Hanggang

8 3 0
                                    

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak....
Hindi ko alam kung paano ako makatitiyak...
Na sa bawat luha ko, mauubos ang pagpatak
At mabubura sa puso ko ang mukha mong nakatatak

Nais ko nang lumaya at lumipad ng walang humpay
Nais ko nang iwan sa nakaraan ang lahat ng lumbay
At harapin ang bukas na ang tatag ay pinanday
At ihanda ang sariling abutin ang tagumpay

Hanggang kailan ako titingin sa kawalan
Aasa't hihiling na iyong balikan?
O eto na nga ba ang hangganan
At lahat ay kailangan nang tuldukan?

O ikaw ay buong puso kong minahal
Inialay sa iyo katapatan ko't dangal
Ngunit salitang 'ayaw mo na' sa akiy sinampal

PAGTALIKODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon