Chapter 7

187 12 5
                                    

Happy 200+ reads nga pala mga vampires!!!

Keep supporting and don't forget to vote and comment ok?

Dedicated nga pala tong chapter na to kay azmarieflinn14 :-)

Thank you sa support


-rhey.

---

Chapter 7

Wynter' s POV


Salamat naman at nakauwi narin ako sa wakas. -____-

Akala ko kasi aabutin ako ng isang taon sa mansion ng lalaking yon, tss. Yong about pala doon sa 'trabaho' na ibinibigay nya ay hindi ko muna tinanggap.

Kung bakit?

Actually hindiko rin alam. Pakiramdam ko nabobo ako pagnakikita ko ang lalaking yon. Mas magiging worst pa siguro yon pag naging personal assistant/secretary nya ko.


"Nandito na po tayo miss."

"Salamat po manong." sabay bigay ko ng bayad ko at bumaba na ng taxi.


Nagsimula na kong maglakad papunta sa apartment na inuupahan ko. Maliit lang na kwarto yon actually. Pang dalawang tao lang yon kaya yon na ang kinuha namin ni Wayben although mahal ang renta. 500 sa isang buwan.


Siguro sainyo maliit lang na halaga yon pero para sakin ay malaki na yon. Wala narin naman kasi akong choice dahil walking distance lang yon papunta sa school ni Wayben kaya makakatipid kami kahit papaano.


Malapit na ako sa apatment ko ng mapansin kong parang may nag aaway? Wala naman akong natatandaan na kaaway at pinagkakautangan---


SH*T!!!


Napatakbo kaagad ako sa kinaroroonan ng Landlady namin ngayon na umuusok na ang ilong sa sobrang galit. Napansin kong nasa labas ang ibang gamit namin at may mga lalaking inilalabas ang ibang pang mga gamit namin.


Magsasalita na sana ako ng mapansin na ko ni Wayben at patakbong yumakap sakin.


"ATE!!!"

"B-Bakit nila nilalabas ang mga gamit natin?" naguguluhang tanong ko sa kapatid ko.

"A-Ate *sniff* pinapaalis na *sniff* na nila tayo dito *sniff*



"A-Ano?"

"Mabuti naman at nandito kana hampas lupa na babae! Ilang buwan ka ng hindi nakakabayad sa renta mo at may balak ka pang pagtaguan ako?!!!" galit na sabi ng landlady namin.

"Pagtaguan? H-Hindi ko po kayo pinagtataguan! Nagtatrabaho po---"

"Manahimik ka!!!! Ako pa ang lolokin mo eh sinabi na sakin ni Dana nong isang araw na pinagtataguan mo ko dahil ayaw mong magbayad ng renta sa bahay! Wala kang utang na loob!"


Si Dana?


Sinabi sakanya ni Dana yon?


Napatingin ako sa babaing katabi ng landlady namin na ngayon ay nakangisi sakin.


"Dana? B-Bakit?" naiiyak na tanong ko sakanya.


Hindi ko lubos akalain na magagawa nya sakin to.


"Anong bakit? Hindi ba't sinabi mo sakin na plano mong pagtaguan ang landlady natin dahil wala kang planong magbayad ng renta?" nakataas ang kilay na sabi nya sakin.


Sasagot pa sana ako ng bigla nalang ipagtatapon sa labas ng landlady namin ang mga gamit namin ni Wayben.


"Magsilayas kayo sa pamamahay ko mga hampas lupa!!! Mga walang utang na loob!!!" at pabalibag nyang isinarado ang pinto pero bago yon nakita ko pa si Dana na nginisihan ako.


Kaibigan ko sya pero bakit nya sakin ang mga bagay na to?


Isa isa ko nang pinagpupulot ang mga gamit namin at pinag aayos habang tumutulo ang luha ko.


"Ate saan na tayo titira ngayon? Gusto mo bang magtrabaho narin ako?"


Itinigil ko ang pagpulot sa mga gamit namin na nakakalat at niyakap ang kapatid ko.


"Hindi ka magtatrabaho ok? Maghahanap si ate ng trabaho at matitirahan." sabi ko habang pinupunasan ang luha nya.

"Pero ate..."

"Ssshh... Tulungan mo nalang ako rito para makaalis na tayo.."


Ayokong maging mahina sa harap ng kapatid ko dahil mas gugustuhin kong masaktan kesa maramdaman lahat ng kapatid ko ang mga paghihirap ko.


Tatayo na sana ako ng bigla nalang may nahulog.


Pinulot ko to at binasa.

---

Rainford Company

Zeus Harvey Rainford

09*******

---

Wala nga yata akong choice.


***

Keep supporting guys!!!


My Boyfriend is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon