Kahit na humanities time...kahit nasa loob ako ng klase....kahit na ilang minuto na lang,quizz na naman,lumilipad pa rin ang isip ko patungo sa iyo ngunit sa kasamaang palad,hindi ka maabot ng isipan ko. Nasaan ka na ba? Masaya ka na ba na walang ako na nangungulit sa iyo? Nasaan ka na ba? Namimiss na kita...sobrang miss na miss na kita....Ewan ko ba sa sarili ko, bakit hinahanap kita? Pinalaya na kita pero nais ko pa ring lumipad kasama mo. Pinalaya na kita pero nais ko pa ring hawakan ang palad mo at titigan ang mga mata mo habang sinasambit ng labi kong 'andito lang ako palagi para sa iyo!'
Ewan ko ba kung bakit nais na namang kumawala ng luha sa sulok ng aking mata. Marahil, nangungulila lang talaga sa iyo ang puso kong nanabik na marinig ang boses mo lalo na kung sasabihin mong ako pa rin ang mahal mo.Naaawa ako para sa sarili ko dahil sinabi ko lang na pinapalaya kita pero sa puso ko alam kong mananatili ka magpakailanpaman. Naaawa ako sa sarili ko dahil kahit ang panahon, pinagdadamutan ako ng pagkakataong iwan ang nagdaan at magpatuloy nang malayo sa alaala ng wagas kong pag-ibig para sa iyo...yun ay dahil inakala kong kasabay nang pagkawala ng pag-ibig mo sa akin ay inakala kong magiging alaala na lang din ang pag-ibig ko sa iyo ngunit nagkamali ako dahil kahit segundo,hindi ito nawala sa puso ko kaya paano ito magiging alaala kung palagi lang itong nasa puso ko.....
Kung malaya lang akong sabihin sa iyo,hindi ako magsasawang ipahayag sa iyo kung gaano kita kamahal.....mahal na mahal kita mula ngayon hanggang sa simula....Opps,get one fourth na....till next time,till our hearts unite again!
BINABASA MO ANG
PAGTALIKOD
Randomnaisipan kong isulat ito sa tindi ng emosyong nadarama ko na nilikha ng pagtalikod sa akin ng taong buong puso kong minahal... nasaan man sya ngayon,hindi mo man mabasa ito, hanggang sa mga oras na isinusulat ko ito,hindi pa rin nagbabago ang damdam...