"I'm engaged!"
Punong puno ng kagalakan ang hiyaw ko sa mga kaibigan ko sa office habang ipinapakita ang engagement ring sa daliri ko. Nagsigawan silang may kasamang kilig nang makita ito, ang iba naman ay tinitigan itong mabuti. Ako na yata ang babaeng may pinakamahabang buhok sa panahong ito, ang swerte ko sa boyfriend kong napaka-sweet at maalaga, hindi siya nauubusan ng mga bagay na makakapagbigay ng kilig at saya sa akin. He's the perfect man for me. Ang maganda pa doon ay magkakaibigan ang mga magulang namin at gusto siya nila mama at papa para sa'kin.
Mababait at supportive na parents, protective at matalinong kuya, magandang buhay at career, at perfect boyfriend, wala na 'kong mahihiling pa. Oh! Correction: fiancé. Natawa ako sa sarili ko at hinawakan itong diamante sa singsing na suot ko.
Hindi ko malilimutan kung ga'no ako tinulungang bumangon ng mga magulang at fiancé ko sa pagkakalugmok mula sa nakasusuklam kong nakaraan, sariwa pa din sa isip ko ang pangyayaring 'yon kahit na matagal na ito at maayos na ako ngayon.
[Flashback:]
Pauwi ako galing sa training ko sa office, inaayos ko na ang mga gamit ko pauwi pati ang mga kalat sa table, malaki ang office at madaming table na nahahati ng mga asul na divider, ako na lang ang natirang empleyado sa department namin dahil napagpasyahan kong mag-overtime para tapusin ang mga tambak na trabahong kailangan kong gawin kaagad. Madilim na ang office at iisang ilaw na lang ang bukas dito, yun ay sa area ng lamesa ko. Nakakatakot ito kung titingnan, pero sa sitwasyon ko at sa kagustuhang matapos kaagad ang paperworks ko ay hindi na magawang sumagi sa isip ko ang takot.
Halos isang buwan na 'ko dito pero hindi pa din ako makapaniwala sa kumpanyang ito na tinatambakan kaagad ang gawain mo kahit trainee ka pa lang, kung minsan talaga kapag bago ka pa lang sa trabaho ay may mga lumang empleyadong aabusuhin ang mga bagong empleyado at wala kang magagawa kundi sumunod na lang. Hindi naman ako nagre-reklamo pero nakakaramdam din naman ako ng pagod. Napabuntong-hininga na lang ako sa pagka-dismaya.
Pagod na talaga 'ko, ipagpapatuloy ko na lang 'to bukas at mag-o-overtime ulit kung kinakailangan.
Pinatay ko ang aircon at hinubad ang blazer ko, kinuha ko na din ang bag ko at inayos ang gusot ng palda ko. Naglalakad na ako palabas ng office nang bumukas ang pinto ng dahan-dahan, tumapat ang isang anino ng lalaki sa sinag na nanggagaling sa labas ng office na makikita sa sahig. Pumasok ito sa silid. Sino naman kaya ang papasok sa office namin ng ganitong oras? Nagsi-uwian na ang mga katrabaho ko at ang iba naman ay nasa bar.
"Sino 'yan?" Tanong ko dito pero walang sagot, palagay ko ay siya ang janitor, wala man akong nakikitang dala nitong mga gamit na panglinis ay malakas ang kutob ko na siya ang janitor. "Kuya, ilo-lock ko na 'tong office, uuwi na po'ko, bukas ka na lang maglinis." Nakaramdam ako ng pangamba nang hindi pa din ito nagsasalita at isinarado ang pintuan ng office sa likod niya. "Kuya bakit mo sinarado, lalabas na 'ko." pinilit ko pa din umastang normal kahit na natatakot na ako.
Sino ba ang lalaking 'to?
Papalapit na 'ko at napansin kong hindi siya nakasuot ng uniform na pang-janitor. Office attire ang suot nito. Sinubukan ko ulit itong kausapin.
"Sir? Ano pong kailangan n'yo?" malakas na sabi ko habang tinatanaw ang mukha nito na hindi ko makilala dahil sa sobrang dilim.
Naglakad ang lalaki ng mabilis papalapit sa'kin, "Ikaw. Ikaw ang kailangan 'ko."
Hinawakan nito ang buhok ko at tinakpan ang bibig ko, nabitawan ko ang mga gamit na hawak ko. "Wag kang magkakamaling pumalag kung ayaw mong masaktan."
Hinila ako nito sa isang sulok at tinulak, napaupo ako sa sahig, lumuhod ito sa harap ko at tinulak akong muli, nakahiga na 'ko sa sahig, sinubukan kong tumayo pero tinulak niya ko ulit, wala akong magawa kundi umiyak na lang ng umiyak, "Wag...parang awa n'yo na..." Dinig na dinig ko ang paghinga niyang may kasamang pananabik habang hinuhubad ang coat niya. Sinubukan ko ding lumaban, pinagsisipa ko siya at pinaghahampas pero para siyang nasapian ng masamang espirito na hindi tinatablan ng sakit, tumatawa pa siya na nakadagdag ng takot sa'kin.
BINABASA MO ANG
Chasing Cassie (Filipino Version)
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang mabuhay sa bangungot ng nakaraan? Na kahit anong gawin mong pagtakas ay pilit kang hinahabol nito? At pati ang mga pagkakataon sa buhay at ang mga tao sa paligid mo ay tila ba hinihila ka sa masamang nakaraang iyon? Maaaring mab...