabihin mong "ayaw mo na" .
Ang sakit sakit! At habang tumutulo ang luha ko, napapasigaw ang isipan ko ng tanyag na linya sa kanta ni April Boy Regino na "hindi ko kayang tanggapin na ayaw mo na sa akin!"
Marami akong tanong na nais sambitin. Ano nga bang nangyari sa ating dalawa? Nasaan na ang mga pangako mo noong sinusuyo ako? Sawa na nga ba sa aking lambing? Ano pa ba ang kulang para manatili ka sa piling ko... Mali ba na minahal kita ng sobra? Nasasakal ka na nga ba sa pag-ibig ko? Kung ayaw mo ng sobrang pagmamahal, paano mo ba masasabing sapat lang ang pagmamahal na ibinibigay ko....

Gulong-gulo ako. Tapusin ko na kaya ang buhay ko para hindi ko na maramdaman ang sakit. Para hindi ko na maranasan ang mga gabing tulad ngayon na mailap sa akin ang antok. Para hindi ko na maranasan ang namumugtong mga mata dahil sa awtomatikong pag-agos ng mga luha. Pero kung mamatay na ako, mawawalan na rin ng saysay ang salitang "pag-asa",at least habang humihinga ako,kakapit ako sa salitang yun para mapaniwala ko ang sarili kong mangyayari din ang forever natin sa tamang panahon pero paano kung hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Natatakot akong harapin ang bukas nang mag-isa dahil kahit minsan,hindi ko naisip na posibleng talikuran mo ako. Natatakot ako sa mga darating na araw na mawawalan na ako ng ganang mabuhay dahil binitawan na ako ng taong kabuluhan ng buhay ko.

Ayoko nang magmakaawa,ayoko na ng awa mo. Ayoko na awa ang dahilan para manatili ka sa tabi ko kaya kahit gaano kasakit,pinapalaya na kita....

Ano nga bang nangyari sa ating dalawa? Wala akong maisagot kundi luha.

PAGTALIKODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon