Chapter 8

128 12 1
                                    

Chapter 8

Wynter' s POV

After 3 days...

---

Umupa mo na ko pansamantala ng bahay na matutulugan namin sa mga nakalipas na araw dahil may pera pa naman akong naipon sa huling sweldong ibinigay sakin ng nakaraan kung boss.

Buti nalang at na swelduhan na ko bago pa ko napatalsik.

Kasama ko ngayon ang kapatid ko at parehas kaming nakanganga ngayong dalawa ng maibaba kami nong taxi driver dito sa mansion ng mga Rainford.

Pahirapan pa kaming nakapasok dito dahil isa pala tong private subdivision na pag mamay ari ng pamilya nila. Kinukuhaan kami ng identity at ng kung ano ano pang impormasyon. Buti nalang at ipinakita ko sakanya ang calling card ni Zeus.

Nasabi ko na ba  na hindi ko man lang napansin ang sobrang laking mansion na to? Aabot yata sa milyon  ang halaga ng bahay na to pero ang unti naman ng taong mga nakatira.

Kung hindi ako nagkakamali, ay si Zeus at Poseidon lang ang nakatira dyan kasama ang 6 na maids nila, 2 butler para sa kanilang dalawa at 4 na driver.


Ganon ba talaga pagmayayaman? Kailangang iilang tao lang ang nakatira sa pagkalaki laking bahay nila?


"Ate, anong ginagawa natin dito? Hindi ba dapat naghahanap na tayo ng matitirahan ngayon? Teka... wala ka naman sigurong planong maging akyat bahay gang hindi ba?"


Binigyan ko kaagad ng masamang tingin si Wayben tsaka binatukan.


"Aray! Pag ako pumangit ipapakulam kita, tss." sabay ayos nya ng buhok nya na mukhang kinuryente.

"Pinagluluko mo ba ko?"

"Mukha ba kong nag bibiro?"


Inirapan ko lang sya at pipindotin na sana yong doorbell ng bigla nalang may bumusina ng pagkalakas lakas.


*BEEP BEEP*


"Miss!!! Nakaharang ka po sa daan!!! Excuse naman pows!!!"


Bago pa ko tuluyang makapag salita ay bumukas na kaagad yong gate ng mansion kasabay ng pagbaba ng isang gwapong nilalang na nakasakay sa kotse kanina.


"Hi! I'm Rain!" sabay hawi ng buhok nya tulad nong nasa commercial.


*Dead air*


Tinitigan lang namin sya ni Wayben at nagsimula ng maglakad papunta doon sa main door ng mansion.

I was about to press the doorbell again nang bigla na lang itong bumukas.

Tinignan ko kung may tao bang nagbukas nito pero wala naman akong nakita.

Ano yon? Magic?

Tumingin tingin ulit ako sa paligid dahil baka mamaya automatic pala tong pinto nila.


"What took you so long?"


Napakurap kurap ako habang nakatingin kay Zeus na nasa harap ko na ngayon.

My Boyfriend is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon