pagsuko

9 3 0
                                    

Bawat segundo,minuto, oras at araw na lumilipas ay napupuno ng pangungulila ang puso kong nasasabik na makita ka, mayakap ka,marinig ang boses mo at masabi sa iyo kung gaano kita kamahal kahit na sumuko ka na. Ang puso ko'y binabalot ngayon ng pait, pasakit at kahungkagan. Hinihiling ko na lamang na wag tuluyang bumigay ang utak ko na nais alisan ng ulirat. Oo, isang hakbang na lang at patungo na ako sa mundo ng kabaliwan. Pero sana nga naluka na lang ako upang matakasan ko ang realidad, upang matakasan ko ang sakit sa kaibuturan ng aking puso.
Ang pagmamahal ko ay para sa iyo ay mananatiling wagas at dalisay bagama't binitawan mo na ako. Alam kong patuloy akong masasaktan hangga't hindi kita pinapakawalan sa puso ko ngunit pormal man kitang pinalaya sa salita pero hindi ko magagawang kalimutan ka. At hangga't nabubuhay ako,mamahalin kita nang patago. Sasarilinin ko ang sakit. Lulunukin ko ang pait pero sasaya din ako sa lihim kong pagtatangi sa iyo.
Kahit ayaw mo na sa akin,kahit hindi mo na ako mahal, hindi ako titigil na mahalin ka at habambuhay kitang mamahalin ng walang katapusan.

PAGTALIKODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon