This is my first Tagalog story, I've thought of making this for like, hundred times hahah!
So, here it is, please be with me 'til the last chapter, enjoy! Sana magustuhan niyo. :)
- Monick
*******
Unang araw ng Masteral class ko, pumasok ako sa silid at bumungad sa akin ang malalaki at mahahabang lamesa na kulay light brown at mga puting upuan na nakahilera sa tapat ng mga ito, sa harapan makikita ang nakabukod na isang mesa at upuan na panigurado ay para sa guro, sa likod nito ay ang napakalaking white board.
Nagsimula akong maglakad para maghanap ng mauupuan, nang makaupo ako ay tiningnan ko ang paligid, napakalaki ng silid na ito, kung pupunuin ay kakasya yata ang halos pitompung estudyante, mayroon ng mga nauna sa'kin pero tatlo lang sila. Napaaga yata ako.
'Di katagalan ay dumami din kami at nabasag ang katahimikang bumabalot sa silid, maya-maya ay may isang matangkad na lalaking pumunta sa mesa ng guro, siya na yata ang professor namin, nakasuot siya ng itim na short-sleeved polo na humuhubog sa matikas na katawan niya at khaki na pantalon, maganda ang tindig nito at may kutis na parang isang modelo, nakuha ang atensyon ko ng mga mata niyang singkit at kulay grey, itim ang buhok nito na natatakpan ang noo, matangos ang ilong at pula ang mga labi, palagay ko ay may iba siyang lahi, ang bata pa niyang tingnan para maging isang guro ng Masteral class, binati niya kami.
"Good morning, guys! How are you?" nakangiting tanong nito. Nagsi-sagot ang lahat bukod sa'kin, dahil sa pagkakatitig ko sa kanya.
Guys? Ang cool naman ng professor na 'to, ang ganda niyang ngumiti, may maliit na dimple sa kaliwang gilid ng labi, mapuputi din ang ngipin na parang nasa commercial ng toothpaste.
Natawa ako sa sarili ko, bakit nga ba parang masyado ko siyang inoobserbahan?
Napaupo ako ng tuwid at medyo lumaki ang mga mata ko ng tumingin siya sa'kin ng malalim at mawala ang ngiti niya, nagulat ako sa seryosong tanong nito, "Before we start, I want to ask you, who is God? In your own words."
May mahabang katahimikan nang may nagtaas ng kamay at sumagot, halos kalahati din ng klase ang nagtaas ng kamay, iilan ang natawag para sumagot, nang matapos na sila, nagtanong ulit ang professor, "Any other answers?" Sumagi ulit ang tingin nito sa akin na tila ba pinipilit niya 'kong sumagot. Para akong kinukuryente sa tuwing nagkakatinginan kami, mayroong kakaiba sa kanya na hindi ko masabi kung ano at tila ba nagkita na kami dati. Sino nga ba 'tong lalaking ito? Maysado ko yatang binibigyang kahulugan ang mga kilos nya.
Napailing ako sa naisip ko at kusang nagtaas ang kamay ko, ibinaling ulit niya ang tingin sa akin at tumango, dahan-dahan akong tumayo at kinakabahan.
"God is..." Napabuntong-hininga ako at napalunok bago mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin, naba-blangko ako sa mga tingin niya.
"God is our Almighty Father..." Pinagpapawisan ako at kumakabog ang dibdib dahil sa sensitibong tanong na ito. "God is our saviour, He washes away our sins. He can turn our lives into something better 'coz He loves us unconditionally and unceasingly. God owns everything, even the skies, but still, He wants our hearts. God wanted us to be with Him in heaven and it breaks His heart seeing us lacking of faith in Him." Hindi ko namalayan ay may tumulo na palang dalawang patak ng luha sa mga mata ko. Kinagat ko ang aking labi at nagpatuloy sa pagsagot ngunit naputol ito nang may matandang lalaki na pumasok sa silid at ang lalaking nasa harapan ay naglakad patungo sa amin, papalapit sa akin.
Nagulat ang lahat nang nagsalita ang matandang lalaking nakasalamin, naka-long sleeve ito, itim na slacks at sapatos, inayos nito ang salamin at nagsalita, "Good morning, class." Seryosong bati nito. Gulat na gulat ang lahat at tumingin sa lalaking nagsalita kanina sa harapan, at mas nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko, bakante din kasi ang upuan na 'yon. Iba-ibang tanong ang sinabi ng lahat, ang iba naman ay walang pakialam.
"Bakit kailangan mong gawin 'yon?"
"Kala namin ikaw yung prof. namin."
"Cute siya, mas okey ng classmate na lang natin siya."
"Ang gwapo niya sa malapitan!"
"Papansin."
"Walang magawa 'tong taong 'to."
Nang magsalita ulit ang tunay na professor namin ay tumahimik ang lahat, nagsasalita siya at nagpapakilala pero lumulutang ang isip ko, pinagpapawisan pa rin ako at malamig ang noo. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'kin itong lalaking nasa harapan kanina, nakangiti siya. Sino ba talaga 'tong lalaking 'to? Nang-laki yung mga mata ko nang nagsalita siya, malamig ang boses nito.
"Nakita din kita."
BINABASA MO ANG
Chasing Cassie (Filipino Version)
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang mabuhay sa bangungot ng nakaraan? Na kahit anong gawin mong pagtakas ay pilit kang hinahabol nito? At pati ang mga pagkakataon sa buhay at ang mga tao sa paligid mo ay tila ba hinihila ka sa masamang nakaraang iyon? Maaaring mab...