Chapter 9

88 9 3
                                    

Chapter 9

Wynter's POV

Suot ang pinaka formal na damit na meron ako ay nagsimula na akong mag abang ng jeep na masasakyan ko papunta sa RGC. Kanina ko pa naihatid si Wayben sa eskwelahan nya at kasalukuyan ng 7:47 ng umaga pero wala paring nadaan na jeep.

First day na first day ay malilate pa yata ako.

Ngunit hanggang maging 7:55 ay wala paring nadaan na jeep kaya nag taxi na lang ako.

"Manong, bakit wala po yatang nadaan na jeep dito?" tanong ko sa driver.

"Naku ineng, wala naman talagang nadaan na jeep dito eh. Hindi mo ba napanood sa TV na bawal na ang jeep sa lugar na ito?"

"Ganon po ba? Wala po kasing TV sa bahay namin."

"Ang hirap mo naman pala ineng."

Imbes na pansinin ko pa ang sinabi ni manong ay tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Meron naman talagang TV sa condo na tinitirahan namin ngayon ni Wayben. Flat screen pa yata ang tawag doon. Ang problema lang talaga ay hindi ako maalam kong paano ba paandarin yon.

Maitanong nga mamaya sa boss ko.

"Saan nga pala kita ibaba ineng?" biglang tanong ni manong driver.

"Sa RGC po."

"RGC? Yan ba yong malaking building na pagmamay ari ng isang mayamang binatilyo? Ano nga ba ang pangalan ng binatilyong yon? Sauce? Juice ba yon?"

Pinigilan kong hindi matawa sa pinagsasabi ng matanda.

Sauce at Juice daw.

"Zeus po manong." pagatatama ko sakanya.

"Ah oo tama!! Zeus nga! Ang sabi sa interbyo galing daw ang pangalan nya sa isang dyos noong unang panahon.Sino naman kayang dyos yon? May dyos nga din kayang Pedro ang pangalan?" nagtatakang tanong nya.

"Greek god po yon manong."

"Anong gagawin mo doon ineng? Wala ka naman sigurong planong pagnakawan ang kompanya yon hindi ba? May palano karin bang pasabugin yon pagakatapos mong gawin ang krimen? Ako na ang nagsasabi sayo ineng, hindi solusyon ang pagnanakaw para lamang mabuhay ka dahil lang sa isa kang mahirap.

Napa-irap na lang ako sa pinagsasabi ni manong. Sukat daw bang tawagin akong magnanakaw.

Maya maya rin lang ay nasa tapat na kami ng building ng RGC. Pagkatapos kong magbayad kay manong ay lumabas na ko ng taxi pero bigla nya kong tinawag at may iniabot sya saking isang kapirasong papel.

"Manong para saan po to?" nagtatakang tanong ko sakanya habang binabasa ang nakasulat sa papel na naglalaman ng isang number at pangalan.

"Number ko yan ineng, tawagan mo lang ako kung gusto mong maging substitute driver ko. I'm just one call away." sabay kindat.

Napanganga nalang ako habang pinapanood ang pagharurot ng taxi nya na para bang isang sports car.

Napatingin ako sa wrist watch ko at napasigaw na lang ako ng makita kong 8:30 na. Nakalog yata ang brain cells ko sa pakikipag usap kay manong at nakalimutan kong nagmamadali nga pala ako.

Patakbo akong pumasok sa loob ng building ng RGC ng bigla nalang akong may nakabangga dahilan para mapa-upo ako.

"Naku sorry po! Nagmamadali po kasi ako eh!" sabi ko habang pinapagpagan ang formal slack ko.

"Why are you late?" napatunghay ako sa pagkakayuko ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon.

"B-BOSS!!!"

Nasa harap ko ngayon ang boss ko na nakakunot na naman ang noo habang nakatingin sakin na para bang may ginawa akong krimen. Sisimulan ko na sanang magapaliwanag sakanya kung bakit ako na late pero nagsimula na syang maglakad.

"Follow me." rinig kong sabi nya.

Kinuha ko kaagad ang shoulder bag ko na nahulog kanina at sumunod na sakanya sa paglalakad.

Lahat ng nadaraanan naming mga empleyado ay yumuyuko sakanya pero hindi man lang nya ito pinapansin. Napapansin ko na halos lahat ng empleyado dito ay magaganda ang tindig. Isama pa na pencil skirt lahat ang suot ng mga babae sa pang ibaba at nakataas din ang mga kilay nila habang nakatingin sakin ng masama. Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan ko na lang kaagad si boss ng makita ko syang pasakay na sa elevator. Nakita kong pinindot nya ang 10th button kaya doon na siguro ang office nya.

Ang taas naman yata ng building na ito. Hindi ko kasi masyadong napansin ang building na kinaroroonan ko ngayon dahil sa kagimbal gimbal na "one call away' ni manong kanina. Natatawa tuloy ako kapag naalala ko yon.

"What are you thinking?"

Napatingin ako sa boss ko ng bigla syang magsalita. Ako ba kinakausap nito? Nakita ko syang nakatingin sa pintuan ng elevator kaya hindi ko nalang sya sinagot. Mamaya hindi naman ako ang kinakausap nito at masabihan pa ko ng assuming. Ibang klase pa naman ang utak nang isang to.

"I said what are you thinking?"

"F*CK ARE YOU DEAF OR WHAT?!!" nakasigaw na tanong nya habang nakaharap na sakin ngayon.

Tiningnan ko kung may nakalagay ba sa tenga nya na kung ano pero ng makita kung wala ay itinuro ko ang sarili ko.

"Ako ba ang kinakausap mo?"

Imbes na sagutin ay inirapan nya lang ako at kasabay non ay ang pagbukas ng elevator. Diri-diritso lang sya sa paglalakad hanggang sa pumasok sya sa kaisa isang kwarto na nandito sa floor na ito at kasabay non ay ang malakas nyang pagbagsak nang pintuan.

Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan ang pintong pinasukan nya.

"What the pak is wrong with that human?"

My Boyfriend is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon