Chapter 7

29 1 1
                                    

Nakatayo ako sa pinto habang inaayos ni Andrew ang laptop niya sa mesa, hindi ko alam kung pa'no ako lalapit, para bang natatakot akong malaman ang katotohanan at may parte sa akin na baka tuluyan nang magbago ang lahat kapag nalaman ko yung totoo.

Pinagmasdan ko lang si Andrew sa ginagawa niya hanggang sa mag-on na ang laptop at hinila niya ang upuan sa tapat nito, "Ready na, halika dito." lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tawagin niya 'ko.

Mabagal akong naglakad papalapit sa kanya at naramdaman ang mga patak ng pawis sa noo ko pag-upo ko.

"It's okay, relax ka lang, be positive." Inabutan niya 'ko ng panyo at pinunasan ko ang noo ko.

Ni-login ko yung account ko sa Skype, may katagalan ang pag-loading nito dahil nga pocket wi-fi lang yung gamit namin.

Unang subok...

Login failed...

Pangalawang subok...

Login failed...

Pangatlong subok...

Login failed...

"Ugh! Sige na, sige na, pumasok ka na." Para 'kong baliw na nakikiusap sa laptop habang nanginginig ang mga daliri ko tuwing tina-type ang account ko. Tiningnan ko si Andrew at seryoso lang itong nakatingin sa screen, nababakas sa mukha niya ang determinasyong malaman ko din ang katotohanan.

Pang-apat na subok...

Logging in...

Lumabas ang mga contacts sa Skype ko, hinanap ko kaagad ang pangalan ni kuya.

Cayden Montecarlo.

Nabigo ako ng konti dahil offline siya.

"Maybe you should just leave a message, mababasa naman niya 'yan pag-online niya." Suggestion ni Andrew na agad ko na lang ginawa.

First message: Kuya, message me when you're online, I have to ask you about something important.

Maglo-logout na sana 'ko pero parang hindi ako kuntento, didiretsuhin ko na lang si kuya, para pagbukas ko ulit, nando'n na yung sagot sa mga tanong ko.

Second message: May sinabi sa'kin si Kyle about Paul and Craig, kuya. Si Craig daw yung lalaking nang-rape sa'kin, sinundan niya pa 'ko sa Canada para pagtangkaan ulit kasabwat si Paul. But then, nagpakamatay sila.

Third message: Pero kuya, I don't understand, bakit kailangan silang itago nila mama at papa sa'kin? Lahat ng tungkol sa kanila. Please answer me, kuya. I'm dying to know the answers. Take care.

Pagkatapos ay nag-logout na 'ko at pinatay ang laptop, napabuntong-hininga na lang ako at nagpasalamat kay Andrew. Sa pagkakataong 'to ay medyo relaxed na 'ko, kailangan ko na lang hintayin ang sagot ni kuya.

Paglabas ko ng kwarto ni Andrew ay narinig ko ang mga dumadagundong na tugtugan at malalakas na sigawan na parang nagkakasiyahan sa labas, pumunta 'ko ng balcony para silipin ito at tama nga ang iniisip ko. May mga malalaking speakers at DJ sa harapan, strobbed lights, bar, at mga babae't lalaking naka-swimwear na nagsasayawan sa gitna.

Pumunta ako ng kwarto para kumuha ng pang-tapis, ngayon ko lang naalalang naka-two-piece lang ako simula kanina, nakakahiya naman, kanina pa 'ko patakbo-takbo, ni hindi man lang ako nakapag-tapis bago makipag-usap kay Sir Andrew. Ay, nakakahiya! "Arrggghh!" Kinamot-kamot ko ang ulo ko at ginulo ang buhok, nagulat ako nang may tumawag sa'kin.

"Hey, are you okay?"

Nilingon ko ito nang nakahawak pa din sa ulo ko at gulo-gulo ang buhok. Isang lalaking naka-board shorts, moreno at matangkad.

Chasing Cassie (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon