7. FriDATE

67 12 3
                                    


V's Point of View

Matyaga akong naghihintay sa isang coffee shop. Ang tagal naman nung babaeng yun. Ano? Kinain na ba sya ng lupa? Sabi ko one pm, magtu-two thirty na wala pa.

I dial her phone number at sinagot naman nya agad yun.

["Hello?"] Sabi nya kaya naman napasapo na lang ako ng noo ko. Calm pa sya ah! Samantalang kapag sya tumawag at alam kong late na ko halos liparin ko na papunta sa kanya.

"Ruru, kinain ka na ba ng lupa? Asan ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Malapit na, park ko na lang 'tong kotse." Sabi nya at binaba na yung tawag. Maya-maya ay nakita ko na yung kotse nya na nag-park.

Mabilis syang lumabas at pumasok sa loob ng shop. Nakita naman nya agad ako at saka sya lumapit sa 'kin.

"Sorry." Sabi nya tapos ininom yung frap na ininuman ko na kanina habang naghihintay ako sa kanya.

"Nainuman ko na yan. Kadiri ka Ruru." Sabi ko sa kanya pero inismiran nya lang ako.

"Ang arte mo V, parang others." Hindi nya na binalik yung frap sa 'kin at sya na ang uminom. Ibang klase talaga  'tong babaeng 'to. "Tara na. Gutom na ko eh!" Sabi nya sabay hila sa 'kin palabas ng shop. Naglakad lang kaming dalawa. Naka-disguise naman kaming pareho kaya walang makakapansin sa 'min.

Tumigil kami sa isang ramen house dahil sinabi nyang gusto nyang kumain don. Um-order sya ng isang bowl sa  kanya at para sa 'kin.

"Bakit ka ba late?" I asked her habang busy sya sa pagtanggal ng hipon sa pagkain nya. Tinulungan ko na sya sa pagtanggal nun at saka ako yung kumain.

"Galing kami ng Japan. Kakabalik lang namin." Sabi nya habang iniisa-isa yung pagtanggal sa mga hipon.

"Tsk, sana sinabi mo." Umiling lang sya at saka umayos ng upo. Kumain na lang din ako.

"V.." Tiningnan ko sya at nasa harap ko yung chop sticks nya na may hipon. "Kainin mo nga. Bili." Sabi nya at sinubo ko naman agad yon.

"San mo gustong pumunta after?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya at kumain na lang ulit.

◇◇★◇◇

"Bilisan mo pa! Bilis!" Sabi nya habang mahigpit na nakahawak sa bewang ko. Adik talaga 'tong babaeng 'to. Overspeeding na kaya kami kanina pa!

"Bawal na, baka mahuli tayo." Sabi ko at binagalan yung takbo ng bike. Niyaya nya kasi akong mag-bike pagkatapos naming kumain.

"Aish!" Protesta nya pero maya-maya ay nanahimik na rin.

Pabagal na ng pabagal yung pagpapatakbo ng bike nung bigla syang nagsalita.

"V, masaya ka ba?"  Tanong nya na pinagtaka ko naman.

"Syempre naman. Bakit? Ikaw ba hindi?" Imbis na sumagot ay sinusob nya na lang yung mukha nya sa likod ko.

"Ewan ko. Iisa lang naman kasi yung problema ko eh!" Sabi nya na ipinagtaka ko naman.

"Ano ba yun?"

Ruki's Point of View

Hindi ko sya sinagot. Kung pwede lang sabihin na si Minseok hyung ang problema ko. Kaso hindi eh. Cannot be.

"Wala." Sabi ko. Lying. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin sya nakakausap. Hindi ko alam kung anong meron ba't di ko keri.

"Ruru, gusto mo ba ng ice cream?" Sabi nya. Tumango ako.

"Sige, basta libre." Tumawa na lang sya at nag-drive ng bisikleta hanggang sa Dairy Queen.

Bumili kami ng ice cream na cookies and cream at vanilla.

"Ruru, tara." I look at him.

"Saan?" Ngumiti sya at tinuro yung mamang maraming dalang lobo. Tapos bigla na lang nya akong hinila papunta don.

"Kuya, bibilhin ko lahat." Sabi nya na ikinagulantang ko.

"Hoy, baliw ka na ba? Anong gagawin mo sa sandamukal na lobo?" Saway ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin. Nung binigay yung lobo sa kanya inabot naman nya sa 'kin yung kalahati. Then niyaya nya kong mag-boating.

Nasa gitna kami ng dagat habang hawak pa rin namin yung sangkatutak na lobo.

"Pagbilang ko ng three bitawan natin lahat ah!" Sabi nya. Um-oo na lang ako.

"One.."

"Two.."

"Three!" Sigaw nya at sabay naming binitawan lahat. I look at him at para syang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay nya.

Kasabay ng paglipad ng mga lobo ay ang paglubog ng araw. Our eyes met, then he suddenly spoke.

"Ruru, kausapin mo na si Minseok hyung."

To be continued..

A/N

#LameUD

Sarreh, sabog na sabog na di author ehh..kay Eun_Mi_192612 nga pala for you yung next chapter na pag-eeffortan ko talaga ng todo. Natutuwa kasi ako sayo eh! Haha. -ruki with ♥♡♥♡

13th Member On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon