10. Ferris Wheel Part One

51 10 1
                                    

Ruki.

It's been a week since nung last shooting. Hindi na muna kami nag-shoot dahil sa dami ng sched namin. Isa pa, ang sabi ni Manager Han, sa sobrang dami daw ng mga gagawin namain for the next few months, dapat da magkaroon muna kami ng BREAK.

Kaya eto, pa-easy easy muna SILA. Yup, di ako kasama, hindi naman kasi madali yung sitwasyon sa dorm. Sila lang masaya eh! Kaya eto, dahil sa kesyo hindi daw ako masaya at dahil BATA daw ako, eto kami ngayon, papunta sa theme park.

"Ayiiie! Sasaya na yan si Ruki, pupunta ng theme park!" Inirapan ko si Sehun at Baekhyun nang tawanan nila ko. Hindi ko naman kaya naisip na magpunta sa theme park, haler? Hindi kaya ako napunta sa ganon.

"Sus, kunyari pa kayong dalawa, kayo naman talaga yung gustong mag-theme park ginawa nyo lang akong excuse." Sagot ko pero tinawanan lang nila akong dalawa. Mga abnormal talaga 'tong mga 'to.

"Ruki, samahan mo ko mamaya dun sa may swan ha, sakay tayo dun." Bulong ni Tao kaya naman bigla akong natawa. Napatingin tuloy silang lahat sa 'kin. Hindi ko sila pinansin at tiningnan si Tao. Ang girly talaga nitong bff ko na 'to.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko sa kanya at sinimangutan nya lang ako habang niyayakap nya yung kulay blue ko na teddy bear. Oo akin yun, kaso inangkin nya na. Ang cute daw kasi, mangaagaw yan eh! Haha, charot lang. "Okay, basta ililibre mo ko ng mojos ha." Sabi ko at tumango naman sya.

Tiningnan ko ang oras at pass eight pm na pala. Tiningnan ko rin yung mga kasama ko at nakitang tulog sila ako, si Tao, si Baekhyun, at Sehun lang ang gising. Lagi kasi silang puyat kaka-laro ng PS3. Mga adik.

"Ruki, coffee oh!" Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Suho hyung. Gising pala sya?

"Thanks hyung." Bulong ko para hindi magising yung mga nasa gilid ko.

"Ru, nasabi na ba ni Luhan sayo?" Napatigil ako sa sinabi ni Suho hyung kaya naman napalingon ako sa kanya.

"W-wala po. Ano po bang dapat nyang sinabi?" Tanong ko pero naramdaman kong tinapik nya ang balikat ko.

"Wala." He said tapos hindi ko na sya narinig pang nagsalita pa. Bakit ang weird nya ata ngayon?

Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman kong tumigil na ang van na sinasakyan namin.

"HOY MGA TAO GISING NA NANDITO NA TAYOOO!" Sigaw ni Chanyeol hyung kaya naman halos mapatalon ang lahat ng members na mahimbing na natutulog dahil sa lakas ng boses nya.

"Ano ba Yeol?! Bat naman kailangan mo pang sumigaw? You ass." Bwisit na bwisit na sabi ni Kriseu.

"Chill lang Kris, masyado kang hot." Si Chen-shii kaya naman napailing na lang kaming lahat.

"Tara na baba na tayo." Sabi ni Kyungsoo hyung kaya binuksan na ni Sehun ang pinto ng van at isa-isa na kaming bumaba.

Nasa loob na kami ng theme park nung biglang tumigil sa paglakad nang tumigil si Suho hyung at Kriseu. Napatigil din tuloy kami at tiningnan sila mula sa kinatatayuan namin.

"Hyung anong meron? Ayaw nyo nang sumama?" Tanong ni Lay hyung kaya binalikan namin sila. Nauna kasi kami dahil hindi namin napansing hindi na pala sila nakasunod sa 'min.

"Masyadong malaki ang theme park para sa twelve na tao.." Suho hyung said and stared at me. "That's why we'll go in partners, by twos." Sabi nya ta nagkatinginan kami ni Sehun. Pareho na lang kaming nagkibit balikat.

"Partner ko si Ruki!" Sigaw ni Tao at pinulupot ang braso nya sa braso ko pero mabilis na tinanggal yun ni Sehun at pumagitna sa 'min ni Tao.

13th Member On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon