Ngayon na ang araw ng pag-uwi namin. Palubog na ang araw at nakaabang kaming lahat sa tapat ng rest house, kakatapos lang ding magbigay ng speech ni Sir Andrew para sa pagbabalik-trabaho namin. Habang hinihintay ang mga sasakyan ay may kanya-kanyang ginagawa ang bawat isa, may nagkukuhaan ng litrato, naghahabulan, naglilibot, bumibili ng mga pasalubong, at ang iba ay mga nakaupo lang din gaya ko, habang si Andrew naman ay nakikipag-usap sa caretaker ng bahay.
Kamusta na kaya si Kyle? Tama si Andrew, masyado lang akong nagiisip ng kung anu-ano. Nami-miss ko na siya.
Kasalukuyan kong tinititigan ang number niya sa contacts ko. Gusto ko siyang tawagan pero kinakabahan kasi akong baka babae na naman ang sumagot. Kyle please, 'wag mong gawin sa'kin 'to, prove me na mali yung iniisip ko. Hindi ko kakayaning malaman na niloloko lang niya 'ko, pero wala namang sapat na ebidensya kaya wala din siguro akong dapat ipag-alala.
Tinawagan ko si Kyle, wala pang tatlong ring at sinagot kaagad niya ito:
Kyle: Hello, hon? Bakit ngayon ka lang tumawag? (Maririnig ang lungkot sa tono ng pananalita niya.)
Cassie: Sorry, hinihintay mo ba yung tawag 'ko?
Kyle: Oo. Miss na miss na kita hon kung alam mo lang. Tamang-tama lang yung pagtawag mo. (Natatawa-tawang sabi niya.)
Cassie: Eh bakit hindi ikaw yung tumawag? Kung anu-ano na tuloy naiisip kong ginagawa mo d'yan.
Kyle: Alam ko kasing nage-enjoy ka d'yan eh, ayoko lang namang maistorbo ka. Nasabayan pa ng pinsan ko kaya nagmukha pa tuloy na nambababae ako.
Cassie: Sus! Pa'no naman ako mag-eenjoy kung lumilipad yung isip ko kakaisip sa ginagawa mo?
Kyle: Sorry hon, misunderstanding pala lahat, I'll make it up to you. Aalisin ko lahat ng negative thoughts mo.
Magsasalita pa lang ako nang putulin ni Kyle ang tawag. Ang bastos naman kausap nito ni hon. Napangiti ako at nakaramdam ng ginhawa ng pakiramdam dahil alam kong maayos pa din kami. Tinawag ako ni Kyle para ayusin ang appointments at schedule niya. Abala ako sa mga dokumento pero lumilipad ang isip ko kay Kyle.
Maya-maya ay napahinto ang lahat nang may dumating na itim na sasakyan at huminto malapit sa rest house, napatakip ako ng bibig at nanglaki ang mata sa sobrang pagkagulat. Tumayo ako sa harap ng rest house paharap sa kinaroroonan ng sasakyan. Bumaba ang driver nitong may dalang malaking bouquet ng flowers. Ang gwapo at makisig na driver nito.
Hinarap ako nito at sinalubong ng napakagandang ngiti, nangilid ang luha ko at nagsimulang maglakad patungo sa kanya.
"Sana kahit pa'no nabawasan yung negative thoughts mo ngayon." Nagsalita si Kyle nang makalapit ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang eksaktong nararamdaman ko at kung ano ang mga salitang gustong sabihin ng mga labi ko. Basta ang alam ko, mahal ko siya, kulang ang salitang 'salamat' sa pagdating niya at sa mga naidulot niya sa buhay ko. Wala na 'kong ibang gustong makasama habangbuhay kundi siya lang.
"Hon naman eh." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko at nagtakip ng mukha gamit ang dalawang kamay.
"Ba't ka umiiyak? Aren't you happy that I'm here?" Panunukso niya sa'kin.
"Baliw ka talaga." Nagpunas ako ng mga luha, kinuha ang bouquet at hinampas sa kanya. "Ibig sabihin habang kausap kita kanina malapit ka na pala? Ang daya mo, 'di mo man lang ako sinabihan." Niyakap ko ang bouquet at sumandal sa sasakyan.
"That would ruin my surprise kapag sinabi ko sa'yo...ang ganda pala dito noh?" Saad niya habang tinatanaw ang dagat at ang paligid. "Ito ba yung rest house? Nasa'n yung boss mo? Para maipaalam kitang sa'kin ka sasabay."
BINABASA MO ANG
Chasing Cassie (Filipino Version)
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang mabuhay sa bangungot ng nakaraan? Na kahit anong gawin mong pagtakas ay pilit kang hinahabol nito? At pati ang mga pagkakataon sa buhay at ang mga tao sa paligid mo ay tila ba hinihila ka sa masamang nakaraang iyon? Maaaring mab...