Rukia."Henelise.." Nagising ako sa mahinahon na boses ni Taehyung.
"Hmm?" I said pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Inaantok pa ako eh!
"Wake up, it's already seven in the evening. Let's eat." Binuksan ko ang mga mata ko at sinalubong ako ni Taehyung ng sobrang gandang ngiti. "Morning beautiful. Kahit gabi na." I chuckled.
"Hahaha. Kain na tayo? Ngayon ko lang naramdaman na gutom pala ako." Sabi ko at tumawa naman sya. "Ba't ka natawa?"
"Hahaha! Wala, ang cute mo kasi. Fix yourself, I'll wait for you outside."
"Alright." I whispered bago ko binagsak ulit ang sarili ko sa kama. Pipikit na sana ulit ako pero naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ko. Napaupo tuloy ako at tiningnan ang phone ko.
Pagkabukas ko nun ay napangiti ako. Picture kasi namin ni Luhan yung wallpaper ko. Hayst, miss ko na talaga sya. Kelan kaya sya babalik?
Natigil na lang ang drama ko nang mapansin kong may text pala ako.
From: Xi Lu Han
See you. =)
Napataas ang kilay ko sa text nya.
To: Xi Lu Han
Huh? What do you mean?
Send.
Hinintay kong mag-reply sya pero hindi na sya nag-reply. Ano naman kayang ibig nyang sabihin sa see you nya?
"Teka, hindi kaya.." Tumayo agad ako at kumaripas palabas. Wala na dun si Taehyung kaya naman dumiretso na ako sa cottage kung nasaan silang lahat.
"Nandito ba si Luhan?" Humahangos na tanong ko sa kanila. Napatigil silang lahat at tumingin sa isa't-isa.
"Huh? Wala, san mo ba nakuha 'yang idea na yan?" Si Lay hyung na parang natatawa pa na ewan. I pout.
"Alam mo Ruki, gutom lang yan. Ikain mo na lang." Sabi ni Jungkook kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. Napansin ko na lang na wala pala dun si Minseok hyung at si V. Huh?
"Asan si V?" Tanong ko ulit.
"Ewan, di ba kayong dalawa ang magkasama?" Tiningnan ko si Jimin na walang sawang kumakain ng kimchi.
"I think I saw him talking to Minseok hyung." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Sehun.
Kelan pa sila naging close aber?
"Saan?" Tanong ko.
"Ang dami mong tanong. Kumain ka na nga lang dito. Daldal mo eh!" Hinila ako ni Chanyeol hyung at pinaupo ako sa gitna nila ni Baekhyun hyung.
Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang mapaisip. Kelan pa sila naging close? Ang alam ko naha kasi medyo ilang si Taehyung kay Minseok hyung..
Kaya pano nangyaring..
"Ayan na hinahanapo oh!" Narinig ko na lang na sabi ni Tao kaya naman napatingin ako sa likod ko. Nakita ko silang dalawa.. si Taehyung at Minseok hyung na naglalakad. Ngumiti sa 'kin si Taehyung , I smiled back at tiningnan si Minseok hyung perp sa ibang direksyon sya nakatingin.
Maingay silang nakain pero nananahimik lang ako. Tiningnan ko si Minseok hyung na nakatingin pala sa 'kin. My eyes widened a little bit when our gazes met.. Hindi nya inalis ang pagkakatitig nya sa 'kin kaya naman ako na mismo ang tumungo para umiwas.

BINABASA MO ANG
13th Member On Hold
Hayran KurguA work of pure fiction. Hoping to make a book where all of our most favourite k-pop groups are included, this is not just about EXO, this book also includes BTS, GG, 2ne1, Big Bang, Super Junior, SHINee, etc. They will appear in the story one by one...