Noong una,hindi naman agad kita minahal, gaya nang hindi ko rin naman pinilit ang puso kong mahalin ka pero dahan-dahan kitang minahal nang paunti-unti hanggang maging buo ang pag-ibig kong iyon. Sa paglipas ng panahon, lumago ito hanggang dumating sa puntong sobra-sobra na yung pagmamahal na yun...yun din yung mga panahong pinaramdam mo sa akin na balewala na ako sa iyo, na wala lang sa'yo ang iniisip ko,ang nararamdaman ko o kahit ano pa ang ginagawa ko. Pakiramdam ko,ako na lang ang nagmamahal,ang umuunawa at nag-aalala. O nasakal ka na nga ba at nagsawa sa pagmamahal ko kaya tuluyan ka nang nagbago palayo sa akin.
At habang gusto kong patunayan sa iyo na may forever,desidido ka ring patunayan sa akin na salita lang yun. Kaya ayun, tinapos mo ang lahat para ipamukha sa akin na panalo ka sa pagtatalo natin. Oo, pinatunayan mong walang forever para sa iyo pero mali ka,dahil may forever para sa akin. Dahil kung tama ka, bakit hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita.... hanggang wakas,mamahalin kita katulad ng kahapon,kanina at ngayon....
Sobrang mahal na mahal kita...hindi mo man ito marinig mula sa labi ko, hindi mo man ito mabasa, naniniwala akong maipararating ito ng puso ko sa puso mo nang hindi mo namamalayan....
BINABASA MO ANG
PAGTALIKOD
Randomnaisipan kong isulat ito sa tindi ng emosyong nadarama ko na nilikha ng pagtalikod sa akin ng taong buong puso kong minahal... nasaan man sya ngayon,hindi mo man mabasa ito, hanggang sa mga oras na isinusulat ko ito,hindi pa rin nagbabago ang damdam...