....na ang lahat ng sakit ay mapapawi sa isang ngiti mo lang...na ang lahat ng luha at sakit na pinagdaanan ay agad nalimutan sa isang ngiti mo lang....
Hindi ko alam kung ano ang pwedeng itawag sa akin na pagkatapos ng lahat ay handa kang tanggapin sa buhay ko na para bang hindi mo ako pinaluha, pinabayaan, sinaktan, binalewala at sinaksak ng paulit-ulit,na parang hindi mo pinatay ng paulit-ulit ang puso kong labis na nasaktan at umasa.
Heto ka na naman....sa isang ngiti mo, inaanyayahan akong yakapin at hagkan ka at patawarin ka sa libong luha at ibayong sakit na ipinaranas sa akin... sa mapaglaro mong ngiti na alam kong hindi nangangako ng magandang bukas o ng langit sa piling mo...
Ngunit bakit ganun,heto ako... sobrang nagmamahal pa rin sa iyo at pikitmatang ilalahad ang dalawang braso para yakapin ka patungo sa kawalan...
BINABASA MO ANG
PAGTALIKOD
Randomnaisipan kong isulat ito sa tindi ng emosyong nadarama ko na nilikha ng pagtalikod sa akin ng taong buong puso kong minahal... nasaan man sya ngayon,hindi mo man mabasa ito, hanggang sa mga oras na isinusulat ko ito,hindi pa rin nagbabago ang damdam...