Chapter 2

47 1 0
                                    

6:45AM
Lunes ng umaga nang magising ako sa tawag ni Kyle, tinawagan ko kaagad ang boss ko para mag-abiso na hindi ako makakapasok. Nagpa-schedule si Kyle ng dinner date para sa'ming dalawa pero sa kagustuhan kong makasama kaagad siya at palipasin ang buong araw kasama siya eh naisipan kong magpasundo sa kanya ng ganito kaaga at magpunta sa kung saan man kami dalhin ng mga paa namin.

Nang matapos akong maligo ay nagsuot ako ng asul na tank top na ang haba ay hanggang sa ibabaw ng pusod ko at puting shorts na tinernohan ng itim na gladiator shoes, umupo ako sa harap ng dresser at naglagay ng simpleng make-up, pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer. Habang hinihilot ang anit ko ay nakapa ko ang pahaba at magaspang na parte ng ulo ko sa bandang likuran, sinubukan kong tingnan ito gamit ang dalawang magkatapat na salamin, isang pilat na hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung pa'no ko nakuha, tinanong ko dati kay mama kung saan nanggaling ito pero ang sabi niya lang ay nakuha ko ito nung nagpaayos ako ng buhok noong nasa Canada pa 'ko.

Siguro ay nagtataka ka kung bakit hindi ko 'to maalala, nagkasakit kasi ako ng malubha nung nag-aaral pa 'ko sa Canada at na-confine ng ilang buwan, dahil sa dami at iba-ibang gamot na natanggap ng katawan ko ay naapektuhan ang memorya ko, may mga ala-alang natatandaan ko lang kapag may nagpapa-alala sa'kin at ang iba naman ay tuluyan ko nang nalimutan.

Nang matapos ako ay tinawagan ko si Kyle pero walang sumasagot kaya naman nag-send na lang ako ng message:

"Hon, I'm ready. Na'san ka na?"

Lumipas ang 30 minutos na wala pa din siyang paramdam, lulusawin yata ng lalaking yun ang make-up ko bago ako sunduin eh, nabu-bwisit na 'ko.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan, wala pa ding sagot. Humiga muna ako sa kama at nanood ng palabas sa TV pero hindi ko naiintindihan ang palabas, nakatulala ako sa TV pero lumilipad ang isip ko, nakakaramdam na din ako ng antok.

Ilang minuto pa ang nagdaan at nag-iba ang pakiramdam ko, para bang may ibang presensya sa paligid at nakatingin sa akin pero ako lang naman ang mag-isa sa kwarto, maya-maya ay nagulat ako nang biglang bumukas ng dahan-dahan ang pinto na sadyang nakapagtataka dahil naka-lock naman ito at sigurado akong ni-lock ko ito. Hindi ko magawang tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto at kung sino man ang papasok dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko maski ang paningin ko. Naaninag ko sa sulok ng mga mata ko ang pigura ng isang lalaki nang makaramdam na 'ko ng takot.

Tulong!

Pinipilit kong sumigaw ngunit hindi bumubukas ang bibig ko at walang tunog na lumalabas dito, nagsimulang maglakad ang lalaki ng dahan-dahan magmula sa pinto.

"Cassie." Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa pagbigkas niya ng pangalan ko, napakalalim ng boses nito. Papalapit na siya ng papalapit sa paanan ng higaan ko, nakasuot ito ng jacket na pula at t-shirt na puti, sino ba 'tong lalaking 'to at pa'no siya nakapasok sa kwarto ko ng ganun-ganun na lang? Huminto ang lalaki sa paglalakad nang makarating siya sa paanan ko, tanging mga daliri ko lang sa paa ang naigagalaw ko ng kaunti. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Kailangan kong gumalaw bago siya gumawa ng hindi maganda, baka rapist ang lalaking 'to o kaya naman ay magnanakaw, pwede ring serial killer siya at nauna niya nang tapusin ang buhay ng mga kasama ko rito sa bahay kaya madali siyang nakapasok dito.

"Mga batong nababalutan ng ginto, haplos ng mga kamay na may bahid-dungis. Maging alisto. Imulat ang mga mata." Muling sabi ng lalaki. Hindi ko maintindihan, anong ibig niyang sabihin?

Unti-unting humarap ito sa akin at tuluyan akong nabalutan ng takot nang makita ko ang mukha nitong duguan, dugo na nanggaling sa noo nito na tila ba may tama ng baril, napansin ko din ang pulang scarf na hawak nito sa kanang kamay niya. Pinilit kong sumigaw at i-padyak ang mga paa ko pero hindi pa din ako makagalaw. Napaluha ako nang sumampa ito sa higaan, pagapang sa akin.

Chasing Cassie (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon